May pabirong hirit ang veteran at award-winning actor na si John Arcilla sa kumalat na mga larawan ng modelong si Maureen Wroblewitz kasama ang napapabalitang bagong boyfriend niya.
Sa Instagram ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, November 17, 2022, nagkomento si John sa post tungkol kay Maureen at sa guwapong lalakeng kasama nito sa Siargao.
Nakalagay sa artcard kalakip ng mga sweet na larawan ni Maureen at ng lalake: "Guwapong lalakeng kasama ni Maureen Wroblewitz, boyfriend na niya o suitor pa lang?"
View this post on Instagram
Nakakatawang reaksiyon dito ni John, “Ang saya pala maging suitor [slightly smiling face emoji] kung ganito ang maging suitor, d na natin kailangan magkaroon ng steady [peace sign emojis]”

Base sa mga larawan ay tila may namamagitan na kay Maureen at sa lalakeng kasama nito.
Pero ayon sa ulat ng PEP Troika noong Martes, November 15, hindi pa raw boyfriend ng dating Asia’s Next Top Model ang naturang lalake.
Nasa dating stage pa lang daw ang dalawa, pero sure daw na hindi pa committed si Maureen kahit kanino.
Hindi lang daw ang lalakeng kasama nito ang nanliligaw sa dalaga, marami pa.
Mukhang hindi pa raw handa si Maureen na pumasok sa panibagong relasyon. Pero ang dami raw umaaligid at pumoporma na ang iba ay hindi na lang pinapansin ni Maureen.
Masugid lang daw maniligaw ang lalakeng nakita sa social media. Fil-Am daw ito na nag-aaral dito sa Pilipinas at nagmo-model din daw.
Read: Guwapong lalakeng kasama ni Maureen Wroblewitz, boyfriend na niya o suitor pa lang?
Matatandaang tila pinarunggitan ng ex-boyfriend ni Maureen na si JK Labajo ang ex-girlfriend matapos mag-post ng modelo sa kanyang Instagram Story ng larawan kasama ang mstery guy sa isang duyan sa dalampasigan ng Siargao.
Read: JK Labajo posts cryptic message after ex-girlfriend Maureen Wroblewitz flexes new boyfriend
Matapos nito, mukhang tinapos na rin nina Maureen at JK ang kanilang pagkakaibigan dahil in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.
Read: Ex-couple JK Labajo, Maureen Wroblewitz unfollow each other on Instagram
