PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Neil Arce on fake news about him and wife Angel Locsin

Neil Arce: "Donation na po namin sa fake news peddlers yang kikitain nila."
by Arniel C. Serato
Published Nov 17, 2022
Neil Arce deadma on fake news about him and wife Angel Locsin
Neril Arce on fake news peddlers about him and wife Angel Locsin: "Deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.”
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook

Sinagot ni Neil Arce ang mga pekeng balita sa social media, lalo na sa YouTube, tungkol sa diumano’y hiwalayan nila ng asawang si Angel Locsin.

Ayon sa mga nagsilabasang ulat, ang third party diumano sa hiwalayan nila ay ang aktres na si Maxene Magalona.

Neil Arce reacts to fake news

Sa vlog ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ngayong Huwebes ng gabi, November 17, 2022, nagpadala ng isang Viber message si Neil tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, maawain naman sila ng asawang si Angel.

Donasyon na lang daw nila ito sa mga taong ang gawain ay ang manira ng buhay ng iba.

Buong mensahe ni Neil: "Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake news peddlers yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news.

"Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.”

Neil Arce reacts to fake news

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang binanggit si Neil tungkol sa social media detox ni Angel, pero tiniyak ni Ogie na ayos na ayos ang pagsasama ng dalawa.

Matatandaang hinahanap ng netizens ang aktres dahil Agosto pa ang huling post nito sa kanyang Instagram.

Bago ito, masipag na nagpu-post si Angel sa kanyang Instagram.

Napagdiskitahan na nga nila si Neil at doon sila naglabas ng hinaing tungkol sa kanilang idolo.

Bukod sa na-miss ng fans si Angel, hinanap din nila ang aktres matapos manalasa ang Bagyong Paeng sa bansa nitong October 29.

Kilala kasing matulungin at mabilis kumilos ang actress-philanthropist tuwing may kalamidad o maging nitong pandemya.

Read: Netizens ask: Where is Angel Locsin?

Pero kahapon, November 17, nagparamdam si “Angel Locsin” sa kanyang verified Facebook account.

Read: "Angel Locsin” resurfaces on Facebook months after absence

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neril Arce on fake news peddlers about him and wife Angel Locsin: "Deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.”
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results