Tinupad ni BB Gandanghari ang pangakong bibisitahin niya ang puntod ng yumaong nakatatandang kapatid na si Royette Padilla pag-uwi niya sa Pilipinas.
Noong Miyerkules, December 8, 2022, ibinahagi ni BB sa kanyang Instagram account ang pagdalawa niya sa libingan ng kapatid. Kasama niya ang kanilang ina na si Eva Cariño-Padilla.
Pumanaw si Royette—panganay na kapatid nina Robin, Rommel, at BB—noong January 9, 2021, dahil sa heart attack.
Wala sa Pilipinas si BB nang pumanaw ang kapatid.
Sa mga litratong in-upload ni BB sa Instagram, makikitang naging emosyunal siya ang dumalaw sa puntod ng yumaong kapatid.
Nabanggit ni BB sa caption ng kanyang post na isa ito sa dahilan ng pinaghalong lungkot at ligaya na nararamdaman niya sa pag-uwi sa Pilipinas matapos ang pitong taon.
Mensahe niya (published as is): "#BitterSweet: coming home is seeing the living and those who have passed.
"I miss my kuya Royet, ArikiSan, my brother in law whom I have always considered my father figure and my favorite nephew, Jack Jack….
"I pray for your souls, may you rest in peace."
Kusunod nito ay ang panalangin ni BB na patuloy na maging malapit ang kanilang pamilya.
Aniya, "Togetherness is precious… family ties that bind. Lots of food and laughter that brings joy to this otherwise lonely heart in a foreign land.
"My heart is filled, my soul refreshed. God is good… all the time?? [emoji] #BBGandanghari #FamilyReunion #Homecoming"
Bukod sa pagbisita sa libingan ng kapatid, sinisimulan na ring gawin ni BB ang mga bagay na kanyang na-miss sa Pilipinas.
Nitong Linggo, December 11, ibinahagi ni BB sa isang video sa Instagram na nakapaglibot na siya sa Binondo, Manila.
Sa video, makikita si BB na naglalakad habang naghahanap ng masarap na makakainan.
Bahagi ng caption niya (published as is): "#Chinatown: Binondo, Manila [emoji]…
"After living for so many years in the US, i have missed a lot of things over here, the warmth of the people, street foods, honking jeepneys, even the traffic, most of the time stressful I must admit, but I weirdly missed everything that is very 'Filipino.' [emoji #ToBeContinued #BBGandanghari #Manila #Binondo #Adventure #Jeepney #StreetFood"
Dumating si BB sa Pilipinas noong December 6, 2022, matapos ang pitong taong paninirahan sa Amerika.
Agad niyang ibinahagi sa Instagram ang pagbabalik-bayan. Si Mommy Eva ang una nitong pinuntahan ni BB sa kanyang pag-uwi.
Sabi nito sa post: "#ustLanded: happiest to see my dearest mama in 7 years… yes, it was that long ago. How time flies??????…. #bbGandanghari #HomeComing #FamilyTime #MotherAndDaughter #MissingImman"
Namataan din si BB na dumalo sa Mutya ng Pilipinas 2022 grand coronation night kasama ang kapatid na si Robin Padilla.

Taong 2011, sinubukan ni BB na i-pursue ang pagmomodelo sa New York.
Una namang ibinahagi ni BB ang kanyang balak mag-migrate sa US para sa kanyang Hollywood dream noong 2016, matapos umere ang TV5 sitcom na 2 1/2 Daddies.
Noong December 2017, ibinalita ni Robin na rumaraket si BB bilang isang Uber driver.
Nitong April 2022 naman, sa pamamagitan ng Instagram, masayang ibinalita ni BB na isa na siyang ganap na U.S. citizen.
READ MORE:
- BB Gandanghari regrets hurtful words to Robin Padilla: “Kung pwede ko lang burahin”
- Video of BB Gandanghari recalling Rustom-Carmina-Anjo past issue resurfaces on TikTok
- BB Gandanghari offers condolences to Carmina Villarroel following death of her father
- Ogie Diaz reconciles with BB Gandanghari in the U.S.
