PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada fires back at basher calling Daniel Padilla "cheater"

Karla to basher: "Wag mandamay ng pamilya, panget yun.”
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 19, 2022
Karla Estrada, Daniel Padilla basher
Karla Estrada answers netizens critical of her son Daniel Padilla and their family': "Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? At akala mo alam mo lahat?... Wag tayong manghusga lalo na at hindi natin alam ang pinagdaanan ng iba.”
PHOTO/S: KARLA ESTRADA INSTAGRAM

Hindi pinalampas ni Karla Estrada ang tweet ng isang basher patungkol sa kanyang pamilya at anak na si Daniel Padilla.

Noong December 16, 2022, ni-retweet ni Karla ang tweet ng isang basher na ikinukumpara ang anak na si Daniel kay Donny Pangilinan.

Bukod sa pagtawag ng "cheater" ng basher kay Daniel, binansagan din nitong "problematic" at "chaotic" ang pamilya ni Karla, kumpara umano sa pamilya ni Donny na "complete and happy."

Ito ang tweet ng basher na ngayon ay burado na (published as is): "Si DJ, cheater, si Donny, hindi. Yung nanay ni DJ, problematic. yung nanay ni Donny, hindi.

"si DJ, chaotic yung fam. si Donny, complete and & happy family. Gusto niyo talaga mag-compare? okay."

Daniel Padilla's family basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang nakarating agad ito kay Karla dahil mabilis sinagot ng TV host-actress ang tweet.

Wala raw katotohanan ang pinagsasabi ng basher at mukhang ang pakay lang nito ay siraan si Daniel at ang kanyang pamilya.

Gigil na buwelta ni Karla: "Huh? Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? At akala mo alam mo lahat?!?

“Mag hunos dili ka huy. Maka-problematic at chaotic ito?? Hala inday pagtarong diha! [Hala inday umayos ka diyan].

"Wag mandamay ng pamilya, panget yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami naman sa KathNiel fans ang rumesbak at nagtanggol kay Daniel laban sa basher.

Tweet ng isang netizen (published as is), "Cheater? Naka isang dekada na nga sila ng nobya niya.

"Attitude? 11 years in showbizness but still on top.

"Came from a broken fam? Atleast nabigyan niya ng magandang buhay pamilya niya.

"Few of the many reasons why Daniel/ KathNiel is worth stanning. So ‘yung mga kuda niyo about sa kanya/ kanila, keep it for yourself nalang kasi we don’t care."

Si Kathryn Bernardo ang kasintahan ni Daniel.

Read: Daniel Padilla on girlfriend Kathryn Bernardo: "Pinipili namin ang isa't isa all the time."

Muli itong ni-retweet ni Karla, kalakip ang kanyang pasasalamat at ilang pangaral tungkol sa usaping pamilya.

Saad niya, "Salamat. Lahat ng family ay broken kapag hindi nag kakasundo. Hindi lamang dahil hiwalay ang magulang.

"Importante ay mag palaki ang mga anak na hindi bastos at mapagkumbaba."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa rito natapos, dahil isa pang tweet ang ibinahagi ni Karla noong December 17, 2022, kung saan naglalaman naman ng pagpapaalala na maging maingat sa pagbibigay ng komento.

Aniya, "Walang mali sa iba.. ang mali ay nasayo kung paano mo tratuhin at tingnan ang kapwa mo.

"Wag tayong manghusga lalo na at hindi natin alam ang pinagdaanan ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pilitin natin maging mabuti kahit minsan mahirap mag timpi. Masarap sumaya at libre pa."

Si Daniel ay anak ni Karla sa dati nitong karelasyon na si Rommel Padilla.

Bukod kay Daniel ay may tatlo pa siyang anak— sina Jose Carlito Padilla, na anak niya sa singer na si Naldy Padilla; Margaret "Magui" Planas kay former Quezon City Councilor Mike Planas; at Carmella Ford sa non-showbiz partner niya noong si Patrick o PJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada answers netizens critical of her son Daniel Padilla and their family': "Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? At akala mo alam mo lahat?... Wag tayong manghusga lalo na at hindi natin alam ang pinagdaanan ng iba.”
PHOTO/S: KARLA ESTRADA INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results