Finale na sa December 23, 2022, Biyernes, ang Start-Up PH sa GMA-7.
Kaya napag-usapan ang solid friendship nina Royce Cabrera, Jeric Gonzales, at Boy2 Quizon na nagsimula nang ma-cast sila sa show.
Ang tatlong aktor ang makukulit na magbarkada—sina Jefferson Katipunan (Royce), Davidson Navarro (Jeric), at Wilson Espiritu (Boy2)— na mas kilala bilang Three Sons Tech o TST Boys sa series.
Umpisang bulalas ni Royce, “Sobrang natuwa ako, kasi hindi ko din akalain na magiging ganito yung bonding namin, e.
“Na alam mo yun, kahit tapos na yung [taping ng] Start-Up PH, tuloy pa rin kami sa pagkikita, kuwentuhan, tawagan.
"So happy lang na naging kaibigan ko sila Jeric, Boy2, kasi ang dami kong natutunan sa kanila, e, tsaka ang sarap nilang kasama, ang saya.
“Mami-miss ko talaga yung set namin, yung kada every morning na magkikita-kita kami tapos kuwentuhan ng mga nangyari, so iyon yung mami-miss ko, yung makasama sila.”
Paano naman madi-describe ni Royce si Bea Alonzo bilang katrabaho, na pangarap halos nilang lahat na makatrabaho?
“Mahusay! Totoo naman, alam nilang lahat iyan, pupunta sa set ready, walang script na binabasa, ad lib, emotion, nuisances, lahat pasok, e!
“So alam mo, privilege talagang makatrabaho si Miss Bea Alonzo.”
Gumaganap si Bea sa Start-Up Ph bilang si Dani Sison at si Alden Richards naman ay bilang si Tristan Hernandez.
“Si Alden, same, same, sobrang bait ni Alden sa set, kumbaga…minsan siya pa nagpapasimuno ng kulit, pinapagaan niya yung eksena, lahat!
“Mahusay ding kabatuhan sa eksena, may mga eksena kaming dalawa, talagang nadadala rin ako, so ang galing lang din.”
Pinuri rin ni Royce si Yasmien Kurdi na gumaganap naman sa serye bilang si Ina Diaz.
“Si Yasmien, isa pa rin iyan, character talaga, kung makikita mo talaga na sa scene mataray siya, habang nagse-set up ng camera hindi siya bibitaw sa character, so nandun siya.
“So lahat sila, e, lahat sila may kanya-kanyang strength na alam mong may matututunan ka pag nakatrabaho mo.”
Siyempre si Jeric?
“Si Jeric, isa pa iyan, talagang itong tropang ito na alam mo yun, ang dami naming napagsamahan, through ups and downs.
"Kaya pag may mga ganitong eksena kami, tulungan kami pareho.”
Ano ang hindi niya makakalimutang eksena sa Start-Up PH?
“Ang dami, e! Hindi makakalimutang eksena, siguro yung scene naming kumpleto kami, every time na kumpleto yung all-star cast.
"Every time na kumpleto kami sa isang scene, iyon yung pinakamasaya sa akin, kasi nagkakaroon kami ng bonding sa set, e.”
Ano na ang sinabi ng Sparkle o ng GMA na next project ni Royce?
“So far may mga niluluto, na yung iba hindi pa puwedeng sabihin kasi wala pang kasiguraduhan, pero based sa mga meetings namin, feeling ko meron naman.
“So prayers na lang din tsaka tiwala na merong dadating.”
Christmas plans?
“Family lang po, tradition namin yun lagi na kumpleto kaming pamilya sa bahay, sama-sama.”
Taga-Pandacan, Manila si Royce.
“Parents ko, lola ko, pinsan ko, simula sa lolo’t lola hanngang sa pinakabunso.”
Ilan ba ang kapatid ni Royce?
“Dalawa, pero half-sister tsaka half-brother, kasama ko yung half-sister ko, yung half-brother hindi, e, kasi sa father side ko yun, bibisita na lang ako dun after Christmas.”
