Paulit-ulit na sinasabi ni Jeric Gonzales sa mga interbyu na malaking karangalan para sa kanyang makasama sina Alden Richards at Bea Alonzo sa Philippine adaptation ng popular Korean TV series na Start-Up dahil ito ang itinuturing niyang biggest break sa kanyang 11-year-old showbiz career.
Ngayong Biyernes, December 23, 2022, ang huling gabi sa telebisyon ng Start-Up PH kaya nagpadala kami kay Jeric ng mga tanong tungkol sa kanyang mga hindi makalilimutang karanasan nang makatrabaho niya sina Bea at Alden sa magwawakas na programa ng GMA-7.
At press time, hindi pa sumasagot si Jeric sa mga katanungang ipinadala namin sa kanya.
Pero may nakapagsabi sa aming maaaring abala pa siya dahil mula nang magkabalikan sila ni Rabiya Mateo, madalas na uli ang kanilang pagkikita.
Magkasamang pinanood nina Jeric at Rabiya ang reunion concert ng Eraserheads na ginanap sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City, kagabi, December 22.
Read: Vice Ganda, KathNiel, Beauty Gonzalez spotted at Eraserheads reunion concert
Base sa kanilang mga kilos, hindi maipagkakailang ipinagpapatuloy nila ang naudlot na relasyon nang mapabalitang naghiwalay sila noong March 2022.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales break up after only three months of relationship?
Nagkabalikan sila nang magkita ang dalawa sa GMA Gala Night na nangyari noong July 30, 2022 sa Shangri-La Fort.
Read: Jeric Gonzales, tahimik lang sa balitang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo
Tila mas tumibay ang pagmamahalan nina Jeric at Rabiya sa kanilang "love is lovelier the second time around affair" dahil, diumano, lumipat na ang former Miss Universe Philippines titleholder sa bahay na malapit sa tinitirhan ng kanyang boyfriend.