PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Fowler Critiques Donnalyn's Struggles

Toni Fowler: "MASYADONG PATUNAY PARA LANG MAKA CONNECT SA MASA."
by Arniel C. Serato
Published Jan 7, 2023
Toni Fowler contradicts Donnalyn Bartolome
Vlogger Toni Fowler (left) on Donnalyn Bartolome's post about her journey: "YUNG NAGLABAS KA PA NG PICTURE JUST TO JUSTIFY NA NAHIRAPAN KA TALAGA. Pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram

Hindi nag-atubiling banatan ng vlogger na si Toni Fowler ang kapwa nito vlogger at content creator ding si Donnalyn Bartolome.

Wala mang pinangalanan sa kanyang Facebook post ngayong araw, January 7, 2023, malinaw na si Donnalyn ang pinasasaringan niya.

Talk of the town sa kasalukuyan si Donnalyn matapos itong maglabas ng mga pruweba na dumaan din siya sa hirap noon bago naging matagumpay ngayon.

Sabi ni Toni, “YUNG NAGLABAS KA PA NG PICTURE JUST TO JUSTIFY NA NAHIRAPAN KA TALAGA [laughing emoji]

“pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho.”

Giit ni Toni, hindi alam ni Donnalyn ang totoong kahirapan na nararanasan ng ordinaryong manggagawa kapag pumapasok sa kanilang trabaho.

Parang masyado na rraw nagpapapansin si Donnalyn para lang maka-connect sa mahihirap.

Saad ni Toni, “Di alam neto kung ano ang totoong PAGHIHIRAP kaya nag react mga tao.

“IBA YUNG NAG STRUGGLE SA NAGHIRAP

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MASYADONG PATUNAY PARA LANG MAKA CONNECT SA MASA. Pass ako dyan boss HAHAHAHA! [laughing emoji]”

Matatandaang binira ng netizens si Donnalyn dahil sa kanyang “back to work” post noong January 3, 2023.

Magkahalo ang reaksiyon ng netizens sa kanyang Facebook post kaugnay sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season.

Ayon kay Donnalyn, marami siyang kakilalang nalulungkot dahil magbabalik-trabaho na matapos magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, sa halip na malungkot dahil back to work na, dapat ay magpasalamat na mayroong trabahong babalikan.

Mababasa sa kanyang post (published as is): "Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?

"Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun."

Suhestiyon din niyang baguhin na ang mindset ngayong bagong taon.

Sabi ni Donnalyn: "Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet .

"Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!! [heart emoji]."

Read: Donnalyn Bartolome draws flak from netizens over "back to work" remarks

Dahil sa bashing na natanggap, naglabas si Donnalyn noong January 5, 2023, ng mga larawan na tila pruweba sa mga pinagdaanan niya sa buhay bago marating ang tinatamasa ngayong tagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kasi sa netizens na na-offend sa naging pahayag ni Donnalyn noong January 3, 2023, madali lang sabihin sa iba na maging masaya sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season dahil hindi naman daw nila nararanasan ang paghihirap ng mga ordinaryong manggagawa.

Idiniin din ng netizens ang iba’t ibang problemang kinahaharap ng Filipino workers, tulad ng problema sa transportasyon, mababang pasahod, at toxic work place, kung kaya’t ang iba raw ay nalulungkot sa pagtatapos ng mahaba-habang bakasyon.

Buwelta naman ni Donnalyn, ang lahat ng ito ay kanya ring pinagdaaanan at nalagpasan sa pamamagitan ng pagiging positibo sa buhay.

Read: Donnalyn Bartolome defends herself after viral "back to work" statement; apologizes for wrong choice of words

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger Toni Fowler (left) on Donnalyn Bartolome's post about her journey: "YUNG NAGLABAS KA PA NG PICTURE JUST TO JUSTIFY NA NAHIRAPAN KA TALAGA. Pero maayos yung kumot, may delata, may pang jeep, may camera at naka kulot sa trabaho.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results