Buhos ang suporta ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi.
Sa kanyang Instagram ngayong araw, January 12, 2023 (petsa sa Pilipinas), masusing sinubaybayan ni Rabiya ang ginanap na Miss Universe 2022 preliminary competition sa New Orleans, Louisiana.
Sabi ni Rabiya sa isang Instagram Story, sigurado nang si Celeste ang mag-uuwi ng ikalimang korona ng Miss Universe sa Pilipinas.
Aniya: “5th crown na to for the country!!!!!”
Apat na Pinay na ang nakapag-uwi ng korona ng Miss Universe.
Ito ay sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Ibinahagi rin ni Rabiya ang screenshot ng trending list sa Twitter kung saan sumunod siya kay Celeste sa listahan.
Base kasi sa obserbasyon ng maraming netizens, may “Rabiya” vibes ang look ni Celeste sa Miss Universe 2022 prelims.
Nakakuha rin ng atensiyon ang isang Instagram post ni Rabiya may ilang araw na ang nakalilipas. Ito ay ang larawan kung saan may itinaas na itlog ang Ilongga beauty queen.
View this post on Instagram
Sabi ng isang follower niya, “Ayan nag-alay na si queen ng itlog para sa laban ni queen celeste”
Tugon ni Rabiya, “@dxnielrod yaaaaassss"
Samantala, kapansin-pansing wala pang post si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez tungkol sa laban ni Celeste.
Ipinagbunyi ng mga Pinoy ang over-all performance ni Celeste sa preliminary competition ngayong araw kung saan nagpakitang gilas ito sa gown, swimsuit, at national costume competition.
- FIRST LOOK: Celeste Cortesi stunning in sky-blue gown at Miss Universe 2022 preliminaries
- Did you know: Celeste Cortesi's cape was made with handprints of children from Marawi?
- Celebrities, netizens react to Celeste Cortesi's Darna costume at Miss Universe 2022
Gaganapin ang Miss Universe 2022 grand coronation sa January 14, 2023 (January 15, PH time) sa New Orleans Morial Convention Center.