PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donnalyn's "Back to Work" Statement Sparks Debate

Mimiyuuuh is a certified Blink!
by Rose Garcia
Published Jan 15, 2023
Mimiyuuuh
Mimiyuuuh refuses to comment on Donnalyn Bartolome's controversial "back to work" statement, which drew a lot of flak from netizens. Mimiyuuuh says, "Magkaiba lang po siguro kami ng pinaghuhugutan."
PHOTO/S: Mimiyuuuh Facebook page

Ang isa sa mga kilalang Pinoy vlogger at social media influencer na si Mimiyuuuh ay nag-a-upload sa kanyang Tiktok account ng pang-Monday Motivation.

Ang kadalasang content ng kanyang Monday Motivation ay pagbibigay ng inspirasyon sa mga tinatamad na pumasok sa trabaho.

“I really, really love working po,” masayang sabi ni Mimiyuuuh kaya raw siya nagpu-post ng Monday motivation videos.

Ayon pa rito, “Ako po kasi, before po ako naging vlogger, na-experience ko po talaga yung hirap of being an employee, so doon po ako humuhugot ng motivation.

“And for sure po, parang lahat po ng tao, pagod na pagod na po silang mag-work. Kasi may instances po tayo—for sure, kayo rin po—na napapagod kayong mag-work. So, parang I just want to be the light. Wow!” natawang sabi niya.

“I just want to be the light sa mga nawawalan po ng ganang magtrabaho na laban lang tayo.”

MIMIYUUUH NO COMMENT ON DONNALYN ISSUE

Halatang nagulat naman si Mimiyuuuh nang hingan namin siya ng reaksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung tanggap ng karamihang netizens ang pagmu-motivate niya na magsipag lang sa trabaho, tila kabaligtaran nito ang nangyayari sa isa pang vlogger na si Donnalyn Bartolome, na naba-bash lately dahil sa naging pahayag niya tungkol sa pagbabalik trabaho mula sa nakaraang holiday season.

READ: Donnalyn Bartolome draws flak from netizens over "back to work" remarks

READ: Lumang post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa pagiging "sad" lumitaw dahil sa "back to work post" niya

READ: Donnalyn Bartolome defends herself after viral "back to work" statement; apologizes for wrong choice of words

“Naku, no comment po ako,” natawang pag-iwas niya.

Ayon kay Mimiyuuuh, hindi pa raw sila nagkikita ni Donnalyn sa personal.

“Ako po, never ko pa pong na-meet si Ms. Donnalyn. Pero nagme-message po kami sa Instagram. Magkaiba lang po siguro kami ng pinaghuhugutan,” saad niya.

MIMIYUUUH NOT WORRIED ABOUT BEING BASHED

Bilang isang social media influencer, kapansin-pansin na maingat si Mimiyuuuh na magkaroon ng negatibong impresyon sa kanya ang mga netizens.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Meron ba siyang conscious effort niya na maging maingat talaga sa bawat kilos o salita niya sa social media?

“Well, ako po, feeling ko naman po talaga, mabait naman po akong tao,” paliwanag niya.

“Opo, kasi ako po, I really, really try my best to be kind every day. So I think, hindi po siya effort na hindi ma-bash. Feeling ko, mabait lang po talaga ‘ko.”

Masasabing nasaksihan ng karamihan ng netizens ang naging “journey” ni Mimiyuuuh sa social media. Kabilang na rito ang mga collaboration niya sa iba’t ibang celebrities at kapwa niya kilalang vloggers at mga endorsements din niya.

MIMIYUUUH LOOKS FORWARD TO MORE TRAVELS IN 2023

Masasabi ring marami na talagang nabago sa kanya. Pero sa pagpasok ng bagong taon, ano ang mga nilu-look forward niya?

Ayon kay Mimiyuuuh, “Since medyo maluwag na po ang travel, I really want to travel with my family po this year.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapag-Boracay na raw sila. Pero hindi pa raw sila makapag-out-of-the-country travel dahil wala pang passports ang mga magulang niya.

Saad niya, “Kami muna pong magkakapatid, kaming tatlo.

“At may pamangkin na rin po ako. Doon din po ako focused ngayon. At thankful naman po talaga ako sa lahat ng opportunity at nagtitiwala sa akin. I hope mas marami pa tayong brand na makatrabaho this year.”

MIMIYUUUH NOT INTERESTED IN ACTING

Matinding tanggi naman ang ginawa ni Mimiyuuuh nang tanungin namin kung hindi pa ba niya susubukan ang showbiz o pag-arte talaga.

Giit niya, “Ay, ayoko po, ayoko po ng acting. Hindi ko po kaya. Feeling ko po hindi ko po kaya. Wala po akong talent sa acting.

“Dito na lang po ako sa YouTube, Tiktok, Instagram, Twitter na lang. Sa social media.”

MIMIYUUUH IS A DIEHARD BLACKPINK FANEY

"Certified Blink" daw si Mimiyuuh. Base sa kuwento niya, fan na raw siya ng Blackpink mula pa noong una itong ni-launch ng YG Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Captivated na po ako and college pa lang po ako, noong debut pa lang po nila, I really, really love them po,” pag-amin niya.

Yun nga lang, hindi pa raw niya nakikita sa personal ang apat na miyembro ng Blackpink na sina Lisa, Jennie, Rosé at Jisoo.

Sa ngayon, mukhang malabo na raw na mapanood niya ang concert ng Blackpink sa Philippine Arena sa Marso.

“Parang hindi po, hindi po ako nakabili ng ticket. Next time, next time,” paninigurado niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mimiyuuuh sa ginanap na launching ng OREO cookies at Blackpink collaboration sa Trinoma Activity Center noong January 11.

Mimiyuuuh

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula ngayong January 15, makakabili na ng limited edition ng OREO na black at pink na may kasamang exclusive BLACKPINK memorabilia tulad ng mga photo cards ng apat na miyembro.

At isa si Mimiyuuuh sa local ambassador ng collaboration na ito.

Sabi nga niya, “As a fan po of both brands—BLACKPINK and OREO, I’m super honored to be part of this campaign. At siyempre, with this collab, ang mga Blinks po, matutuwa pong kumain ng OREO.”

Sa apat na Blackpink members, si Lisa raw ang pinaka-paborito niya.

“Ang bias ko po ay si Lisa but I love them all. Love ko sila,” deklara niya.

Aminado rin ang vlogger na ginagaya niya ang style ng mga ito.

“Isa po talaga si Lisa sa style icon ko po. Kasi po, nagbago po ang taste ko sa fashion because of her.”

At sa huli, dahil hindi siya nakabili ng ticket para sa BLACKPINK WORLD TOUR (BORN PINK) IN MANILA na gaganapin sa March 25 at March 26, ang bilis sumagot ni Mimiyuuuh nang tanungin namin kung manonood siya kung may mag-sponsor ng ticket niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Opo, opo, beke nemen!” natatawang parinig niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mimiyuuuh refuses to comment on Donnalyn Bartolome's controversial "back to work" statement, which drew a lot of flak from netizens. Mimiyuuuh says, "Magkaiba lang po siguro kami ng pinaghuhugutan."
PHOTO/S: Mimiyuuuh Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results