Diretsahang sinagot ni Bb. Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol ang mga netizen na pumipilit sa kanyang sumali sa Miss Universe Philippines.
Ito'y matapos mabigong makapasok sa Top 16 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi.
Read: Celeste Cortesi fails to land Miss Universe 2022 Top 16 spot
Ginanap ang grand coronation ng Miss Universe 2022 sa New Orleans Memorial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, USA, Sabado ng gabi, January 14, 2023 (Linggo ng umaga, January 15, 2023, sa Pilipinas).
Ang Filipino-American na si R'Bonney Gabriel ng USA ang kinoronahan bilang pinakabagong Miss Universe.
Read: Filipino-American R'Bonney Gabriel of USA wins Miss Universe 2022
Sa Facebook post ni Herlene noong January 15, 2023, binati niya si Celeste sa pagre-represent nito sa Pilipinas kahit maagang natapos ang kanyang Miss Universe 2022 journey.
Mababasa sa post ni Herlene (published as is), "Celeste maganda ka pa din. We love you [kiss emoji]. Ako nga na budol e."
]Ang tinutukoy na "nabudol" ni Herlene ay ang naranasan niya kamakailan sa bansang Uganda kung saan siya sana ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Planet International 2022, subalit dahil sa ilang aberya ay pinili niyang umatras sa patimpalak.
Read: Herlene Budol nag-back out na sa Miss Planet International 2022
Sa comments section ng post ni Herlene ay bumuhos ang komento ng mga tagahanga na nangungumbinsing sumali siya sa susunod na Miss Universe Philippines pageant.
Hindi naman nagdalawang-isip si Herlene na sagutin ang mga ito.
Ayon sa beauty queen-actress, magpapakatotoo siya na sabihing hindi siya nababagay sa Miss Universe.
Aniya, "Wag nating ipilit, di tayo pang-MU [Miss Universe], pangbardagulan lang tayo.
"Doon tayo sa kung saan lang tayo bagay."
Dagdag pa niya, "Ano sa tingin niyo?"
Bukod dito, isa pang comment ng netizens ang sinagot niya.
Komento ng isang netizen, "Siguro kung ikaw nag join sa MU kahit paano nakapasok ka sa top 5.
Walang habas naman itong sinagot ni Herlene.
Hirit niya, "Malabo b*b* po ako haha."

Ikinatuwa naman ng fans ang naging sagot at anila'y pagkakatotoo ni Herlene.
Saad ng isang netizen, "You’re so funny and I love that Herlene. Keep getting better for you."
Komento pa ng isa, "Di ko tuloy alam kung mag love react ba ako o mag haha. love you herlene [heart emoji]."
READ MORE:
- Miss Universe 2022 bloopers, trending reactions of netizens
- Celebrities react to Celeste Cortesi's non-placement at Miss Universe 2022 Top 16
- Rabiya Mateo seeks netizens' help to hunt down basher who said she “jinxed” Celeste Cortesi's Miss Universe 2022 bid
- Catriona Gray says she gave "a lot" of advice to Celeste Cortesi
- Full transcript of Miss Universe 2022 Top 5 Q&A portion
- The winning answer of Miss U.S.A. at Miss Universe 2022 Final Q&A
