PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Clavio praises Alex Gonzaga's apology

"Maraming salamat kay Ms. Gonzaga sa pag-amin sa kanyang pagkakamali."
by Arniel C. Serato
Published Jan 20, 2023
Arnold Clavio on Alex Gonzaga's apology to Allan Crisostomo
GMA News personality Arnold Clavio (left) praises controversial showbiz personality Alex Gonzaga for her humility to apologize to waiter Allan Crisostomo (right) after severe bashing over viral cake-smearing video.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / ABS-CBN News on Facebook

Pinapurihan ng Saksi anchor Arnold Clavio ang pagpapakumbaba ni Alex Gonzaga at kagyat na paghingi ng kapatawaran sa kanyang nagawang pagpahid ng icing sa waiter na si Allan Crisostomo.

Sa viral video, mapapanood na pinahiran ni Alex ng icing si Allan sa noo sa birthday asalto ng TV host/actress/vlogger noong January 15, 2023.

Read: Alex Gonzaga, binabatikos dahil sa pagpahid ng cake sa noo ng waiter

Sa kanyang Instagram kahapon, January 19, 2023, sinabi ni Arnold na nakakagaan ng loob ang naging aksiyon ni Alex matapos mabatikos nang husto ng netizens.

Sabi ni Arnold sa kanyang "Tilamsik ni iGan" series: “’It takes a strong person to say sorry.’- Anoymous

“Nakakagaan ng loob ang naging mabilis na aksyon ng aktres na si Alex Gonzaga sa waiter na si Alex (Allan) Crisostomo.”

Kasunod nito ay ginawan niya ng buod ang mga pangyayaring nagdulot ng ingay sa showbiz industry ng ilang araw hanggang sa magkaroon ng kapatawaran ang buong sigalot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Hindi nagustuhan ng marami ang ginawang pagpahid ni Gonzaga ng cake sa mukha ni Crisostomo habang bitbit niya ito. Nangyari ito sa kaarawan ng komedyante.

“Sa maikling pahayag na inilabas sa ABS-CBN News nitong Miyerkules, ibinunyag ng waiter na si Allan Crisostomo, na pumunta si Gonzaga sa kanyang pinapasukan noong Martes para humingi ng paumanhin sa ginawa nito sa kanya.

“’Last January 17, 2023 around 6:30 PM nasa work po ako. Pumunta po si Ma’am Alex kung saan po ako nagwowork,’ kuwento ni Crisostomo. ‘Then nag apologize and nagsorry siya saken tapos konting kwentuhan at sinabi ko po sa kanya na ok na po yung nangyari. Ok na po kami,’ dagdag pa niya.

“Inilabas din ni Crisostomo ang isang liham sa nangyari na naka-sulat kamay pa niya.

“Sa post naman ni Gonzaga sa kanyang social media account, ‘On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment.’

“’I am truly sorry, Kuya Allan,’ ani Gonzaga.

“’To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,’ sabi pa niya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Arnold, isang magandang aksiyon ang ipinakitang pag-amin ni Alex sa kanyang pagkakamali at pagpapakumbaba.

Sabi pa nito, ang mga ganitong pangyayari ay natatapos sa kapatawaran ng lahat at sana ay magkaroon ito ng aral hindi lamang kay Alex kundi sa ating lahat.

Pagtatapos ni Arnold, “Maraming salamat kay Ms. Gonzaga sa pag-amin sa kanyang pagkakamali at sa pagpapakumbaba na personal na humingi ng paumanhin kay Crisostomo.

“Lahat tayo ay dapat magkaroon ng aral sa nangyaring ito.

“Sa ngayon na natapos na sa kapatawaran ang lahat, baunin natin saan man tayo magpunta—ang mabuting pakikitungo at respeto sa kapwa, anuman ang antas niya sa buhay.

“Walang lugar ang panlalait, pagpapahiya at pagmamaliit ng iba.

“Muli, salamat.

“Walang Personalan.”

View this post on Instagram

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Matatandaang noong January 18, naglabas ng hinaing si Arnold tungkol sa napanood na video dahil nagtrabaho siya noon bilang waiter kaya alam niya ang pakiramdam ng isang taong ginamit para maging katatawanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag ng GMA News anchor, “Mga ‘iGan, hindi ako natawa at hindi rin ako natuwa sa inasal ng aktres na si Alex Gonzaga sa isang waiter noong birthday party niya.

“Aaminin ko, nasaktan ako. Bilang dating waiter sa isang fastfood restaurant noong nasa kolehiyo, di ko maatim na hindi mag-react sa maling trato ni Gonzaga sa aking kabaro.”

Read: Arnold Clavio, nasaktan sa ginawa ni Alex Gonzaga sa waiter; Rhap Salazar, tinawag na "bastos" si Alex

RELATED STORIES:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News personality Arnold Clavio (left) praises controversial showbiz personality Alex Gonzaga for her humility to apologize to waiter Allan Crisostomo (right) after severe bashing over viral cake-smearing video.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / ABS-CBN News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results