Spotted na magkasama muli ang nagkahiwalayang magkasintahang McCoy de Leon at Elisse Joson.
Sa Facebook nitong nakaraang January 20, 2023, ibinahagi ng isang local restaurant ang picture nina McCoy at Elisse, na tinawag pa nilang “stunning couple.”
Nakasaad sa buong caption, “Stunning couple @elissejosonn and @mccoydeleon at @farmerydeli on a nice Thursday night. Thank you so much, and may God bless you both more! Cute baby, btw [face with three hearts emoji]”
Hinangaan naman ng netizens ang dalawa sa pagnanais umano ng mga itong mabuo muli ang kanilang pamilya.
Si McCoy at Elisse ay may one-year-old daughter, si Felize.
Ayon sa isang netizen, “They have a kid though, somewhat understandable.”

Sabi pa ng isa, maiintindihan ng tao kung ngayon pa lang ay nais na nilang sagipin ang kanilang relasyon.
Aniya, “If they could fix things right this time, why not diba? Many would understand especially those who have kids! [heart emoji] Happy for you both [heart emoji]”

Pinapurihan din ng isang netizen si Elisse dahil sa pagnanais daw nitong ipaglaban ang kanyang pagiging ina.
Aniya, “Hindi karupokan tawag diyan, iindain, tatanggapin, susubukan ulit para sa anak. Hindi lang siya isang babae, isa siyang Ina.”

Noong nakaraang linggo, spotted ding magkasama sina McCoy at Elisse sa isang theme park sa Tagaytay kasama ang kanilang anak.
Read: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?
Mainit na pinag-usapan pagpasok ng 2023 ang alingasngas na diumano'y on the rocks ang relasyon nina McCoy at Elisse.
Marami kasi ang nakapansin na hindi nag-post ang dalawa ng kanilang family picture lalo na noong Pasko at Bagong Taon.
Mas lalo pa silang naintriga nang mag-post si McCoy ng larawan nila ng kanyang anak na si Felize na may makahulugang caption.
Nasundan pa ito ng isang cryptic post naman ni Elisse.
January 3, 2023, nag-trending sa TikTok ang video na makikitang kasama ni McCoy si Mary Joy Santiago, isang social media influencer.
Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?
January 4, 2023, in-edit ng aktor ang original caption ng Instagram post niya patungkol sa paghingi ng tawad sa kanyang anak.
Read: Did McCoy de Leon confirm breakup with Elisse Joson via open letter to daughter?
Kinagabihan ng January 4, tuluyan nang inamin ni McCoy na nagwakas na ang mahigit dalawang taon nilang relasyon ni Elisse, mula nang magbalikan sila noong mid-2020.
Read: McCoy de Leon says "sorry" amid cheating issue
Sa kanyang sunud-sunod na Instagram Story, ibinunyag nitong wala na sila ni Elisse, kalakip ng kanyang mensahe ng paumanhin sa mga taong nadismaya sa mga pangyayari.
Pero, pinabulaanan niyang may third party sa kanilang hiwalayan.
Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."
