Hindi napigilan ni Paolo Contis ang pagpatak ng kanyang luha nang mapag-usapan ang relasyon niya sa kanyang mga estranged daughter na sina Xonia, Xalene, at Summer sa panayam ng aktor sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon, January 27, 2023.
Sina Xonia at Xalene ang mga anak ni Paolo sa kanyang estranged wife na si Lian Paz.
Si Summer ang bunga ng pagmamahalan nila ng ex-live in partner niyang si LJ Reyes.
Read: Paolo Contis, araw-araw raw nami-miss ang anak kay LJ Reyes
Sinabi ni Paolo kay Boy Abunda na matatagalan bago magkaroon ng "healing" at "forgiveness" sa kinahinatnan ng kanyang mga relasyon, kasunod ang pag-amin ng kawalan niya noon ng maturity.
“Healing and forgiveness, I think it takes time. Maturity, I believe, isa rin yun sa wala ako nung mga panahon dati.
“Feeling ko kasi, bata pa ako.
"Actually, last year lang, naisip ko, thirty-nine [39] na ako, hah! Parang ang tanda ko na para magkamali nang ganito so I’m fixing it,” saad ni Paolo, na nagsisimula nang maging emosyunal sa puntong ito.
Nang tanungin tungkol sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa mga anak nila ni Lian, hindi itinanggi ni Paolo ang katotohanan. Pero may mga dahilan umano siya.
Read: Lian Paz details Paolo Contis's lack of financial support; gives update about annulment case
Pahayag ng Kapuso actor, “I had my reasons why, but I’m saving for them. I have some savings for them that, hopefully, one day, I could give them straight.
“As I’ve said, I had my reasons, pero anong point? I don’t wanna argue about it anymore. Ayoko na siyang lumaki.
“It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay.
"But ever since na nakapagtrabaho ako nang maayos, unti-unti akong maglalagay sa account para kay Xonia, Xalene, pati kay Summer, which eventually I want to give it to them straight.”
NO RELATIONSHIP WITH HIS DAUGHTERS
Hindi rin kinontra ni Paolo ang obserbasyon ni Boy na wala siyang relasyon sa kanyang mga anak dahil sa kanilang matagal na panahong hindi pagkikita.
“The last time I saw my... Xonia and Xalene, mga seven, six or seven years ago when we went to Cebu. And then, naputol na naman," sabi ni Paolo.
“Kay Summer, magtu-two years ko na siyang hindi nakakausap. I reached out though, I tried to reach out.
"But as I always say, forgiveness takes time. Healing takes time, and I’m giving that to LJ.”
Tanong ni Boy kay Paolo: "Hindi ka natatakot na isang araw, magagalit ang iyong mga anak?"
Sagot ni Paolo:“ Takot na takot…”
“Mahal mo sila?” sundot na tanong ni Boy na dahilan para tuluyan nang kumawala ang mga luha na pinipigilan ni Paolo na pumatak.
Aniya, “Sobra. Yung sa dalawa ko [Xonia at Xalene], gusto kong bumawi.
"Yung kay Summer, biglaan kasi. It doesn’t make me love Summer more. Lahat silang tatlo, mahal ko siyempre.
"Yung sa dalawa, yun, medyo malalim-lalim na yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi.
“And I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata.
"Dun, suwerte ako kasi mabait yung John, e..." aiiyak na sabi ng aktor.
Ang "John" na tinutukoy ni Paolo ay si John Cabahug, ang karelasyon ngayon ni Lian at siyang kinikilalang ama ng mga anak ni Paolo na matagal nang naninirahan sa Cebu.
Read: Former EB Babe Lian Paz details love story with Cebuano partner, how he accepted her kids
Pagpapatuloy ni Paolo, “Anyway, kay Summer, na-miss ko siya sobra. Kasi nung pandemic, sobrang…
"Saka yung ugali kasi ni Summer, parang ako, luko-luko, e.
“So, lagi kong kasama yan sa taping tapos biglang naputol. Pag-uwi ko galing Sorsogon, paalis na sila, e.”
Pang-uusisa pa ni Boy, “Takot na takot ka kung anong magiging pagkakilala ng mga anak mo sa yo? Sa kabilang dako, mahal na mahal mo sila. Hindi ba dapat mas mangibabaw, you should have bigger love than that fear as a father?
Paliwanag ni Paolo, “Kung pag-uusapan yung love, sobrang love ko sila.
"Pero you know, ako, feeling ko, reality lang. Hindi naman na sa akin lumaki, especially si Xonia at Xalene, di ba?
“So, yung para ma-hate nila ako, yun ang pinaka-fear ko.
"Hindi ko kailangan... to be honest, nasa stage ako na maging magkaibigan tayo eventually.
“Okay na yun, civil lang. Huwag lang galit.
"Hindi ko kailangan na mahalin nila ako kasi hindi ko yun masisisi.
“Hopefully, it will come. Maybe, I have no idea, pero that’s my biggest fear… is for them to actually hate me.”