Mukhang nakahanap na ng bagong pag-ibig ang professional race car driver na si Marlon Stockinger.
Sa Instagram noong nakaraang Huwebes, January 26, 2023, nagbahagi si Marlon ng ilang litrato kunsaan kasama niya ang aspiring beauty queen na si Dani Camcam.
Caption ni Marlon, “January - what a treat of a month to start 2023 [candy emoji]”
View this post on Instagram
Si Dani ay kapatid ni Emmanuelle Vera, ang tinanghal na third runner-up sa Reina Hispanoamericana 2021.
Si Dani ay sumali sa Miss Universe Philippines 2022 representing San Juan.
Nanalo siya ng special award sa Miss Universe Philippines 2022 preliminaries noong nakaraang April 27, 2022 bilang Miss COINS.PH.
Ang buong pangalang ginamit niya sa pageant noon ay Danielle Arielle Camcam.
Read: Michelle Dee bags six special awards at Miss Universe Philippines 2022 preliminaries
Mukhang aprubado naman ni Emmanuelle ang relasyon nila.

Pinusuan naman ni Tim Yap ang post ni Marlon.

Samantala, noong nakaraang November 1, 2022, nag-upload na si Dani ng larawan niya at ni Marlon ngunit tinakpan niya ang mukha nito.
Ang naka-tag pa dito ay ang sikat na basketbolistang si Michael Jordan.
View this post on Instagram
Pero sa comments section, nagbiro naman itong soft launch pa lang daw ito.


Baka daw sa susunod na taon pa ang jowa reveal niya.

Ang huling napapabalitang girlfriend ni Marlon ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Halos tatlong taon ang itinagal ng relasyon nina Pia at Marlon.
Inamin ni Pia noon na siya ang gumawa ng first move upang magkakilala sila ng guwapong race car driver.
Kuwento pa ng Filipino-German endorser/model/actress, “I found my boyfriend on Instagram.
“I just started liking a few pictures first, just to kinda knock on the door, like let him know, ‘I’m here.’ I’ve always had a crush on this guy.”
Read: Pia Wurtzbach reveals she made the first move on Marlon Stockinger: "I found him on Instagram."
Nang inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 2017 ang balitang may anak na kambal si Marlon, nanatili si Pia sa piling ng nobyo.
Read: PEP SCOOP. Model confirms Marlon Stockinger is the "biological dad" of her twins
Naghiwalay ang dalawa noong September 2019 pero December lamang ito naisapubliko.
