Hindi maiwasang tanungin sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte tungkol sa pananaw nila sa pagbabalikan ng mga kaibigan nilang sina McCoy de Leon at Elisse Joson.
Noong Enero 4, 2023, naisapubliko ang tungkol sa hiwalayan nina Elisse at McCoy dahil sa isyung third party.
Pero bago matapos ang buwan ng Enero ay naispatan ang dalawa na magkasama, at nitong Pebrero 5 ay kinumpirma ni McCoy na nagkabalikan sila ni Elisse.
Naniniwala sina Loisa at Ronnie na sina McCoy at Elisse ang mas nakakaalam kung ano ang makabubuti sa kanilang relasyon.
Paliwanag ni Loisa, "Friends namin sila parehas. Para sa akin, choice nila talaga.
"Sa relasyon, may mga iba kasing nangyayari kung gaano ka-strong ang relationship nila sa pinagdadaanan nila.
"Ayaw naming sumali sa mga ganyan kasi yung mga relasyon talaga may kanya-kanyang pinagdadaanan, at nirerespeto namin yun.
"Para sa akin, silang dalawa lang din ang magkakapag-ayos nun, e, wala sa ibang tao. Silang dalawa, dapat mag-usap sila."
Pagsang-ayon ni Ronnie, "Tama naman si Loisa, relasyon naman nila yun, sila ang makakapag-ayos niyan.
"Kung gugustuhin nilang magkabalikan, sila lang din."
Magkaiba naman ang paniniwala nina Ronnie at Loisa pagdating sa usaping cheating.
"Sa akin kasi, sobrang big deal nun," ani Ronnie.
"Sa akin pag nag-cheat na, ayoko na. Kapag nagawa mo na nang una, puwedeng maulit."
Sabi naman ni Loisa, "Big deal talaga siya, pero nobody's perfect talaga. Pero depende talaga sa kanila yun."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Loisa at Ronnie sa special screening ng Kapamilya series na Dirty Linen, na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma Mall,
loisa andalio and ronnie alonte on MY TEACHER
Kasama sina Loisa at Ronnie sa cast Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry na My Teacher, na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon.
Sa unofficial results ng box-office sales ng MMFF 2022 na inulat ng PEP Troika, nakasaad na sa walong entries ay nasa fifth place ang My Teacher na kumita lamang umano ng PHP12M.
Read: MMFF 2022 box office: Deleter naka-P234M; last placer naka-P1.5M lang
Sabi ng iba, may moviegoers na hindi sinuportahan ang My Teacher dahil sa political preference ng lead star na si Toni at ng asawa nito at direktor ng pelikula na si Paul Soriano.
Read: Paul Soriano believes wife Toni Gonzaga is "probably the most powerful celebrity today"
"Siyempre masakit din, nakakalungkot, pero di na namin pinapansin kasi yung mga ganun," reaksiyon ni Loisa tungkol sa sinasabing dahilan bakit mahina ang hatak ng kanilang pelikula.
"Basta wala kaming inaapakang tao, nagtatrabaho kami ni Ronnie para sa family namin, yun."
Masakit din kay Ronnie na tila nabahiran ng pulitika ang entry nila sa MMFF 2022.
Ani Ronnie: "Pare-parehas lang naman tayong mga Filipino, bakit parang ang hirap nating suportahan ang kapwa natin? Para sa amin kasi, nagtatrabaho lang kami.
"Tapos na naman ang eleksyon pero parang bakit namumulitika pa ang ibang tao?"
Dagdag ni Loisa, "Hindi naman kami naapektuhan. Nakakalungkot lang na may mga ganung tao na namemersonal na talaga."
Sabi na lang ng aktres, "Basta may work, may kinakain kami araw-araw, thank you Lord."
