PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2022 box office: Deleter naka-P234M; last placer naka-P1.5M lang

Deleter, malayo ang agawat sa second placer na Partners In Crime.
by PEP Troika
Published Jan 8, 2023
MMFF 2022
Opisyal nang nagtapos ang 2022 Metro Manila Film Festival kahapon, January 7, 2023.

GORGY RULA

Sa may natitira pang hawak na season pass ng Metro Manila Film Festival (MMFF), puwede pa itong gamitin hanggang sa January 13, 2023, Friday the 13th.

Pero iilan na lang ba sa entries ng 48th MMFF ang naiwan sa mga sinehan?

So far, ang nakikita naming nasa sinehan pa ay ang Deleter, Partners in Crime, at Family Matters.

Meron pa sa ilang malls na may tig-isang sinehan ng My Teacher at Labyu With an Accent. Pero ang tatlong topgrossers lang ang madami-dami pang sinehan.

Hindi pa namin alam kung kailan maglalabas ng official total gross ng walong pelikulang kalahok. Pero base sa aming pagtatanong sa ilang reliable source, mahigit P500M na raw ang kinita ng walong pelikulang kalahok hanggang sa huling araw ng filmfest.

Narito ang UNOFFICIAL figures na nakalap ng PEP Troika sa walong entries ng 48th Metro Manila Film Festival:

Deleter — P234M

Partners in Crime P168M

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Family Matters P56M

Labyu With an Accent P19M

My Teacher P12M

Nanahimik ang Gabi P7M

Mamasapano: Now It Can Be Told P5M

My Father, Myself P1.5M

May ilang MMFF movies ay may imbitasyon na ng screening sa ibang bansa. Kagaya ng Nanahimik ang Gabi na meron nang naka-schedule sa Los Angeles, San Francisco, at ilang bahagi ng Europe.

JERRY OLEA

Best Picture ng MMFF 2022 ang topgrosser na Deleter, na nagpanalo rin kay Nadine Lustre bilang Best Actress.

Ang Second Best Picture at winner ng FPJ Memorial Award na Mamasapano: Now It Can Be Told ay second to the last sa takilya.

Iyong R-18 na My Father, Myself ay hindi naipalabas sa SM cinemas.

Take note na iyong Partners In Crime at Labyu With An Accent ay parehong bokya sa awards, at iyong Family Matters ay isang award lang ang natamo.

Read: MMFF 2022 Gabi ng Parangal: Nadine Lustre, Ian Veneracion win top acting honors; Deleter bags seven awards

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong Enero 8, Linggo, ay apat na pelikula ang nag-open sa local cinemas — M3GAN, Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody, Shotgun Wedding, at That Boy in the Dark.

Sa Enero 11, Miyerkules, ay mag-o-open ang Plane.

NOEL FERRER

Sana, kahit tapos na ang MMFF at kahit patuloy pa ring io-honor ang Season Pass hanggang Enero 13, patuloy pa ring tangkilikin ng ating mga kababayan ang mga pelikulang ipalalabas sa sinehan sa mga susunod na araw.

Bukas, January 9, ipahahayag ang rules sa gaganaping kauna-unahang Summer MMFF.

Exciting ito dahil magkakaroon ulit ng event na solely dedicated sa pagpapalabas ng pelikulang Pilipino. It will run for two weeks again simula Black Saturday!

Let’s be hopeful at patuloy na suportahan ang ganitong magagandang efforts para maibangon muli ang ating industriya ng pelikula!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Opisyal nang nagtapos ang 2022 Metro Manila Film Festival kahapon, January 7, 2023.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results