Sa Araw ng mga Puso kahapon, February 14, 2023, opisyal nang ibinandera ni KC Concepcion ang napapabalitang boyfriend niya ngayong Filipino-Swiss guy na si Steve Michael Wuethrich.
Sa isang short Instagram Reel, ipinakita ni KC ang video nila ng lalaki na tila magkasabay na naglalakad sa isang sosyaling pasyalan.
Sa bandang dulo ng 28-second video, makikita silang dalawa na sweet na sweet.
Caption ni KC: “Happy Valentines, beautiful people [woman fairy, roses emojis]"
View this post on Instagram
Super kilig naman ang mga kaibigan at followers ni KC sa comments section.
Guwapo raw kasi ang rumored boyfriend niya.
Mala-"soft launch" daw ang pagsasapubliko ni KC sa hitsura ng kanyang napapabalitang boyfriend.



Nitong nakaraang January 2023, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang exclusive report tungkol sa gumagandang estado ng love life ni KC.
Ayon sa iba’t ibang sources, sumusulput-sulpot na si Steve sa vlogs ni KC noong nakaraang taon.
Minsan ay napapadaan lamang siya kaya hindi talaga halatang may espesyal na namagitan sa dalawa.
Hindi rin nawawala si Steve sa mga espesyal na okasyon sa buhay ng aktres.
Katunayan nito ang kanyang pagdalo sa birthday dinner para sa ina ni KC na si Sharon Cuneta noong nakaraang Enero.
Unang namataang magkasama sina KC at Steve noong November 2022 sa Dubai.
Noong panahong iyon ay nanood sina KC at Steve ng dance concert ng malapit na kaibigan ni KC na si Teacher Georcelle Dapat Sy at ng G-Force.
Nakuhaan ng mga camera ng The Filipino Channel (TFC) ang dalawa sa audience area.
Read: Is KC Concepcion currently dating a Filipino-Swiss guy?
May nakapagsabi ring nakita sina KC at Steve na naghalikan sa isang Emirates flight.
Read: KC Concepcion spotted "kissing" Swiss-Pinoy boyfriend aboard Emirates flight
Ang huling na-link kay KC ay si apl.de.ap, a.k.a. Allan Pineda Lindo, member ng international hip-hop group na Black Eyed Peas.
