Ipinagmalaki ni KC Concepcion ang inang si Sharon Cuneta.
Sa buong buhay niya raw kasi ay masasabi niyang isang karangalan at pribilehiyo ang maging panganay na anak ng actress-singer.
Sa kanyang birthday message sa ina ngayong Biyernes, January 6, 2023, sinabi ni KC na ipagsisigawan niya sa buong mundo na anak siya ni Sharon.
Ipinagdiriwang ng Megastar ang kanyang ika-57 kaarawan ngayong araw.
Si KC ay anak ni Sharon sa unang asawa nitong si Gabby Concepcion.
Buong mensahe ni KC: “For the rest of my life, I will always declare, that it’s been—is, and will always be—an honor and privilege to be your eldest daughter. Happy birthday Mama! [heart, cake, heart emojis] @reallysharoncuneta”
View this post on Instagram
Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang away-bating relasyon ng mag-ina.
Nitong mga nakaraang taon, napapansin ng publiko kung may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina KC at Sharon.
Isa na rito noong February 2020, kung saan ayon sa isang netizen ay pinatamaan ni Sharon si KC sa appreciation post ng Megastar para kay Angel Locsin.
Read: Sharon Cuneta accused of criticizing daughter KC Concepcion on social media; Megastar hits back
Noong October 2021, sinita ng ilang netizens si Sharon dahil sa paglipad nito sa Amerika upang bisitahin si Frankie Pangilinan, panganay na anak nila ni Senator Kiko Pangilinan, ay hindi man lang daw nito dinalaw si KC na nasa U.S. din.
Read: Are Sharon Cuneta and daughter KC Concepcion not on speaking terms again?
At nitong June 2022, mukhang ayos na ayos na ang relasyon nila.
Sa isang post noon ni KC, nagbahagi ito ng screenshots ng Facetime moment nila ng ina.
Dito, inihayag ni KC na proud na proud siya sa kanyang ina.
Ikinalulungkot daw ni KC kapag nakaririnig na may mga mag-inang nagkakagirian na hindi na nagkakaayos.
Sabi niya, “Not only THE… but MY one & only!!! [face holding back tears, flower emojis]
“I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them.”
Masaya raw siyang kabaligtaran ito sa sitwasyon nilang mag-ina na minsan ay nagkakatampuhan pero kaagad naman daw silang nagkakaayos.
Ngayon ay nakakapag-usap na raw sila na parang magkaibigan lang.
Iba raw talaga ang pagmamahal ng isang ina.
Saad ni KC, “I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other!
“I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE [sparkles emoji] @reallysharoncuneta”
Read: KC Concepcion glad she and mom Sharon Cuneta "found our way back to each other"
