Kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day ay ang kaarawan din ng boyfriend ni Maymay Entrata na si Aaron Haskell.
Kaugnay nito, isang madamdaming post sa Instagram ang ibinahagi ng “Amakabogera” singer para sa kanyang Canada-based boyfriend.
Mensahe ni Maymay (published as is): “Wishing a happy birthday and valentine's day to the most handsome, humble, wise, and patient man I know.
“You have an amazing way of making me feel beautiful and cherished, even during tough and challenging moments.
“Your unwavering commitment to helping me heal and grow from past traumas is a testament to your deep love and devotion.”
Nagpasalamat si Maymay sa nobyo dahil sa suporta nito at respeto sa lahat ng kanyang ginagawa.
Gayundin sa pagiging “partner” nito at “true love” sa kanya.
Aniya, “I'm grateful for your steadfast support and respect for all that I do, and your love for me is a true reflection of God's love.
“I thank God for blessing me through you. Our journey together in faith is a beautiful blessing, and experiencing true love, peace, and joy with you is more precious than any material wealth. Thank you for being my partner, and true love. [heart emoji]”
View this post on Instagram
Sa kanya namang Instagram Story, nagbahagi si Maymay ng larawan pagkatapos ng dinner nila ng boyfriend.
Sabi niya sa caption: "Busog sa gugma, salamat Ginoo [Busog sa pagmamahal, salamat Panginoon]"

Valentine’s Day rin noong nakaraang taon nang isinapubliko ni Maymay ang kanyang relasyon kay Aaron.
Paglalarawan ni Maymay sa nobyo sa panayam ng Star Magic Inside News noong June 2022, “Very mature na siya, sobrang madiskarte siya sa buhay, very mapagmahal sa family.
"Awww... Napaka-caring niya talaga, hindi lang sa salita, pati sa gawa.
"Ang maganda dun, pag consistent yung taong nagmamahal sa iyo, araw-araw kang napu-fall, hindi lang sa umpisa.
"Oh my god! Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."
Read: Maymay Entrata on boyfriend: "Ganito pala ang feeling na ako naman yung priority."
