Inamin ng Kapuso actor na si Ken Chan na nagkaroon siya ng feelings para sa dating ka-love team na si Rita Daniela.
Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, February 22, 2023, ibinunyag ni Ken na na-in love sila noon ni Rita sa isa't isa.
Nagsimula ang rebelasyon ng aktor nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda kung kumusta na ang relasyon nila ngayon ng Kapuso actress.
Tanong ni Boy: "Your tandem with Rita Daniela worked. It worked ano, what happened? Nag-away kayo?"
Mabilis na sagot ni Ken: "Hindi kami nag-away, Tito, pero mayroon kaming hindi napagkasunduan.
"I'll be honest, Tito, dumating kasi sa point kami ni Rita... totoo pala yon, no?
"Posible ka pala talagang mahulog sa ka-love team mo."
Read: Ken Chan reveals agreement with Rita Daniela if they are still single in their mid-30s to 40s
Hindi raw sukat-akalain ni Ken na totoo itong nangyayari sa pagitan ng mga magka-love team.
Saad niya, "Akala ko dati hindi totoo yun, e, yun parang kaya mong pigilan."
Nagsimula ang tambalang Ken at Rita o RitKen nang pagbidahan nila ang Kapuso afternoon drama series na My Special Tatay (2018-2019).
Gumanap sila rito bilang si Boyet (Ken) at Aubrey (Rita).
Dahil pumatok sa publiko ang kanilang nakakakilig na chemistry, nasundan pa ang tambalan nilang RitKen sa mga teleseryeng One of the Baes (2019-2020) at Ang Dalawang Ikaw (2021), at sa pelikulang Huling Ulan Sa Tag-araw (2021).
Ibinahagi rin ni Ken ang pangako nila noon ni Rita sa isa't isa na sa kasamaang palad ay hindi nila natupad.
Aniya, "Kami ni Rita, mayroon kaming pangako sa isa't isa noon. Sabi namin, 'O, walang mai-in love sa isa't isa ha.'"
Sundot na tanong ni Boy, "So, ang tanong, na-in love ka kay Rita?"
"Yes po," sagot ni Ken.
Pag-amin pa niya, hindi lamang siya ang nagkaroon ng feelings kundi maging si Rita ay na-in love din sa kanya.
"Inamin namin sa isa't isa kung gaano namin kamahal yung isa't isa, more than friends, more than katrabaho, beyond that."
Bagamat alam nilang higit pa sa pagiging ka-love team ang turing nila sa bawat isa, hindi rin nauwi sa relasyon ang kanilang pag-iibigan.
Ito'y dahil sa priorities nila noon na kailangan nilang unahin.
Read: Ken Chan posts message of support for Rita Daniela after announcing her pregnancy
Sabi pa ni Ken, maayos naman nila itong napag-usapan ngunit hindi lang maalis sa aktor na isiping nasaktan niya si Rita sa kanyang mga naging desisyon.
Sabi ni Ken, "Alam naman yung limitasyon namin, may sarili siyang priorities, ako rin Tito Boy.
"Yung mga panahon na yon, ipinaliwanag ko sa kanya na nasa point ako na tinatayo ko yung mga business na gusto ko, and I really wanna focus dun sa business at sa career ko dito sa industriya natin.
"So, naintindihan naman niya. Pero hindi ko naiiwasan na masaktan siya, nasaktan ko siya."
Sa huli, sinabi ni Ken na maayos ang relasyon nila ngayon ni Rita at napatawad na siya nito.
Read: Ken Chan, nilinaw na wala silang tampuhan ni Rita Daniela
Sa kasalukuyan ay masaya na si Rita sa piling ng kanyang non-showbiz partner at two-month-old na anak.
READ MORE:
