PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang fumes at ex-partner Lee O’Brian; calls him "ingrato"

"Dapat wag suportahan! ipang de date lang nila ng babae nya hahaaahahaa.”
by Arniel C. Serato
Published Feb 27, 2023
Pokwang calls ex-partner Lee O'Brian "inggrato"
Pokwang takes a swipe at ex-partner Lee O'Brian: "Tapos sasabihin nitong inggratong kano na ito saan sya banda dapat mag sorry sakin?? dito! mag sorry ka sa anak ko dahil tinanggap ka nya at niyakap kahit sa loob ng halos 17 years sanay sya na walang kaagaw sakin maging masaya lang ako tinanggap ka nya!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagpupuyos pa rin sa galit ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa ex-partner nitong si Lee O’Brian.

Sa kanyang Twitter account kagabi, February 26, 2023, naglabas ng saloobin si Pokwang sa sinayang niyang pagmamahal at panahon para kay Lee.

Unang ibinahagi ni Pokwang ang screenshot mula sa komento ng netizen tungkol sa simula ng relasyon nina Pokwang at Lee.

Ayon sa netizen, naalala niya ang anak ni Pokwang na si Mae na buong-pusong tinanggap si Lee noon.

Nabanggit ng netizen ang sinabi ni Mae nang mag-guest ito sa defunct talk show ni Kris Aquino, ang Kris TV, sa ABS-CBN.

Buong komento ng netizen (published as is): “Nakakaiyak Naman. Naalala ko tuloy yong message ni Mae sa KrisTV ba yon dati? Bago pa lang kayo ni ex mo noon.

“Sabi ni Mae, pls take good care of my mom. Because she's all that I have. [crying emoji]. Kakatouch.

“Simple ng mensahe pero lakas ng impact. Naluha nga ako eh. Kasi ako lumaki din po na walang tatay. [sad emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinang-ayunan ni Pokwang ang netizen.

Tinawag ni Pokwang na "inggratong kano" si Lee, na hindi man lang daw humingi ng apology sa kanya pagkatapos ng ilang taong pinagsamahan nila.

Punto pa ng comedienne-TV host, dapat mag-sorry din si Lee kay Mae dahil tila naagaw ang atensiyon niya sa anak simula noong naging sila ni Lee.

Banat ni Pokwang kay Lee (published as is): “tapos sasabihin nitong inggratong kano na ito saan sya banda dapat mag sorry sakin??

"dito! mag sorry ka sa anak ko dahil tinanggap ka nya at niyakap kahit sa loob ng halos 17 years sanay sya na walang kaagaw sakin maging masaya lang ako tinanggap ka nya!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

POKWANG ON LEE NOT GIVING ANY CHILD SUPPORT

Isa namang netizen ang nagpayo kay Pokwang na huwag nang bigyan pa ng panahon si Lee at baka magkaroon pa ito ng project.

Isang aspiring actor si Lee na nakilala ni Pokwang nang magkatrabaho sila sa pelikulang Edsa Woolworth sa America taong 2015.

Sabi ng netizen, “Naku, tama na pokie. Wag mo na siyang pasikatin, baka magka-project pa si kano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagsabihan naman ni Pokwang ang mga taong may balak bigyan ng proyekto ang ex-partner.

Sabi niya (published as is): “Ang nagbibigay o mag bigay ng project sa kano nayan na wala naman child support e mga taga supporta ng inutil na ama!

"dapat wag suportahan! ipang de date lang nila ng babae nya hahaaahahaa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POKWANG and LEE O'BRIAN'S BAD BREAKUP

Si Pokwang at Lee ay may limang taong gulang na anak, si Malia O'Brian.

Nitong mga nakalipas na mga linggo, isiniwalat ni Pokwang na meron nang ibang babae si Lee.

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

Biro pa niya, sana ay hindi "chaka," na ibig sabihin ay mas pangit sa kanya ang ipinalit ng dating boyfriend.

Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”

Inamin din ni Pokwang na halos anim na taon niyang pinapalamon sa bahay niya ang dating karelasyon.

Taliwas ito sa sinabi niya noong July 20, 2022, sa panayam ng 24 Oras, na hindi pera ang pinag-awayan nila. "Nasasaktan lang ako dun sa mga nababasa ko, kesyo palamunin ko raw. Masipag po iyong tao."

Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

Noon namang Pebrero 2023, sa panayam ni Boy Abunda sa GMA-7, ibinunyag ni Pokwang ang isa pang pinanggalingan ng hidwaan nila ni Lee. Kinumusta ng komedyante si Lee tungkol sa isang negosyong itinayo nila mula sa puhunan ni Pokwang.

Hindi raw nagustuhan ni Lee ang pagtatanong sa kanya. "Parang ang dating sa kanya," ayon kay Pokwang, "hinuhusgahan ko na siya agad. Parang tinanggalan niya ako ng karapatan na malaman."

Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."



HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang takes a swipe at ex-partner Lee O'Brian: "Tapos sasabihin nitong inggratong kano na ito saan sya banda dapat mag sorry sakin?? dito! mag sorry ka sa anak ko dahil tinanggap ka nya at niyakap kahit sa loob ng halos 17 years sanay sya na walang kaagaw sakin maging masaya lang ako tinanggap ka nya!”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results