PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla Backs AJ Raval, We're Okay

Kylie Padilla: "Hindi po talaga si AJ yung reason, and that's the truth."
by Arniel C. Serato
Published Feb 27, 2023
Kylie Padilla appeals to netizens to spare AJ Raval from enormous bashing
Kylie Padilla (left) to bashers of AJ Raval (right): "Tigilan na po natin please kasi it’s not fair to her. Naiyak ako. Hindi po talaga, tama na, tama na. Hindi po talaga siya, I mean si AJ Raval, she’s not lying, we're really okay, pero tigilan na po, please." AJ is currently in a relationship with Kylie's estranged husband Aljur Abrenica (with AJ).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sa bibig na mismo ni Kylie Padilla galing na hindi si AJ Raval ang dahilan ng hiwalayan nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica.

Prangkang sabi ni Kylie tungkol sa relasyon nina AJ at Aljur: "So, di ba, wala pong halong kaechosan and sana hindi ako pagalitan ng GMA.

"Hindi po talaga si AJ yung reason, and that's the truth.

“Hindi po talaga siya. Kung meron man, hindi po siya. So, please, naaawa na rin po ako sa kanya.”

Sa Facebook Live ni Kylie kagabi, February 26, 2023, nagsalita ang aktres tungkol sa isyu.

Inaasahan na raw ni Kylie na may magtatanong na netizens tungkol sa pagsapubliko nina AJ at Aljur ng kanilang relasyon.

Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts

Kaya inunahan na niya ang mga netizens.

Sabi pa ni Kylie, “I’m just waiting na may magtanong po talaga nung alam kong itatanong niyo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And gusto ko na po siyang sagutin ngayon kasi, sa totoo lang, guys, pagod na pagod na po ako sa kuwentong lumalabas na kabit, ganyan, ganito, ganyan.

“Guys, tapos na po yung kuwento, and I’m in a new chapter in my life.”

BACK STORY ON AJ AND ALJUR'S RELATIONSHIP REVEAL

Mula nang umingay ang balitang may relasyon sina AJ at Aljur noon, pinuntirya na ng bashers si AJ at tinatawag na "kabit."

Una nang pinabulaanan ito ni AJ noong nakarang linggo.

Read: AJ Raval hits back at bashers calling her “kabit, homewrecker”: “HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA.”

Sa isang komento, ibinahagi ni AJ ang screenshot ng usapan nila ni Kylie kung saan inabsuwelto ni Kylie ang si AJ bilang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur.

Read: AJ Raval posts screenshot of private conversation with Kylie Padilla; Kapuso actress says AJ not third party in breakup with Aljur Abrenica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYLIE on being dragged into aj-aljur's romance

Pero may netizens na panay pa rin ang pagdawit kay Kylie sa relasyon nina AJ at Aljur.

Ayon kay Kylie, pagod na siya na halos araw-araw ay nakakaladkad ang kanyang pangalan sa isyu.

Dagdag niya, “Sa totoo lang po talaga. Ayoko na pong nakikita yung pangalan ko na naka… yun yung mga tabloids na nababasa ko kasi.

"I’m working so hard to have a good career, na maganda yung trabaho ko. Alam mo yun, tapos yun lang yung napapansin sa akin.

"Tapos na po, e. Siyempre, di pa tapos yung pag-aayos ng papeles, pero everything else, tapos na po talaga siya.

“So, kung meron mang magtanong ngayon, I will answer, but that’s the last time I’m going to talk about this. Happy na po ako.”

HAPPY FOR AJ AND ALJUR

Isa sa mga nanood sa Facebook Live ni Kylie ay si Senyora.

Tanong ni Senyora kay Kylie (published as is): “Masaya ka ba talaga para kay AJ at Aljur. Ayan na tinanong ko na.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Senyora asks Kylie Padilla about Aljur Abrenica and AJ Raval

Idiniin ni Kylie na ang mahalaga sa kanya ngayon ay masaya si Aljur, na siyang tatay ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl Abrenica.

Sagot ni Kylie: “I am really happy po, basta kung mahal niyo po yung isang tao, ayaw niyo pong makitang malungkot yung taong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And after po nung nangyari sa amin, after nung pandemic, ayoko na po ever maramdaman namin yun, and siya din.

“So, kung saan po siya masaya and kung sino po ang nagpapasaya sa kanila, I want them to take care of it and be happy."

Ayaw daw ni Kylie na maapetuhan ng pakiramdam ni Aljur ang damdamin ng mga anak nila.

"Kasi siya po ang kahati ko sa mga anak ko, e.

“So, dapat masaya din yung tatay nila para buo yung mga anak, kasi masaya na rin naman ako, e."

Dagdag nito, “Ang ganda ng mga nangyayari sa akin."

Si Kylie ay bida sa bagong Kapuso prime-time series na Mga Lihim Ni Urduja.

KYLIE APPEALS TO NETIZENS BASHING AJ

Aminado naman si Kylie na nilalabanan niya ngayon ang problema sa mental health.

Kaya hinihikayat niya ang mga taong tantanan na si AJ dahil baka makakaapekto raw ang bashing sa mental health nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “As someone with struggles of mental health, ang hirap po nang gigising ka sa umaga tapos puro hate yung nakikita mo.

“Please, guys, woman to woman, na hindi ako okay [sa ganyang hate], it makes me emotional too.

“Tigilan na po natin please kasi it’s not fair to her. Naiyak ako. Hindi po talaga, tama na, tama na.

“Hindi po talaga siya. I mean si AJ Raval, she’s not lying, we're really okay. Pero tigilan na po, please.

“Tama na, guys, kasi hindi talaga siya, hindi siya, and hindi ko ever sasabihin kung sino kasi ayoko ng ganyan.

“Ano na lang guys, kindness, love. We need more energy na ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakumpirma noong July 2021 ang hiwalayan nina Kylie at Aljur dahil sa rebelasyon ng ama ng aktres, si Robin Padilla, na nagsabing third party ang dahilan ng breakup.

Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party

Sa rebelasyon ni AJ noong nakaraang linggo, naging sila ni Aljur noong July 17, 2022, o eksaktong isang taon matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla (left) to bashers of AJ Raval (right): "Tigilan na po natin please kasi it’s not fair to her. Naiyak ako. Hindi po talaga, tama na, tama na. Hindi po talaga siya, I mean si AJ Raval, she’s not lying, we're really okay, pero tigilan na po, please." AJ is currently in a relationship with Kylie's estranged husband Aljur Abrenica (with AJ).
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results