Tila hindi pa rin nawawaglit sa damdamin ni Pokwang ang galit sa dating kinakasamang si Lee O’Brian.
Matapos niya ito tawaging "ingrato," gusto ngayon ng Kapuso comedienne-TV host na lumayas na si Lee sa Pilipinas.
Read: Pokwang fumes at ex-partner Lee O’Brian; calls him "inggrato"
Sa Twitter nitong Lunes ng gabi, February 27, 2023, ni-repost ng isang netizen ang post ni Pokwang tungkol sa sagot umano ni Lee sa bakit ito magso-sorry sa komedyana.
Ang ipinunto ni Pokwang, dapat sa panganay na anak ng komedyana na si Mae Subong mag-sorry si Lee, dahil naagaw ni Lee ang atensiyon ni Pokwang matapos ng 17 taong si Mae lamang ang inalagaan ng ina.
Caption ng netizen: “I hope you find peace...”
Diretsong tugon ni Pokwang: "I'll find my peace kapag wala na sya sa pinas yun lang [laughing emoji]”
Susog ng isang netizen, “It’s too much”
Ayon kay Pokwang, “Nope! not yet done”
Sumbong naman ng isa pang netizen, “palagi nasa bldg namin yung kano hsjsjsjw”
Birada naman ni Pokwang, “Im sure dinadalaw yung gurl nyang p%#ta hahahahjaha”
Malalim ang mga naging banat ni Pokwang sa ex-partner nitong pagpasok ng taong 2023.
January 19, ang TV host na ang nambuko na meron nang bagong kinagigiliwang babae si Lee.
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Kinabukasan, January 20, nagpatutsada naman si Pokwang sa bagong babae ng ex-partner dahil hindi daw kagandahan ang ipinalit sa kanya.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
January 30, si Pokwang na mismo ang nagsabi sa publiko na limang tao nang walang child support si Lee sa anak nilang si Malia O’Brian.
Read: Pokwang tells on ex-partner Lee O'Brian not giving child support: “5years!!!!”
January 31, sinabi rin ni Pokwang na anim na taon niyang pinalamon si Lee sa kanyang pamamahay.
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.
