PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jomari Yllana: 'Habambuhay Ko Siya'

Jomari Yllana: "Pareho kami, gustong manumpa sa isa’t isa ng tapat na pag-ibig."
by Arniel C. Serato
Published Mar 1, 2023
Jomari Yllana speaks up about pamamanhikan to Abby Viduya's family
Parañaque 1st District Councilor Jomari Yllana on engagement to Abby Viduya: "Gusto namin, e, maging maayos lahat officially yung pagsasama namin. Pareho kami, gustong manumpa sa isa’t isa ng tapat na pag-ibig sa harap ng aming pamilya, sa harap ng aming mga kaibigan." Jomari asked for Abby's hand in marriage when her mom (right photo) arrived from Canada last February 25, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Abby Viduya on Facebook

Lubos ang saya ng aktor at Parañaque 1st District councilor na si Jomari Yllana na mauuwi sa kasal ang relasyon nila ng "first and last love" niyang si Abby Viduya.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jomari sa pamamagitan ng telepono ngayong Miyerkules, March 1, 2023.

Kuwento ni Jomari, umiral ang pagiging romantiko niya nang pormal na hingin ang kamay ni Abby sa ina nitong si Isabelita Razon Viduya.

Naganap ang tradisyunal na pamamanhikan ni Jomari sa bahay ng pamilya ni Abby sa Parañaque.

Read: Jomari Yllana asks for Abby Viduya's hand in marriage through pamamanhikan

"Alam mo naman ako, old school, old-fashion," saad ni Jomari sa PEP.ph.

"I grew up sa isang Catholic na eskuwelahan. I grew up sarado-Katoliko.

"Lumaki ako sa pangangalaga ng mga lolo ko na mga obispo, lola ko na mga madre, mga pari.

"So, basic Spanish-Filipino heritage and culture ang dala-dala ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pamamanhikan sa akin is the first step towards sa pagpaplano nung pagpapakasal.”

Matagal na raw plano ni Jomari na ita-timing niya ang pamamanhikan sa pag-uwi ng Pilipinas ng ina ni Abby na galing Canada.

Patuloy ni Jomari: "Hindi lang namin pinagsasabi. So, when the right time arrived, umuwi yung mom ni Abby.

"Yung mom ni Abby arrived nung [February] 24, nung midnight. And then, agad-agad akong nagpa-schedule ng pamamanhikan na hindi ko na pinalagpas yung araw.

“So sabi ko, 'Kung darating sila ng midnight from Canada, mamamanhikan ako ng alas-singko ng hapon [ng February 25].'

"Biglaan din, medyo ngarag lahat."

Lalo raw napagtanto ni Jomari na walang magiging problema nang makita niya ang inang si Vicky Yllana na nakausap agad ang ina ni Abby.

"Nawala nga sa isip ko na Spanish descent kami.

"Pagdating ng mommy ko, kinausap niya ng Espanyol yung mommy ni Abby. Nag-Espanyolan silang dalawa. E, di ayos na!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOMARI ON ABBY AS THE RIGHT PARTNER FOR HIM

Si Jomari ay 46 anyos, habang si Abby ay 45 taong gulang.

Una silang naging magkasintahan noong teenagers pa lamang sila. Tatlumpung taon silang may kanya-kanyang buhay, bago nagkabalikan noong 2019.

Masasabi raw ni Jomari na nahanap niya ang kanyang katapat kay Abby.

Saad niya, "Si Abby naman bilang partner, yung mga katangian ko sa buhay, yung mga flaws ko sa buhay, alam din niya.

"Walang katapusang kuwentuhan. Para bang in a span of 45 years, meron kaming 30 years na amount of time na hindi kami nagkasama mula nang maging magkasintahan kami nung 15 years old kami.

"Nag-grow kami sa isa’t isa, on our own.

"Then, nung nagkabalikan kami, parang wala namang dull na moment sa amin sa isa’t isa, kasi parang meron kaming 30 years worth of kuwentuhan at kulitan.

"Naggu-grow kami."

jomari yllana and abby viduya engagement: "GUSTO NAMIN LEGIT"

Inamin ni Jomari na nagsasama na sila ni Abby ngayon, pero gusto pa rin daw nilang maikasal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag niya: "Gusto namin, e, maging maayos lahat officially yung pagsasama namin.

"Pareho kami, gustong manumpa sa isa’t isa ng tapat na pag-ibig sa harap ng aming pamilya, sa harap ng aming mga kaibigan.

"Yun talagang totoong kasal, yung totoong wedding.

"Kasi ano kami, pareho kaming nasa sitwasyon na common-law partners. E, gusto naming parehong legit."

Kaya raw masaya si Jomari na nagswak sila ni Abby.

"And when we both decided, 'Sige na, lumagay na tayong pareho sa tahimik.' Gusto rin naman niya, e, malagay sa tahimik.

"Ano yun, paunti-unting pagpaplano, inaayos, at inilalagay namin sa ayos yung mga buhay namin."

Wala na raw yata siyang mahihiling pa sa takbo ng kanyang karera at buhay pag-ibig.

Ayon kay Jomari: "I’m very, very happy. Ang pananaw ko sa buhay siguro, I could probably say na mas lighter. I’m in my mid-40s, I know what I want, I'm very happy.

“Masayang-masaya ako na tinanggap ako nung pamilya ni Abby na hindi naman biglaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Matagal na nila akong tanggap."

TWO WEDDINGS

Sa naunang panayam ng PEP.ph kay Abby, sinabi nitong magkakaroon sila ng dalawang kasal ni Jomari.

Isa rito ay ang civil wedding sa Las Vegas, Nevada sa darating na Hunyo. Gaganapin naman ang church wedding nila sa Bicol sa 2024.

Read: Abby Viduya reveals date of upcoming civil wedding to Jomari Yllana in Las Vegas

"Mag-iipon pa kami, e," hirit ni Jomari kung bakit next year pa ang church wedding.

Basta ngayong taon daw ang civil wedding nila.

"Yung announcement namin ng kasal, kung kakayanin na namin ng June.

"Ang isang alternative namin ay November, e. Kung masyadong tight yung June, ipagpa-November namin."

Bakit naisip nila sa Las, Vegas?

Sagot ni Jomari: "Ang gusto namin, yung unang step ng pagpapakasal, yun talagang kaming dalawa lang.

"Na kung gagawin namin ito sa Vegas, ang gusto namin pagdaanan ay dalawa lang kami, na parang siya at ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung civil wedding na pagdadaanan namin, gusto niya mabilis, siya lang at saka ako.

"And pagka church wedding naman, lahat ng kamag-anak, kapamilya, at kaibigan."

ON GETTING MARRIED AGAIN

Ilang taon nang annulled ang kasal ni Jomari sa unang asawang si Aiko Melendez. Mayroon silang isang anak, si Andre Yllana.

Paano siya humantong sa desisyong magpakasal muli?

Saad ni Jomari, "Gusto ko manumpa sa harap ng Diyos, sa harap ng mga kamag-anak ko, sa mga kaibigan ko na 'Ito po yung babae na gusto kong makasama habambuhay.'"

Suportado raw si Jomari ng anak niyang si Andre.

Kuwento ni Jomari: "Parang surreal nang konti na kasama ko yung panganay ko, namanhikan ako.

"And he is very happy for me. He's very supportive sa akin. So, nung namanhikan ako, kasama ko yung panganay ko."

Nasabi na rin ni Abby na very happy para sa kanila si Andre dahil kasama ito nang mamanhikan si Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOMARI'S NEW BUSINESS

Samantala, ibinalita ni Jomari na bukod sa kanyang tungkulin bilang konsehal ng Parañaque, natupad ang plano niyang makapagpatayo ng bagong negosyo ngayong taon.

Ang negosyo niyang Wonder Lube for Yllana Racing ay nagbukas kahapon, February 28.

Magandang simulain daw ito dahil konektado ito sa kanyang hilig sa pangangarera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Jomari sa binebenta niyang produkto: "It’s a new venture. Pumasok ako sa petroleum na business.

"It’s an oil na additive that I’ve been using for racing for the past four years. And then, nagkaroon kami ng joint venture as endorser and brand ambassador.

"On my part, I’m very confident with the product. I’ve been using it for racing and isa ito dun sa mga produktong ginagamit ko to win races.

"It’s a very good product, it gives you good performance, more protection, and more power sa mga sasakyan and longer life."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parañaque 1st District Councilor Jomari Yllana on engagement to Abby Viduya: "Gusto namin, e, maging maayos lahat officially yung pagsasama namin. Pareho kami, gustong manumpa sa isa’t isa ng tapat na pag-ibig sa harap ng aming pamilya, sa harap ng aming mga kaibigan." Jomari asked for Abby's hand in marriage when her mom (right photo) arrived from Canada last February 25, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Abby Viduya on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results