Laugh trip ang hatid ng singer/songwriter/director na si Ice Seguerra sa kanyang followers sa Instagram.
Ito'y matapos niyang i-post ang screenshot ng pagtatanggol sa kanya ng isang supporter laban sa isang basher na tinawag siyang "pangit."
Read: Ice Seguerra, kakanta ng Visayan songs sa Becoming Ice concert niya sa Cebu
Ayon kay Ice, isang netizen ang nanlait sa kanya sa Facebook. Laking pasasalamat lang daw niya na may "ate Nora" siyang supporter na nagawa siyang depensahan.
Sinabi rin nitong hindi pangit si Ice kundi "sakto lang."
Mababasang comment ng basher (published as is): "Ang pangit mo pre [Ice] mapera ka lang."
Buwelta ni Nora: "Inggit ka lang siguro kay Ice.
"Kababayan ko sya. Hind[i] siya pangit no eksakto lang."
Tila nagawa pang leksyunan ni Nora ang basher ni Ice na manahimik na lang kung wala itong magawang mabuti.
Aniya, "Saka ano bang pakialam mo sa mukha ng tao? Pinakialaman ka nya ba?
"Kung [hindi] mo sya gusto shut up your big mouth ok???
"Kawawa ka naman parang sanay na sanay ka mam."
Read: Ice Seguerra on losing pet dog in hit-and-run incident: "Parang gusto ko sumabog."
Dahil dito, hindi nagdalawang-isip si Ice na pasalamatan ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Nora.
Aniya, gustung-gusto niya ang pagiging matapat nito nang sabihing hindi siya pangit kundi "sakto lang."
Mababasa sa caption ni Ice (published as is): "So may nang bash sa akin sa FB page ko. Pangit daw ako. Buti na lang, to the rescue si Ate Nora para sabihing hindi ako pangit…
"Sakto lang.
"Hahahahahahahhaha!!!! Love ko na si Ate Noraaaaaaa!!! She’s so honest! Hahahahaha!!!"
Read: Spencer Reyes reunites with former loveteam partner Ice Seguerra
Sa comments section ng post ni Ice, bumuhos ang komento mula sa fans at co-celebrities na natuwa rin sa naging buwelta ng kanyang supporter.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA," tawang-tawang comment ni Moira Dela Torre.
Reply ni Ice sa kanya, "hahahahahahahahaha!!! Paki gawan nga ako ng kanta please, Sakto lang ang title."
Saad ni Ogie Alcasid, "Doon tayo sa sakto lang!!!! [heart emojis]."
Sabi ni Vina Morales, "Ehhhhh ang cute mo kaya."
Reply ni Ice, "Ang winner nung "sakto lang." She made my day! Hahahaha!!!!!"
Biro ni Kakai Bautista, "Iba talaga si Ate Noraaaaa!!!!!!! [laugh emoji]"
Ani Ice, "Si Ate Nora lang sakalam!"
Hirit din ni Kyla, "Hahahaha! Apir! Mabuhay ang mga taong sakto lang!!!"
Read: Ice Seguerra to netizens' reaction to his black-and-white photo: "Buhay pa ako."
