PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto Remembers Rico Yan's Birthday

Claudine Barretto toRico Yan: "You will forever be missed, loved & remembered."
by Arniel C. Serato
Published Mar 15, 2023
Claudine Barretto on Rico Yan's 48th birthday
Claudine Barretto still remembers late actor and boyfriend Rico Yan's birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / RESTORED BY DEXTER MENDOZA ON FACEBOOK (HTTP://WWW.FACEBOOK.COM/IAMDEXTERDEO)

Hindi pa rin nakakalimutan ni Claudine Barretto ang kaarawan ng late boyfriend nitong si Rico Yan.

Sa Instagram kahapon, March 14, 2023, binati ni Claudine si Rico sa sana'y ika-48 kaarawan ng pumanaw na matinee idol.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang followers ang larawan ng cake na may nakasulat na “Happy Birthday Rico.”

Caption ni Claudine: “Happy happy Birthday in Heaven Ry. [face holding back tears emoji] you will forever be missed, loved & Remembered [praying hands emoji]”

Pumanaw si Rico sa edad na 27 noong March 29, 2002, habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis o bangunot.

"MAHAL KO PA RIN SIYA"

Samantala, sa vlog ng best friend ni Claudine na si Janelle Jamer, na lumabas noong February 4, 2021, sinabi ng tinaguriang Optimum Star na hindi nawawala ang pagmamahal niya sa pumanaw na nobyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong sa kanya ni Janelle: “Bakit hanggang ngayon sobrang apektado ka pa rin kay Rico Yan? Dahil ba mahal mo pa siya? O merong parte sa puso mo na meron kang pagsisi?”

Ayon sa aktres, mahal pa rin niya ang pumanaw na aktor at mayroon din siyang pagsisisi sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Saad ni Claudine, “Siguro, both. Mahal ko pa rin siya. Hindi nawawala yun.

“I think hindi nawawala yung [love] kapag namatay ka o nawawala na yung pagmamahal mo.

“Kahit hindi na kami, nandoon pa rin.

"Lalo pa yatang lumalabas kung ano ang nararamdaman mo talaga towards the person kapag nawala na yung tao. Di ba?”

May pagsisi ba siya sa kinahinatnan ng relasyon nilang dalawa?

"Yes, meron," pag-amin ni Claudine.

"Mayroon akong pagsisisi na sana mas matagal ko siyang nakasama, sana nandoon ako nung nangyari yung dapat sana ay hindi nangyari. So, yun."

Read: Claudine Barretto on late boyfriend Rico Yan: "Mahal ko pa rin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLAUDINE BARRETTO-RICO YAN RELATIONSHIP

Isa sa pinakasikat na love teams noong late ‘90s hanggang early 2000 ang tambalan ng reel/real-life couple na sina Claudine at Rico.

Nag-umpisa silang magkamabutihan sa set ng pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998).

Kahit nagtambal na ang dalawa sa mga pelikulang Radio Romance, Madrasta (1996), at Flames The Movie (1997), iyon ang unang pagkakataong pareho silang single at available.

Noong panahong iyon, matagal nang hiwalay si Claudine kay Mark Anthony Fernandez.

Si Rico naman ay kakakalas lang sa longtime non-showbiz girlfriend nito.

Agad nahulog ang loob ni Rico kay Claudine dahil, ayon na rin sa mga nakakakilala sa kanya sa industriya, ay likas na malambing ang aktres.

March 4, 1998 noong opisyal na naging magkasintahan ang dalawa.

Inakala ng kanilang mga tagahanga na sila na ang magkakatuluyan.

Inilarawan pa ni Claudine si Rico na balang araw ay magiging isa itong “perfect husband” at “perfect father.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya’t ikinagulat ng marami nang pumutok ang balitang naghiwalay sila noong March 4, 2002, mismong araw ng ika-apat nilang anibersaryo bilang magkasintahan.

Sweet na sweet pa kasi sila sa telebisyon, habang nagpo-promote ng pelikulang Got 2 Believe, ilang linggo lang ang nakararaan.

Hindi alam ng karamihan noong matagal nang nagkakaproblema sina Rico at Claudine, kasama na rito ang kanilang matinding away.

Pero matagumpay nila itong naitago sa publiko, dahil na rin sa kanilang mga pelikulang pinagtatambalan.

March 29, 2002, ilang linggo matapos ang kontrobersiyal nilang away at hiwalayan, pumanaw si Rico habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Palabas pa rin noon sa mga sinehan ang pelikula nilang Got 2 Believe, kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng mga masugid na tagasuporta ng binata na iyon na ang huling pagkakataong masisilayan nila ang aktor.

Ilan sa mga toprating teleserye na pinagsamahan nina Claudine at Rico ay ang Mula Sa Puso (1997-1999) at Saan Ka Man Naroroon (1999-2000).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Blockbusters din ang mga pelikula nilang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998), Mula Sa Puso The Movie (1999), at Got 2 Believe (2002).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto still remembers late actor and boyfriend Rico Yan's birthday.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / RESTORED BY DEXTER MENDOZA ON FACEBOOK (HTTP://WWW.FACEBOOK.COM/IAMDEXTERDEO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results