Sa taped interview kay Liza Soberano sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Lunes, March 13, 2023, binigyang linaw ng aktres ang tungkol sa komisyon ng mga namamahala sa kanyang showbiz career.
Nag-ugat ito sa kumalat na balitang 40 percent umano ang komisyong nakukuha ng dating talent manager ng aktres na si Ogie Diaz.
Read: Ogie Diaz on alleged 40 percent cut from Liza Soberano's talent fee: “How I wish!”
Paglilinaw ng aktres kay Boy Abunda, hindi totoong 40 percent ang komisyon ni Ogie sa kanya.
Saad ni Liza, “Nakita ko rin po yon sa Twitter. I think people are accusing Tito Ogie of taking 40 percent from me.
"I wanna clarify na hindi din po yon totoo.
"I started with him at 12 [years old] and then up until I was... I believe 2015 or 2016, which was I was 17, 30 percent po yung commission niya sa akin.
"My Tita Joni was taking 20 percent, and Star Magic was taking 10 percent."
Ang "Tita Joni" na tinutukoy ni Liza ay ang tiyahin niyang si Joni Lyn Castillo, na tumayo rin bilang road manager at personal assistant niya noon.
Ang "Star Magic" naman ang talent management arm ng ABS-CBN.
Dahil daw sa hiwalay na tax na binabayaran ni Liza bilang U.S. citizen, umaabot na lang umano sa 30 percent ang nakukuha niya.
Lahad ng aktres, "My Tita Joni started feeling bad for me for that situation, so nag-usap po sila ni Tito Ogie na bawasan na lang yung commissions nila for me.
"Because they felt, like, I deserved more since I was putting in a lot of work.
"So, eventually naging 20 percent na lang si Tito Ogie, at si Tita Joni naging 15 percent...
"And Star Magic was still at 10 percent."
Pero hindi raw kumukuha ng commission ang Star Magic kapag ang project ni Liza ay mula sa ABS-CBN, gaya ng teleserye o pelikula.
Sina Ogie, Joni, at Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, ang humahawak noon sa showbiz career ni Liza.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na si Liza ng Careless Music, ang record label at management company na itinatag ng singer-actor na si James Reid at ng negosyanteng si Jeffrey Oh.
Read: Liza Soberano admits being hurt by Ogie Diaz "making up those lies about me"
TITA JONI REACTS
Sa Instagram kahapon, March 14, isang netizen ang nag-comment sa isang post ni Joni.
Mahaba ang naging komento ng nasabing netizen kung saan tinalakay nito ang mga isyung ibinabato ngayon kay Liza.
Mensahe nito (published as is), “Ms. Jonilyn, bakit po kumuha pa kayo ng kumisyon kay @lizasoberano sana po nagpasueldo nalang po kayo as RM & PA, hindi po yung may percentage ng salary ni Liza ang kumisyon.
“Tuloy daming ngawa ni Liza kay Tito Boy Abunda. Sinabi nyang fair because yun ang nasa contract pero sa mga dagdag na sabi nya e hindi naman fair tingin nya kaya nga nanghingi kayo ng bawas sa kumisyon ni Ogie Diaz.
“Dalawadalawa kayo ni Ogie + star magic nangumisyon. Then dahil di sumisipot sa tapings etc si Ogie, etc e ano po, wala ng cuenta si Ogie? E pano po yung mga nacclose na deals ni Ogie for Liza?
“Goodluck kung makaclose ng maraming deals for Liza ang careless nyang new management. Tito Ogie could have called me daw instead of going public. Nagreach out ba siya kay Ogie?"

Dagdag pa ng netizen, "Hindi. Sinundan ko yung mga vlogs ni Ogie wala naman pong masama sa sinabi nya at panay pa ang pagtanggol kay Liza against bashers until lumabas ang 2nd BA interview.
“Kinoconvince nya ang mga tao na wag masamain ang sinabi ni Liza at nageexplain ng side nya/ABS ng hindi iniinsinuate na may mali si Liza.”
Ayon pa sa netizen, hindi si Ogie ang sumisira kay Liza kundi ang sarili nito mismo.
Pero may mali rin daw si Ogie sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng dating alaga.
Saad ng netizen (published as is), “Lahat po ng ‘paninira’ na tingin ni Liza ay ginawa sa kanya sa public ni Ogie, all in her mind. SiYA mismo ang sumira sa sarili nya.
“One thing na mali ni Ogie pinress release na nya na di na sya nangungumisyon kahit nakakakuha pa pala sya. Kelangan nyang explain yan.
“Sana po maging successful si Liza sa Hollywood kasi wala na po syang babalikang trono gaya ng iniwan nya. Kung anong taas ng pedestal ni Liza c/o old handlers, ang bilis naman ng bulusok paibaba dahil sa careless nyang new management.
“Come to think of it, hindi lang po careless ang gumawa nito. Ginusto din ito ni Liza. Ang tunay na grateful paglabas ng vlog na madaming nagreact for Ogie, SIYA na mismo bilang grateful ex talent ang kokontak sa ex handlers at magpapasintabi na sorry kung nakakaoffend pala, di ganun ang ibig kong sabihin.
“Inaantay pa nya so Ogie kumontak sa kanya. Mataas din ang ere. At kung meron pong nagkahon sa kanya, ang sisihin nya # 1 ay ang nanay at tatay nya naganak ba sila para may bumuhay sa kanila?
“Tuloy kinailangan magwork ni Liza ng bata pa sya. Pati kapatid ni Liza damay dahil naganak ng maaga. Pamilya nya ang kumahon sa kanya.”

Tumugon si Joni sa kanya.
Maigi naman daw na pinapakinggan ng netizen ang parehong kampo.
Pero diin ni Joni, hindi siya mukhang pera.
Aniya (published as is): “Buti po pina panood niyo both sides okei po yan if sa tingin nyo may mali ako sorry po. Pero most of the time po yung pala decide po kayo basta na lng kumada yan po ang nag papa lala.
“Basta ako po ay hindi mukhang pera ako po ay na mumuhay ng sapat ako po ngayon ay kasaluluyang nag bebenta ng Eggdrop sa isang payak na lugar baka gusto nyo po pumasyal @koreanuptownorani.”
Paglilinaw pa ni Joni, mahal niya ang kanyang pamangkin at nirerespeto rin niya si Ogie.
Saa niya: “Mahal ko po ang aking pamangkin ginagalang ko po si Ogie. Para sa akin na binigyan lang ng ganyang klaseng kulay, kulay itim dahil po sa mga napakakagaling kumuda kaya ang gulo na po.”

