Umamin si Krista Miller na nakaranas siya ng same-sex relationship noon.
Pero paglilinaw ng aktres, "Bata pa ako nun, e."
Kuwento niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naligawan siya noon ng isang lesbian, at naranasan din niyang manligaw sa kapwa babae.
"Siguro parang mga, nung during that time siguro, parang may ano pa ako nun, may identity crisis, yung mga ganun. Parang ano pa ako nun, e, high school.
“Kasi mga kaibigan ko mga lesbian, mga ano, so na-attract din talaga ako sa mga girls."
BRIEF ROMANCE WITH A GIRL
Nasa high school siya noong nagkaroon ng relasyon sa kapwa niya babae.
“Ah, hindi na siya umabot sa ano, sa point na may mga touch-touch na.
“Nung hinawakan na niya yung kamay ko, sabi ko, ‘Hindi ko kaya,’” at tumawa si Krista.
Paglalahad pa niya, “Parang ano kasi, e, parang naging ano kami, e, mas naging ano, naging magkaibigan.
“Nagsimula kasi iyon nung nagdyu-join ako ng mga beauty pageant dati, siyempre puro mga babae kasama mo. Tapos parang may nakita ako doon na giniginaw siya tapos ayun, binigay ko yung jacket ko sa kanya.
“Doon na nagsimula.”
Kandidata rin sa naturang pageant ang babaeng tinutukoy ni Krista na naging karelasyon niya dati.
“So ayun na, naging ano na kami, naging close na kami. Tapos ayun, siya yung gumagawa ng homework ko,” at muling tumawa si Krista.
Hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan.
Lesbian na ba ang naturang babae?
“Parang. Parang iyon yung nagsimula sa kanya.”
Hindi naman tahasang sinabi ni Krista kung ikina-classify niya ang kanyang sarili bilang lesbian o bisexual.
Pero paliwanag niya, “Ano kasi, ang mga kapatid ko kasi puro lalaki. So siyempre yung mga laging nagpupunta sa bahay, puro mga lalaki rin. So parang na-adapt ko yung pagiging ano, boyish talaga.
“As in pag nagsusuot ako ng damit ko dati, ganun din, so parang ganun.
“Tapos parang habang nililigawan ko siya, yung libre ganito, pa-load daw ng ganyan, load naman ako, yung mga ganyan.
“Na-experience ko lahat yun! Pero kasi nga high school, bata-bata pa kasi talaga.”
IS IT BETTER FALLING IN LOVE WITH A GUY OR A GIRL?
Tanong ng writer na ito sa kanya, mas pipiliin ba niyang makipagrelasyon sa lalaki o kapwa niya babae?
“Wala naman, wala rin akong ano, kahit babae, lalaki, sa totoo lang ha, wala.
“Kasi minsan may mga nakikita ako diyan na parang mga lesbian na parang, dun ka na sa ano, e, sa pagiging totoo talaga, walang ano kung anong gender pa iyan.
“Pero kung talagang ano naman.”
Maari itong tawaging gender fluidity, pero sa tingin ni Krista ay mas mahalagang tingnan ang pagmamahal na namamagitan sa dalawang tao.
“Yung mahal mo saka mahal ka rin, yung happy kayo.”
Ngayon ay walang karelasyon o dini-date si Krista.
“Sana nga meron, e,” ang natatawang sinabi pa ni Krista.
Nakausap ng PEP.ph si Krista sa opisina ng AQ Prime sa Roces Avenue nitong March 7, 2023.
working on girls' love film
Bida si Krista sa Upuan, ang sexy GL o Girls’ Love film ng AQ Prime kung saan magkarelasyon ang mga karakter nila ng female star na si Nika Madrid.
Kahit na may past experience si Krista sa girls' love, hindi raw niya ito naisip nang gampanan niya ang kanyang role.
Paano niya pinaghandaan ang mga intimate scenes nila ni Nika sa pelikula?
“Actually yung scenes namin ni Nika, in-apply ko lang kung paano pag sa babae. In-imagine ko yung sarili ko, paano ba ako naa-arouse, yung mga ganyan.
“Inisip ko habang nagtatalik kami na ganun. Kasi kailangang authentic yung scene niyo e kasi girl-to-girl di ba?
“Kasi kung tutuusin yung iba, sobrang ilang gawin yun, e.
“Pero iyon inisip ko talaga ano ba yung para ma-effect sa babae. Iyon yung nasa utak ko that time, hindi dahil sa nagka-ano na ako sa girl before, hindi ganun.
“Hindi nga iyon pumasok sa utak ko, e.
“In-apply ko lang, paano ba kapag ako, ano ba yung gusto kong ginagawa sa akin, ganun yung nasa isip ko.”
Available for streaming sa AQ Prime app ang Upuan kung saan male lead si Andrew Gan, sa direksyon ni Greg Colasito.
