PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

D' Aswang Slayerz: Naniniwala po ako sa aswang.

“Yung magulang ko po kasi, nakakita na sila ng aswang..."
by Rommel Gonzales
Published Mar 24, 2023
Athalia Badere
Athalia Badere, 15, believes that aswang exists: “Yung magulang ko po kasi, nakakita na sila ng aswang..."
PHOTO/S: @athalia_badere on Instagram

Masaya ang showbiz newbie na si Athalia Badere na palabas na sa sinehan ang kanyang unang pelikula, ang D' Aswang Slayerz.

Kuwento ni Athalia sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nung bata po ako, lagi po akong nasa sinehan, nanonood po ako and naisip ko po na one day po sana, nasa screen din po ako sa sinehan.

"And then eto na nga po, nasa sinehan na po ako, and sobrang saya ko po ngayon.”

Pang-apat na proyekto na ito ni Athalia, na unang napanood sa mga online streaming series na Troika Season 1 and 2, at Pink SunSet.

Nakasama niya sa huli si Mel Martinez, na co-star niya ngayon sa D' Aswang Slayerz.

ABOUT THE MOVIE AND ASWANG

Nagkuwento naman si Athalia sa karakter niya sa D’ Aswang Slayerz.

“Ako po si Ebs, si Ebs po, siya po dito ay isa pong mabait at matapang na bata, and gagawin niya po lahat-lahat po para mapasaya niya yung tito niya na si Paps Mir po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahirapan ba siya sa mga fight scenes niya sa pelikula?

“Hindi naman po ako masyadong nag-fight scenes. Pero may isa po ako dun na medyo nahirapan po ako, kasi ano po ako, e, yung parang slingshot po, parang ang hirap pong i-aim. Tapos first time ko pa lang po, parang tirador, medyo hirap lang po akong i-aim, dun lang po ako medyo nahirapan.”

Kumusta naman si Ricky Rivero bilang direktor nila sa D’ Aswang Slayerz?

“Masaya po siyang ka-bonding, strict din po siya when it comes to ano po, angles and sa pag-deliver ng mga lines.”

Bakit dapat panoorin ang movie ng mga kasing edad niya?

“Kasi po madami po kayong matututunan dito, and tatawa at tatawa po kayo dito and kikiligin din po kayo, and then matatakot din po.”

Dahil tungkol sa aswang ang pelikula, nabanggit ni Athalia na naniniwala siya sa aswang.

“Yung magulang ko po kasi, nakakita na sila ng aswang, sa barrio po nila sa Bacolod po, and then sa Roxas City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Mama po kasi dati, hinabol na po siya ng aswang, and yung kapatid po kasi niya, yung bunso po nila. Buntis po kasi lola ko nun, parang yung tiktik po ba yun? Parang yung dila niya po.”

Hindi naman nabiktima ng aswang ang lola niya.

“Hindi naman po. Kaya naniniwala po ako sa aswang dahil po kina mommy.”

Ang D' Aswang Slayerz ay mula sa Amartha Entertainment Production.

showbiz IDOLS

Baguhan sa industriya si Athalia, kaya tinanong siya ng PEP.ph kung sino ang mga artistang hinahangaan niya.

Binanggit ng young star sina Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

“And sina Liza Soberano po, tapos si Nadine Lustre po.

“Si Kathryn po maganda po siya, humble, mabait po, and magaling din po siyang umakting.

“Si Liza po ganun din po, ang ganda po niya. Si Nadine ganun din po, maganda din po.”

Crush niya si Daniel kahit hindi pa niya ito nakikita sa personal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi pa po, si Kathryn pa lang po, sa PBA po, yung nag-muse po siya.”

Aminado naman si Athalia na nakaramdam siya ng pressure sa umpisa ng kanyang career.

Kuwento niya sa PEP.ph, “Sa totoo lang po, nung una po, sobrang pressured po ako. Kasi po nung di pa po talaga ako nag-a-acting, hirap po akong mag-memorize ng script, sobrang hirap po akong mag-memorize ng script.

“And then iyong ilabas po yung emotions ko po, and then sa help nga po ni Sir Mel Martinez, nailabas ko po yung pag-a-acting ko po, dun ko lang din po nalaman na marunong din po pala akong mag-act.”

May mga challenges pa rin na kinakaharap si Athalia bilang baguhang artista.

“Anggulo ko po sa camera and then sa scripts po, pero ngayon po medyo mas nakakaya ko na pong mag-memorize, minsan sa pagde-deliver po.

“Yung sa camera angle ko po, minsan po kasi takip yung mukha ko, parang medyo ano pa po ako sa mga blockings po, dun po ako minsan nahihirapan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa palagay ba niya ang mga kabataang tulad niya ay kailangang dumaan sa acting workshop?

“May iba po kasi na ano na po, e, like bata pa lang po sila uma-acting na po sila, parang yung iba po, kung hindi pa po nila masyadong na-e-express po, puwede po silang mag-undergo ng workshop po.”

Ano ang mga natutunan niya sa workshop?

“Mga natutunan ko po dun yung seven keys to acting po, kailangan niyo po talagang bitbitin yun sa mga… kapag isa po dun hindi ninyo natandaan, lahat na po yun mawawala na po yun.”

Ayon kay Athalia, ang seven keys to acting ay “focus, get into character, attentiveness, professionalism, yung consistency, shameless and confidence.”

Ibinahagi rin ni Athalia ang advice ng kanyang co-star na si Mel, na isa rin sa naging acting-workshop mentor niya.

“If it comes from the heart, you can never go wrong.”

Pagpapatuloy pa ni Athalia, “Nung nagwo-workshop po ako kay Sir Mel, sinabi na din po niya yun sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-briefing po siya about sa sobrang hirap pumasok sa showbiz, kasi madami pong mga issues, and then yung mga personal lives niyo puwedeng anuhin, mahirap po.”

Ano ang gagawin ni Athalia para magtagal at mapatunayan sa sarili niya na gusto talaga niya ang showbiz?

“Mas gagalingan ko pa po, and then mas magiging humble pa po ako.”

LIFE OUTSIDE SHOWBIZ

Samantala, ang 15-year-old young actress ay isa ring estudyante ngayon na pumapasok na sa face-to-face classes.

“Opo, sa St. Rose of Lima Montessori po, sa Rizal po, grade 10 na po ako.”

Na-miss daw niya ang physical classes sa school.

“Sobra po! Kasi po parang wala po akong ginagawa sa bahay nung online po, parang babad lang po ako sa screen [ng computer]."

“[Ngayon] ang dami na pong physical activities na puwede naming gawin. Katulad po sa umaga, energizer po namin para po mas ganado po the whole day po, yung kunwari po, flag ceremony, sasayaw-sayaw po kami dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit na nakikilala na ngayon si Athalia, hindi naman daw nagbago ang trato sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

“Lahat po sila supportive naman po sa akin, and sobrang saya ko po kasi hindi po nila ako tinratong iba nung nag-artista na po ako, parang same old Athalia pa din po yung trato nila sa akin.”

Maraming sinalihan si Athalia na iba-ibang beauty pageants.

“Sa school po, Ms. Nutrilympics po ako, and then hindi na po ako sumasali after that po. And sa mga Ms. United Nations din po sa school, and then Philippine Little Star po, nakuha ko din po yun. And then Princess of the Universe po, and then lalaban po uli ako this year po, ire-represent ko yung Philippines po.”

Mahilig din sumayaw si Athalia, na minsan ay nagti-TikTok.

“Tapos nagla-live po ako para mag-promote din po and talk with the viewers din po, and then learn some new dances po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagsasayaw po talaga, yun po talaga forte ko, and then recently lang po, nanalo po ako ng dance sport po, ang mga sinayaw ko po dun ay Cha-cha, Jive, and Samba po.”

Saan ginanap ang naturang dance sport?

“Dun lang po din po sa Teresa po, sa isang public school po, and then ilalaban naman po ako ng… ike-carry ko naman po yung name ng Teresa po, pupunta po ako sa Taytay, dun po ako magko-compete, lahat po ng Rizal kalaban ko.”

Dahil 15 years old pa lang si Athalia ay bawal pa siyang ligawan.

Mahigpit ba ang mga magulang niya?

“Nung pandemic po, pero this ano po medyo niluluwagan po nila ako. Kasi parang para magkaroon daw po ako ng freedom and all po, pero huwag daw po ako masyadong magtiwala sa mga tao.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Athalia Badere, 15, believes that aswang exists: “Yung magulang ko po kasi, nakakita na sila ng aswang..."
PHOTO/S: @athalia_badere on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results