PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Salas Moves On from Barbie Imperial

Paul Salas: "Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso."
by Arniel C. Serato
Published Mar 23, 2023
Paul Salas talks about trauman on past relationship
Paul Salas admits being bitter towards his ex-girlfriend for quite some time: "Kasi noong time na yun, hindi ko matanggap na ilabas yung mga ganung news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo.”
PHOTO/S: Courtesy: Fast Talk with Boy Abunda

Inamin ni Paul Salas na ngayon pa lang nawala ang sama ng loob niya sa kanyang dating girlfriend.

Sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong araw, March 23, 2023, ibinahagi ni Paul ang kanyang takot dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nila noon ng ex-girlfriend.

Hindi man pinangalanan, malinaw na si Barbie Imperial ang tinutukoy niyang ex-girlfriend.

Bukod pa rito, inilahad din ni Paul ang trauma na naranasan noong bata pa matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Kasamang panauhin ni Boy Abunda si Mikee Quintos, ang kasalukuyang nobya ni Paul at co-star sa prime-time series na The Write One.

Saad ng Kapuso actor, “Dumaan po sa akin yung trauma na, yung pag iniiwan ng ka-relationship, like sa girlfriend noon.

"Hindi ko po alam yun hanggang sa makilala ko ito [Mikee]. At parang siya pa yung nakakita noon sa akin.”

Inamin ni Paul na naging toxic talaga ang relasyon nila noon ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Kaya rin po, Tito Boy, naging toxic dahil meron po ako sa sarili kong... nandoon na yung trust issues ko, nandoon na yung tamang hinala ko.

“Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso.

"Kasi feeling ko, konting time lang na may makausap lang na ibang lalaking kaibigan yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako."

Diretso pang tanong ni Boy: “How far did you go in that past relationship? Inakusahan ka ng maraming bagay?"

Sagot ni Paul: “Actually, aaminin ko po, ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya.

“Kasi noong time na yun, hindi ko matanggap Tito Boy na, ilabas yung mga ganung news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo.”

Okay na raw ngayon si Paul.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na naging masalimuot ang kinahinatnan ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Barbie na nauwi pa umano sa sakitan at hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paul Salas at Barbie Imperial: Sino ang nakipag-break at bakit ito humantong sa "sakitan"?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas admits being bitter towards his ex-girlfriend for quite some time: "Kasi noong time na yun, hindi ko matanggap na ilabas yung mga ganung news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo.”
PHOTO/S: Courtesy: Fast Talk with Boy Abunda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results