Isang makabagbag-damdaming mensahe ang ibinahagi ng aktor na si Paul Salas, 24, para sa ika-25 kaarawan ng girlfriend na si Mikee Quintos.
Kahapon, December 18, 2022 ang kaarawan ni Mikee.
Ayon kay Paul, deserve ni Mikee na maging masaya sa kaarawan nito.
Hindi raw alam ng binata kung ano ang ika-caption niya sa kanyang post kaya medyo napahaba ito.
Mensahe ng Kapuso actor (published as is), “Happy birthday to my Partner, Bestfriend, Best opponent, Commander, Boss, Amo [squinting face with tongue emoji]!
“Babe deserve mong maging masaya at celebrate ang birthday mo dahil sa na achieve mo ngayon year, di lang dahil dyan, kundi dahil pa sa growth mo din this year.
“Salamat sa pagiging the best partner, sa pagmamahal, gabay, pag iintindi.
“Di ko alam kung ano ang gusto kong sabihin sa caption ko ngayon, dahil kapag punong puno ang puso ko ng saya at pag mamahal di ko talaga alam paano sabihin lahat ng nararamdaman ko para sayo, alam mo yan!”
Pangako pa niya kay Mikee, ipaglalaban sa kahit anumang pagsubok sa buhay.
Nangako rin siyang magiging mabuting tao para sa nobya.
Masuwerte raw si Paul na naging girlfriend niya ang aktres.
Saad niya, “Ang masasabi ko lang, nandito ako para sayo lagi, handang lumaban sa kahit anong challenges na maharap natin.
“Handang harapin lahat ng mga kailangan ko pang harapin para maging better person para sayo, Handang ipaglaban ka sa kahit anong situation.
“Oh tapos sa videocall natin ngayon nahuli mo akong nag ta type at seryoso at sinabi mong ‘ano yan para sa birthday caption ko na ba yan’ ayan na nga kitang kita mo kung gaano ako ka seryoso sa phone ko. hayy kilalang kilala mo talaga ako!
“I’m Blessed to have you my baby, salamat sa lahat. Mahal na mahal kita HAPPY BIRTHDAY MATCH [heart emoji]”
View this post on Instagram
Isinapubliko nina Paul at Mikee ang kanilang relasyon kasabay ng unang anibersaryo nila noong July 2022.
Read: Paul Salas marks "anniversary" with Mikee Quintos
Kamakailan ay nagbakasyon ang magkasintahan sa Paris, France.
Read: Paul Salas, Mikee Quintos exchange sweet letters in Paris
