Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang cryptic post sa Instagram Storyni Ericka Villongco kahapon, March 23, 2023 sa ex-boyfriend nitong si James Reid.
Makahulugang mensahe ng digital content creator na si Ericka: “What goes around comes back around.”

Mainit kasing pinag-uusapan ngayon ang kumpirmasyon tungkol sa relasyon ni James at ni Issa Pressman.
Read: James Reid's rumored and real-life girlfriends throughout his career
Maraming netizens ang nagsasabing parinig umano ito ni Ericka kay James, na dinipensahan si Issa tungkol sa "cheating" alleagation at pagiging third party sa hiwalayan ng singer-actor at ng ex-girlfriend nitong si Nadine Lustre.
Sina Ericka at James ay magkarelasyon mula 2010 hanggang 2014.
Sina James at Nadine naman ay naging magkasintahan mula 2014 hanggang 2020.
Bahagi ng pahayag noon ni Ericka sa isang panayam tungkol sa kanila ni James: “Three and a half years kami. We were very in love.
“A lot of people saw our relationship bloom, marami ang humanga.
“Even though it wasn’t onscreen or anything, but a lot of people love us together.”
JAMES REID-ISSA PRESSMAN
Si James na rin ang tila umamin sa publiko sa totoong estado ng relasyon nila ni Issa.
Sa kanyang Instagram Story bago maghatinggabi ng March 17, 2023, nagbigay ng pahayag ang Careless Music founder hinggil sa bashing na natatanggap nila ni Issa mula sa netizens.
Kasunod ito ng pagkalat ng holding hands photo nila ni Issa sa social media. Si Issa mismo ang nagbahagi nito sa kanyang Instagram account.
Maraming fans ng JaDine, ang love team ni James at ng ex-girlfriend na si Nadine, ang nag-aklas at binatikos ang aktor pati na si Issa.
Lumutang din ang lumang isyu noong January 2020 kung saan inakusahan ng netizens si Issa na third party sa hiwalayan nina James at Nadine.
Malapit na kaibigan nina James at Nadine ang nakatatandang kapatid ni Issa na si Yassi Pressman.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Ayon kay James, tsismis lang ang pag-uugnay sa kanila noon ni Issa.
Paglilinaw ni James sa kanyang post: “I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors.”
Ngunit sa pagkakataong ito, tila nahulog na talaga ang loob nila sa isa't isa.
Ayon pa sa actor-singer, kinailangan na niyang magsalita dahil panimula raw ito ng “something beautiful” sa buhay niya.
Hindi raw niya hahayaan ang sinuman na agawin ito sa kanya.
Ang kailangan lamang daw malaman mula sa kanya ay wala siyang kasing saya ngayon.
Mensahe ni James: “I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful.
“And I’m not gonna let anyone take that from me.
“All you need to know from me is that I’m the happiest I’ve ever been [heart emoji’]”
