Inalala ng pamilya ni Rico Yan ang ika-21 anibersaryo ng kamatayan nito ngayong Miyerkules, March 29, 2023.
Bukod sa pamilya Yan, dumalo rin sa pagtitipon sa Manila Memorial Park (MMP) sa Sucat, Parañaque, ang best friend ni Rico na si Dominic Ochoa.
Sina Rico at Dominic—kasama ang aktor na si Marvin Agustin—ay magkasama noon sa sitcom ng ABS-CBN na Whattamen.
Read: Rico Yan: Gone too soon
Sa post ni Tina Yan, kapatid ni Rico, makikitang sinamahan din sila ng ilang tagahanga ng aktor sa puntod nito sa sementeryo.
Sabi niya sa caption: “Remembering you today, 21 years ago. Thank you so much to everyone who joined the family at MMP. Special thanks for being there, Dom @domochoa [praying hands, heart emojis]
“Thank you Amy, Thor, Mark, Jenn and everyone for the never ending love and support [praying hands emoji] #missingmybro #mosquitobrains”

Nagkomento naman sa post ang nakatrabaho noon ni Rico na si G Tongi.
Aniya, “How has it been 21 years??? Sending love and light”

Samantala, wala pang post ang ex-girlfriend ni Rico na si Claudine Barretto.
Pero inalala naman ng aktres ang birthday ng namayapang ex-boyfriend nitong nakaraang March 14, 2023.
Forty-eight years old na sana si Rico kung nabubuhay pa.
Read: Claudine Barretto still celebrates Rico Yan’s birthday 21 years after his death
Pumanaw si Rico noong March 29, 2002, Biyernes Santo, sa edad na 27 taong gulang lamang.
Read: Rico Yan: remembering the matinee idol we lost in 2002
Ayon sa resulta ng autopsy sa mga labi ni Rico, cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kamatayan niya.
Kasama ni Rico sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, ang kanyang matalik na kaibigan na si Dominic, na nakadiskubre sa kanyang bangkay.
