Kilig ang hatid ng Kapamilya actors na sina Sean Tristan at Raven Rigor sa kanilang fans.
Sina Sean at Raven ay nagkasama sa iWantTFC series na Beach Bros.
At sa mangyayaring Star Magic Prom sa March 30, 2023, sila ang magka-date.
Sa Instagram Reel ni Sean nitong Miyerkules, March 29, ibinahagi niya ang video na nagpapakita kung paano niya sinorpresa ang kapwa ABS-CBN star na si Raven nang yayain niya itong magkasama silang dumalo sa Star Magic Prom.
Sa video, makikita ring nag-effort si Sean na disenyuhan ang likod ng kanyang sasakyan.
Samantala, nagulat at natulala nang ilang segundo si Raven nang makita ang hinandang sorpresa sa kanya.
Sabi ni Sean, "So sabi mo kasi na gusto mong maging memorable yung first prom mo.
"Sana yung proposal na ito makes it memorable, at saka kung puwede lang sa iyo pumunta tayo ng Star Magical Prom together?
"What do you say?"
Mabilis na sagot sa kanya ni Raven, "Yes."
Niregaluhan din ni Sean si Raven ng libro at handwritten proposal, kung saan mababasa rito ang, "Hey beach bro, wanna leave paradise for a while and go to STAR MAGICAL PROM together?"
Agad naman itong ipinost ni Raven sa kanyang Twitter account.
Saad niya sa caption (published as is), "Got asked to prom. #SeVenAtStarMagicProm."
SEAN AND RAVEN'S FANS REACT
Sa Instagram Reel ni Sean ay bumuhos ang komento mula sa kanilang co-stars at fans.
Marami ang na-cute-an at kinilig sa ginawang promposal ni Sean kay Raven.
Komento ni Janine Gutierrez, "OMG huhuhu cute."
Saad pa ni Bianca De Vera, "So cute [cry and heart emoji]."
Sabi naman ni Angelica Lao, "Omg my heart."
May tila request pa ang isang fan, "Ang cute niyong dalawa! Hope magka-BL [boy love] series kayo. For sure, papatok yun."
Sabi ng isa pang fan, "Ito ang dabest promposal. Omg so kilig."
Read: Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."
Samantala, kasama nina Sean at Raven sina Kyle Echarri, Chie Filomeno, Lance Carr, Brent Manalo, Kira Balinger, at Angelica Lao sa Beach Bros.
Dito nagsimulang i-ship ang dalawa ng kanilang fans, na binansagan ang kanilang tambalan as "SeVen".
Sa ngayon ay pareho rin silang mapapanood sa ABS-CBN primetime series na Dirty Linen.
READ MORE:
- Kaori Oinuma says "yes" to Jeremiah Lisbo's promposal
- BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero
- Andrea Brillantes's sister defends ABS-CBN star's promposal to Ricci Rivero during BLACKPINK concert
- Seth Fedelin on promposal to Francine Diaz: "Ito ang halaga mo, hanggang langit."
