Pinagbabayad ng korte ng danyos ang actress-TV host na si Ruffa Gutierrez matapos niyang matalo sa labor case na isinampa ng dalawa niyang dating kasambahay.
Noong July 8, 2022, naging usap-usapan sa social media ang diumano'y pagpapalayas ni Ruffa sa dalawa niyang kasambahay nang hindi man lamang umano ibinigay ang kanilang suweldo.
Nalaman ito ng publiko nang mag-tweet si former Comelec Commissioner at ngayo'y P3PWD Party-list Representative Rowena Guanzon ng blind item noong July 7, na tumutukoy kay Ruffa.
Nakasaad sa tweet: “My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?”
Makalipas ang halos isang araw, direkta nang binanggit ni Guanzon ang pangalan ni Ruffa nang i-retweet niya ang nauna niyang post.
Tanong pa ni Guanzon: “Ms Ruffa Gutierrez is is true?”
Read: Ruffa Gutierrez, Rowena Guanzon trading cryptic messages against each other?
Mariin pinabulaanan ni Ruffa ang bintang na ito sa kanya.
Sa pamamagitan ng sunud-sunod na reply niya sa tweet ni Guanzon, sinabi ng actress-beauty queen na wala itong katotohanan.
Ibinahagi rin niya kung saan nag-ugat ang lahat hanggang sa humantong na nagdesisyon daw ang dalawang kasambahay na lumayas sa kanyang poder.
Ayon kay Ruffa, may insidenteng nangyari sa kanyang bahay habang nasa set siya ng pelikulang Maid in Malacañang.
Diumano, ang dalawang bagong kasambahay — na dalawang linggo pa lamang naninilbihan sa kanyang pamamahay — ay pinagtulungang awayin ang kanyang mayordoma na nagsisilbi na sa kanya ng halos labinwalong (18) taon.
Paglilinaw ni Ruffa: “Hello Ms. Guanzon, No it’s not true.
"There was a situation at home while I was shooting on the set of 'Maid In Malacañang', so my staff had to call security to make sure my children were safe.
“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).”
Ayon pa sa aktres, kapag wala siya sa bahay ay inaaway ng dalawang kasambahay ang mga kasamahan nito. Nais na rin daw ng mga itong umalis na sa kanyang bahay.
Bilin daw ni Ruffa, huwag munang umalis ang mga kasambahay habang wala siya dahil nais niya itong kausapin.
Aniya, “Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave.”
Giit ni Ruffa, wala siyang tinanggal na kasambahay.
Aniya pa, generous siya sa mga taong mahal niya at mga nagtatrabaho sa kanya kaya nagtatagal ang mga ito.
Mensahe ni Ruffa: “Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord.
"I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG...
“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY.
“Through thick and thin, ika nga. My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po.”
Read: Ruffa Gutierrez denies accusation she fired two househelps without paying their salaries
RUFFA LOST IN CASE VS HOUSE HELPERS
Noong March 31, 2023, una nang ibinunyag ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog kasama sina Mama Loi, Ate Mrena, at Tita Jegs ang desisyon ng korte na pagbayarin si Ruffa ng danyos.
Ayon kay Ogie, unang nagsampa ng reklamo ang dalawang kasambahay ni Ruffa sa National Labor Relations Commission (NLRC).
Agad naman daw pinagharap ang dalawang panig noong September 2022 para sana'y magkaayos, ngunit pareho silang ayaw magkumpromiso kung kaya't natuloy ito sa korte.
Wala rin daw apelang natanggap ang korte mula sa kampo ni Ruffa na siyang indikasyon na kailangan nitong bayaran ang kanyang dalawang kasambahay.
Read: Annabelle Rama sinagot si Rowena Guanzon? "Huwag ka maging chismosang marites!"
Base sa binasang Notice of Finality ni Ogie, may kabuuang PHP13,299.92 ang kailangang bayaran ni Ruffa sa kanyang mga kasambahay "representing their idemnity pay, unpaid wages, and unpaid pro-rated 13th-month pay within ten (10 days) from receipt hereof."
Saad ni Ogie: "Ang desisyon na ito ay lumabas months ago pa.
"Kilala ko naman si Ruffa, mabait naman ang batang yan, in fairness naman.
"Ilang beses na kaming nagkakausap niyan at nakikita kong mabait si Ruffa.
"Pero siyempre hindi naman ako yung naging kasambahay, ika nga.
"Sila yung mayroong experience o mayroong kuwento about Ruffa, kuwento nila yon.
"Nagbigyan ng pansin ng DOLE [Department of Labor and Employment] and I'm sure si Ruffa ay tutugon sa desisyon na ito.
"Maliit na bagay at maliit na halaga para hindi niya tuparin ang kanyang obligasyon doon sa dalawang kasambahay."
Read: Rowena Guanzon may sagot sa patutsada ni Annabelle Rama?
ROWENA GUANZON CONFIRMS OGIE DIAZ'S CLAIM
Sa Twitter nitong Linggo, April, 2, 2023, kinumpirma ni Guanzon na nanalo nga sa korte ang dalawang kasambahay ni Ruffa na tinulungan niya.
Mababasa sa tweet niya (published as is): “Kakampi ako ng mga inaapi,ng mga walang kalaban laban.
“Mga kaibigan, nanalo sa labor case ang dalawang kasambahay la[b]an kay Ruff G. #p3pwdatyourservice.”
Nag-post pa si Guazon ng isang video kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng abugadong tumulong sa dalawang kasambahay.
Kalakip ang kanyang paalala sa publiko na sana’y maging leksiyon ito sa mga amo na tratuhin nilang tama at pantay ang kanilang mga kasambahay.
Aniya, “Maging leksyon ito sa mga amo na ituring naman pong tao na may damdamin yung mga kasambahay ninyo."
Nanawagan din si Guanzon kay Ruffa na sana’y ayusin na ito ng aktres sa lalong madaling panahon.
Aniya sa video, “Sana po ay maayos na ito. Nananawagan ako kay Ruffa Gutierrez na ayusin na niya ito, i-settle na nya.
“Ang gusto lang naman ng mga kasambahay na ito ay makapagtrabaho nang maayos, at ituring nang maayos.”
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Ruffa patungkol dito.
Read: Rowena Guanzon revives 1994 Manila Film Festival scam in word war with Ruffa Gutierrez
