Masayang ibinalita ni Bimby Yap na umaayos na ang kalagayan ng kanyang ina na si Kris Aquino.
Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz nitong Miyerkules, April 5, 2023, kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, personal na nakausap ng host-talent manager si Bimby para makumusta si Kris.
Si Ogie ay kasalukuyang nasa U.S., kung saan namamalagi ang pamilya ni Kris for almost a year now para sa treatments ng actress-host.
Read: Kris Aquino to extend stay in the U.S.; says her illness causes "sagad sa buto" pain
Ayon kay Ogie, dahil sa dami ng mga medical test na ginawa kay Kris noong araw ng scheduled meeting nila ay hindi nakasipot ang Queen of All Media kaya't si Bimby ang kanyang pinapunta.
Bungad ni Ogie, "Bimby, dito ka na ata nakatira. Kung nasaan si Mommy mo, e, nandoon ka rin."
Sagot sa kanya ni Bimby, "Yes, siya yung priority ko, e. Yun ang choice ko talaga. Wherever mom is, I’ll be there."
Pinuri rin ni Ogie ang dalawang anak ni Kris na sina Bimby at Josh Aquino dahil sa umaapaw na pagmamahal ng mga ito sa kanilang ina.
Ani Bimby: "I told nga Mama, my wife will be my love of my world. Si Mama, love of my universe naman."
Kumusta na nga ba si Kris matapos ang halos isang taon niyang pakikipaglaban sa apat na autoimmune conditions na tumama sa kanya?
Read: Kris Aquino admits coming close to giving up, but no; will undergo chemotherapy to ease autoimmune conditions
Saad ni Bimby, "OK naman, you know—stable.
"That’s the good word for it—stable lang, pero of course still beautiful.
"Forever beautiful.”
Read: New photos show a healthier Kris Aquino; netizens wish her well
Ayon pa kay Bimby, totoo raw na tumataas na ang timbang ngayon ni Kris, at isa itong indikasyon na unti-unti niyang pag-recover.
Aniya, “She is now mga 103 [pounds] and, yeah, stable.
"For me, kahit 80 pounds si Mama, even if she was 80 pounds, she will still be the most beautiful mama ever para sa akin."
Read: Kris Aquino grateful at 52 amid multiple health problems: “IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…”
Pagdating naman daw sa pag-aalaga, aminado si ang 15-year-old na si Bimby na very hands-on siya.
“It’s my duty as her son to take care of her."
Ito'y kahit na mayroon naman daw silang private nurse na nag-aalaga kay Kris.
BIMBY'S MESSAGE TO KRIS's FANS
Sa huli, may mensaheng iniwan si Bimby sa lahat ng nagmamahal at patuloy na nagdarasal para sa kanyang ina.
“Maraming salamat po. Thank you talaga for praying for Mama’s good health."
Kalakip din nito ang pangakong gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para alagaan si Kris.
Sabi niya, "I promise, as her son, to do everything I can to take care of her and to make her better.”
Sa huling ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay nakahanap na si Kris ng bagong doktor na susuri sa kanyang malubha at kumplikadong sakit.
Read: Kris Aquino finds new hope in getting better after meeting "best" doctor
READ MORE:
