PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada Jokes About Netizen's Size Comment

Karla Estrada reacts to "sa laki ni Ms. Karla" comment of a netizen.
by Arniel C. Serato
Published Apr 11, 2023
Karla Estrada reacts to "sa laki ni Ms. Karla" comment
Karla Estrada is busy promoting her newest show Face 2 Face which premieres May 1 on TV5.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Todo sa pagpu-promote ngayon si Karla Estrada para sa show na ihu-host nito, ang magbabalik-telebisyon na Barangay Hall on-air program ng TV5 na Face 2 Face.

Sa Facebook ngayong Martes, April 11, 2023, ibinahagi ni Karla na sa May 1 na magsisimulang umere ang palabas at kung saan-saan ito mapapanood bukod sa TV5.

Saad niya sa caption, “And the journey starts on May 1! 11 a.m, monday to friday!

“Sa TV 5, Cignal chanel and One PH at sa aking YT CHANNEL QUEENMOTHERKARLAESTRADA

“Wag ng palakihin pa, pag usapan natin yan, sa FACE 2 FACE”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen ang nagkomento sa post na ito ni Karla.

Ayon dito, hindi lamang magaling na host si Karla kundi magaling ding referee.

Ang format kasi ng Face 2 Face ay pag-ayusin ang mga nagbabangayang magkapitbahay, magkaibigan, at magkamag-anak na hindi naayos ng barangay.

Ang host ang pumapagitna sa mga may alitan, kung saan ang iba rito ay humahantong pa sa batuhan ng silya.

Dagdag pa ng netizen, hindi kaya ng mga nag-aaway na tibagin si Karla dahil sa "laki" nito.

Buong komento niya: “Ms. Karla is not only a good host but can also be a referee when two families get into a fight...sa laki ni Ms Karla Ang bumangga titilapon sa gitna Ng kalsada... [peace sign emoji]”

Hindi naman napikon o nainis si Karla sa komento, bagkus sinakyan niya ito.

Tugon niya rito: “galing ng idea mo [laughing emoji]”

Karla Estrada reacts to

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Amy Perez ang original host ng Face to Face, at sumikat nang husto ang programa dahil sa kanyang husay bilang arbitrator ng magkabilang-panig na may alitan.

May balitang muling inialok kay Amy ang hosting job para sa reformatted Face 2 Face, pero nilinaw niyang walang katotohanan ang mga haka-hakang tinanggihan niya ito.

Ayon sa kanyang kuwento, mas mabuting ibigay naman sa iba ang hosting job nito dahil nagawa na rin naman niya ito noong 2010 hanggang 2013.

Read: Amy Perez, tinanggihang mag-host muli ng Face To Face sa TV5?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada is busy promoting her newest show Face 2 Face which premieres May 1 on TV5.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results