Nakiusap si Kris Aquino kay Batangas Vice Governor Mark Leviste na huminto na sa pagbibigay ng komento sa kanyang mga social media post.
Ito ay matapos mag-iwan ng emojis ni Mark sa latest post ni Kris patungkol sa progress ng kanyang pagpapagamot sa Amerika para sa iniindang autoimmune diseases.
Sa kanyang post ay pinasalamatan ni Kris ang kanyang mga tagasuporta at team of doctors na patuloy na nagsisikap para bumuti ang kanyang kalusugan.
Pahayag ni Kris sa kanyang Instagram account (published as is), “I have many limitations when it comes to medicine & treatments because of my allergies and/or adverse reactions YET they both found treatments that given time can help me get my health back."
Dagdag ni Kris, “THANK YOU — many of you don’t know me personally but friends of my family, my friends, those helping take care of me — all have heartwarming stories about people they know who keep praying for me to get better.
"I don’t know what I’ve done to deserve your kindness but please know YOU GIVE ME HOPE & COURAGE to KEEP THE FAITH and TRUST GOD’S Merciful LOVE. Thank you for being my RAINBOW…"
REACTION TO MARK’S COMMENT
Marami naman ang natuwa at nagparating ng patuloy na pagsuporta sa kinakaharap na laban ni Kris.
Isa sa mga nag-comment ay si Mark, na kilalang malapit na kaibigan ni Kris.
Short but sweet ang tatlong emojis – hug, heart, prayer – na ginamit ni Mark para iparating ang kanyang saloobin sa post ng host-actress.
Hindi naman ito nakapagtataka dahil kilala si Mark na mahilig mag-post at magbigay ng update sa social media patungkol sa health status ni Kris kahit pa nasa malayong lugar ang TV host.
Personal ding binibisita ni Mark si Kris sa Amerika para makita ang tunay nitong kalagayan.
Reaksiyon ni Kris sa comment ni Mark, “Please don’t comment anymore even though they were just emojis.
"You’ve been a blessing to be with me/us every step of the way since my birthday — because you’ve seen the deep bone pain I endure, the hives and bruises that multiply when exposed to the wrong environment."
Nakita raw ni Kris kung paano mag-alala si Mark nung panahon na tumaas nang husto ang blood pressure at heart rate niya habang nagpapagamot.
“Your willingness to be here to see me through these difficult tests and nonstop doctors’ appointments has made me even more grateful to have gotten to know the real you better.
"(A lot of the pics in this video were taken by the vice governor of Batangas who has mastered the art of iPhone photography)…"
PUBLIC SERVICE IS A PRIVILEGE
Lumalabas na ang kahilingan ni Kris na mag-lie low si Mark sa pagkokomento sa kanyang mga post ay bunga ng pangamba na baka napapabayaan na nito ang kanyang trabaho bilang public official.
“Sa mga minamahal ni Vice Gov na mga Batangueño, I have 2 tests left to determine kung kakayanin ko yung mga ipapasubok na bagong gamot sa kin, praying all goes well because KAYO ang boss niya at wala sa job requirement ng VG ang tumulong mag-alaga sa ‘kin," komento ni Kris.
“Parati kong pinaaalala sa kay VG Marc (yun yung correct spelling) his responsibilities in Batangas 'di hamak mas mahalaga kumpara sa ‘kin dahil pinagkatiwalaan n'yo sya ng inyong boto.”
Dagdag pa ni Kris, “I grew up knowing: public service is a PRIVILEGE & it’s an accepted reality, serving the people whether binoto ka o hindi, that’s more important than any friendship or romantic relationship.”
Si Kris ay anak ng opposition leader na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at ni former President Corazon “Cory” Aquino na parehong lumaban sa diktadurya ni President Ferdinand Marcos Sr.
Kapatid din si Kris ni Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na nanilbihan bilang pangulo ng bansa noong 2010 hanggang 2016.
“Love teaches you how to be patient; constituents in need of social services are not expected to be, because the mandate they gave is based on RESPECT & TRUST; and for all of us, life is difficult enough,” patuloy ni Kris.
“Pasensya na po, kinailangan ko lang po ng masasandalan at hindi n'ya ko binigo — mga Batangueño, hindi ko na po s'ya gagambalain para yung FOCUS n'ya inyong inyo.”
THE REAL SCORE WITH MARK
Umusbong ang usap-usapan tungkol kina Kris at Mark dahil na rin sa pagiging malapit nila sa isa’t isa.
Marami ang nakapansing tila extra caring at maalaga si Mark kay Kris.
Sweet din ang politiko sa kanyang mga pananalita sa social media tuwing magpu-post at magku-comment ng may kaugnayan sa former presidential daughter.
Nilinaw naman ni Kris na magkaibigan lang sila ni Mark na tinawag pa niyang “male bestfriend” sa isang comment sa Instagram nung nakaraang Pebrero.
“I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we agreed the best foundation for any and all relationships is FRIENDSHIP. I know I state with 100% accuracy, you’re my male best friend,” madiin na turan ni Kris.
Huling nakarelasyon ni Kris ang politician na si Mel Senen Sarmiento.
Sinasabing naghiwalay ang dalawa dahil na rin sa health condition ni Kris, dahilan para lumipad ito sa Amerika kasama ang dalawang anak para magpagamot.