Masaya at super excited ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan na makatrabaho sa unang pagkakataon ang kanyang ina na si Maricel Laxa.
Nakatakdang magsama sina Donny at Maricel sa pelikulang GG [Good Game].
Iikot ang istorya ng pelikula na ididirek ni Prime Cruz tungkol sa esports o electronic sports.
Ang esports ay isang uri ng kumpetisyong nilalahukan ng indibidwal o koponan at nagpapasiklaban sa pamamagitan ng video games.
Read: Donny Pangilinan to co-star with mom Maricel Laxa in upcoming film about e-sports
Ayon kay Donny, malaking advantage sa kanya bilang aktor na makakasama niya sa pelikula ang isang taong lubos na nakakakilala sa kanya.
Ito ang ibinahagi ni Donny sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press nang ipakilala siya bilang bagong health ambassador ng Sun Life noong April 16, 2023.

Tinanong ng PEP.ph si Donny kung ano ang advantage na makakatrabaho niya ang sariling ina.
Sagot ng aktor, "Maraming advantages, siyempre I know who she is.
"And she knows who I am inside out, everything, and hindi kami puwedeng mag-attitude sa isa't isa.
"Pero seriously, yung pinaka-advantage talaga is, I've never had a project co-starring with my mom, or even doing any scene with my mom in my life.
"Because I will never forget that ever... yung pinakauna kong project with my mom."
Simula't sapul pangarap na raw talaga ni Donny na makatrabaho at makasama ang kanyang ina sa isang proyekto.
Pagbabahagi niya, "Honestly, I always wanted to work with her.
"She's such a gifted person, a gifted individual.
"The fact that I even get to share the limelight, the spotlight with her, yun pa lang e, blessing na yun."
Read: Maricel Laxa reveals constant reminder to son Donny Pangilinan
Anu-ano naman ang mga nakikita niyang disadvantages sa una nilang pagsasama ng kanyang ina?
Sabi ni Donny, "Dahil nga nanay ko siya, maraming bagay doon na kailangan naming ibahin because we don't want to give the audience what they already know.
"The hard part was to take away what we are in real life.
"I'm very close with my mom and portraying two different characters who don't really show what they are in real life like us, it's very different.
"It's very different from who we are, my character, my mom's character, but it was really fun."
Bukod kay Maricel, makakasama rin ni Donny sa GG [Good Game] si Baron Geisler, at mga beteranong aktor na sina Ronaldo Valdez at Boots Anson Roa Rodrigo.
DOES DONNY FEEL PRESSURED IN HIS CAREER?
Hindi maikakaila na isa si Donny sa mga tanyag na star ng ABS-CBN dahil sa nabuo nilang tambalan ni Belle Mariano na DonBelle.
Read: Belle Mariano spotted at Donny Pangilinan's New Year family reunion
Mula sa record-breaking success ng kanilang unang seryeng He's Into Her (2021), nagsunud-sunod na ang mga proyektong nagawa at nakalinya sa kanila.
Read: Donny Pangilinan, Belle Mariano thankful to ABS-CBN for getting big break despite shutdown
May pressure bang nararamdaman si Donny sa likod ng tinatamasa niya ngayong kasikatan?
Sagot niya, "Siguro motivation lang na to learn and to grow.
"To keep striving to become a better version of myself and improving my craft, and do not take for granted everything you have.
"I'm really grateful and I know I have a lot to do."
