PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vina Morales: Friendship Won't Fade

"I’m surrounded by wonderful and strong women kaya naging matibay din ako.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 21, 2023
Vina Morales talks about solid friendship with Ruffa, Sunshine, Karla, Donita
Vina Morales (left) on solid friendship with Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, and Karla Estrada (right): "Na kapag kailangan namin ang isa’t isa, nandidiyan sila and nandiyan din ako.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram

Solid ang pagkakaibigan nina Vina Morales, Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Donita Rose, Karla Estrada, at ilan pa sa kanilang mga kakontemporaryo sa showbiz.

Pero kahit abala sila sa kani-kanilang mga karera at pamilya, gumagawa pa rin sila ng paraan para minsan ay magkita-kita at mag-bonding.

Pahayag ni Vina sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi matitibag yan, all these years.

“Minsan nga kahit hindi kami magkita pero alam namin na andiyan kami para sa isa’t isa.

“Na kapag kailangan namin ang isa’t isa, nandidiyan sila and nandiyan din ako.”

May plano nga silang bakasyon kasama ang kani-kanilang mga anak, pero mahirap daw talagang ipagtugma ang kanilang mga schedule.

Saad ni Vina, “Actually, may mga plano kami na mga vacation together with the kids kung matutuloy yun, sa sobrang busy naming lahat, hindi kasi magkakatugma minsan and, of course, yung iba nasa ibang bansa.

“And hopefully we could get together again out of town or out of the country...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sila yung mga kaibigan ko na matatapang na babae.”

Ang natuloy lang na magbakasyon sa magkabarkada ay sina Sunshine at Ruffa kasama ang kani-kanilang mga anak sa Bali, Indonesia, nitong nakaraang Holy Week.

Read: Sunshine Cruz denies her group caused bumping of other Bali-bound passengers from business class

EMPOWERED VINA?

Sa dami ng pinagdaanan sa buhay ni Vina, lalo na sa alitan nila noon ng dating karelasyon na si Cedric Lee, patuloy pa rin siyang nakatayo at nagwawagi.

Ito ay dahil sa magandang support system ng kanyang pamilya lalo na ng inang si Deanna Magdayao at mga kapatid na sina Sheila, Sheryll, at Shaina Magdayao.

Saad ni Vina, “I know that in my heart that I am really strong sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay.

“And maybe because also of my family and the women behind me, which is my mom and my sisters, the Magdayao sisters, and the people surrounding me na nandidiyan na nagpapatibay ng loob ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi lang naman dahil sa sarili ko, e, kaya ako matibay kung hundi ang mga tao ring nakapagid sa akin.

“And yan yung pinakaimportante actually na meron kang mga katuwang sa buhay para maging matapang ka at mas mas tama yung daanan na pinupuntahan mo dahil sa mga taong nakapaligid sa yo.

“So, I guess, yeah, women supporting women, I believe in that. Marami ako niyan, sa gilid, sa harap ko, sa likod ko.

"So, I’m surrounded by wonderful and strong women kaya naging matibay din ako.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales (left) on solid friendship with Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, and Karla Estrada (right): "Na kapag kailangan namin ang isa’t isa, nandidiyan sila and nandiyan din ako.”
PHOTO/S: Arniel Serato / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results