PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada's Emotional Reunion with Daniel

Bakit si Karla Estrada ang napiling host ng 'Face 2 Face'?
by PEP Troika
Published Apr 19, 2023
karla estrada son daniel padilla
Daniel Padilla on mother Karla Estrada: “Bagay na bagay kay Ermat ang Face 2 Face dahil bata pa lang kami, yun na ang ginagawa niya sa aming magkakapatid pag nag-aaway-away kami!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @supremo_dp on Instagram

JERRY OLEA

Natawa si Karla Estrada sa video message sa kanya ng anak na si Daniel Padilla na ipinalabas sa mediacon ng Face 2 Face.

Sabi ni Daniel, “Si Ermat, may special ano yan pagdating sa mga tao, kung paano makipag-usap sa mga tao, di ba?

“Dahil pinagdaanan ni Mama mula sa ilalim hanggang makarating kung nasaan ka man.

“Bagay na bagay kay Ermat ang Face 2 Face dahil bata pa lang kami, yun na ang ginagawa niya sa aming magkakapatid pag nag-aaway-away kami!”

Ano ang most challenging na pag-aaway ng mga anak niya na pinag-Face 2 Face niya noon at niresolba bilang ina?

“Dahil ang dalawang panganay kong mga anak, parehong lalaki at isang taon lang ang pagitan,” salaysay ni Mama Karla sa mediacon noong Abril 17, 2023, Lunes, sa TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.

“So, madalas silang magkara-karate tapos maya-maya, napipikon na pag napapalakas. So nauuwi sa suntukan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, siyempre minsan, bilang ako lang naman mag-isa nagtatrabaho… napapagod na ako na pati pagdidisiplina, ako pa rin, no? So, umaabot talaga ang mga nanay sa ganun.

“So, ang gagawin ko, paghaharapin ko. Tapos, ‘SIGE, MAGSUNTUKAN KAYO SA HARAPAN KO!’

“Ganyan, face 2 face. ‘Ano bang ginawa sa yo, DJ?!’ ‘E kasi nga…’ ‘Ano, Carlito?!’ Ganyan, face 2 face.

“Kaya ayaw na nilang mag-away. Kasi alam nila magsusuntukan sila sa harapan ko talaga. So, dahil takot na takot sila sa…

“Ang mga anak ko, pag nadadapa, very protective ako sa mga ganun, pero pinababayaan ko silang madapa para damputin yung mga sarili nila.

“Para talagang… wala man ako sa tabi nila, ano man ang daanan nila sa buhay, kaya nilang… di ba, maging matapang at buo yung mga loob.

“Pero talagang laging ganoon. Bawal makita kong nag-aaway dahil para sa akin, dapat ang magkapatid ang unang nagtatanggulan sa isa’t isa, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Huwag kayong masanay na kayo yung nag-aaway. Dahil kapag kayo nakita na nag-aaway kayo sa harapan ng mga kaibigan nyo, e, masyadong hindi matibay yung foundation pag tiningnan bilang magkapatid.

“Kaya dapat, masanay kayong nagtatanggulan. Masanay kayong nagmamahalan para pag kayo’y nasa labas, e, kaya niyong ipagtanggol ang isa’t isa, di ba?

“So, yun na naman, pero noong kabataan pa nila yun. Kasi siyempre, may mga edad-edad yan, e. Ngayon naman, hindi mo mapaghiwalay.

“Mahal na mahal ni Daniel yung kanyang kapatid na si Carlito. So, alam mong sobrang solid ang samahan ng magkakapatid.”

GORGY RULA

Bakit kaya si Karla ang pinili ng TV5 na mag-host ng rebranded Face 2 Face? Dahil ba sa kanyang beauty, or because of her wisdom?

Nakangiting tugon ni Mama Karla, “I think both… charot! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi, alam mo, madaling itanong yan pero sa totoong buhay, napakahirap sagutin niyan.

“Dahil ayaw naman nating lahat na manggagaling sa atin ang mga ganyang sagot, di ba? ‘Bakit ikaw ang pinili?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro dahil katulad nga niyan, ako’y isang ina na hindi mapanghusga sa mga sitwasyon.

“Kasi hindi nakakagaan ng damdamin ang sitwasyon na hinaharap namin dito for taping, ha?

“At praktisado siguro ako sa bahay. Katulad nung sinabi ni Daniel na bata pa sila, pinagpe-face 2 face ko na sila, di ba?

“Mahirap sagutin pero… salamat at ako na lang yung napili. Maraming salamat.”

NOEL FERRER

Sikat na sikat noon ang Face to Face with Amy Perez as host. May pressure ba kay Karla na dapat umariba rin ang Face 2 Face na mapapanood umpisa Mayo 1, Lunes ng 11:00 a.m. sa TV5?

Read: Amy Perez, tinanggihang mag-host muli ng Face To Face sa TV5?

“Natural may pressure naman talaga. Kasi kung wala, e, di hindi tayo matsa-challenge, di natin maiisip na galingan pa lalo, di ba?” pag-amin ni Karla.

“So, may pressure pero wala naman kaming ibang hangad kundi talagang makatulong, no, hindi lang sa damdamin ng aming mga guests kundi sa kung ano pang paraan para talagang mapagaan ang mga buhay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, siguro pagka maganda ang layunin mo, e, eventually matatalo din ang mga pressure na yan at magiging relaxed din tayo.”

Ang resident Trio Tagapayo ng Face 2 Face ay sina “Dr. Love” Bro. Jun Banaag, Atty. Lorna Kapunan, at Dr. Camille Garcia.

Co-host ni Karla si Alex Calleja, at may dalawang Marife bilang referee.

Ang bagong mantra ng programa, “Isyu ay harapin, huwag palakihin.”

Sana, pasukin ito ng mga advertisers at biyayaan ng mataas na ratings ang rebranded Face 2 Face!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla on mother Karla Estrada: “Bagay na bagay kay Ermat ang Face 2 Face dahil bata pa lang kami, yun na ang ginagawa niya sa aming magkakapatid pag nag-aaway-away kami!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @supremo_dp on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results