PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis on "quiet relationship" with Yen Santos

Paolo Contis: "It works because we're both quiet with our personal lives.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 26, 2023
Paolo Contis comments on netizens reactions of his relationship with Yen Santos
Paolo Contis on relationship with Yen Santos: “I guess, being in a quiet relationship, feeling ko mas may ano siya, may advantage because she is a very private person as well.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Labis na ikinalungkot ni Paolo Contis na nabatikos nang husto ng publiko ang relasyon niya kay Yen Santos.

Sa panayam sa aktor ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, na lumabas noong nakaraang April 21, 2023, sinabi ni Paolo na tila napapaligiran ng labis na galit ang kanilang pag-iibigan ni Yen.

Ani Paolo, “It’s sad to say na super na-demonize kami pareho in terms of, parang super laki...

"Katulad nga ng sinabi mo pagdating mo kanina, ‘O, the world’s hatest man.’

"Natuto na ako. And aminin naman natin, there is too much hate for me to post things.

"Parang sa akin, so what? As long as quiet yung sa aming dalawa, then so be it."

Kaya raw pinili na lamang nila na gawing “quiet” ang relasyon nilang dalawa at malayo sa mapanuring mata ng publiko.

Kuwento niya, “I guess, being in a quiet relationship, feeling ko mas may ano siya, may advantage because she is a very private person as well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw naman ni Paolo na wala siyang ikinumpara kay Yen. Baka daw kasi sabihin ng mga tao na ang pinatutungkulan niya ay ang ex-girlfriend na si LJ Reyes.

Sabi pa ni Paolo, “Wala. Again, you people don’t know what happens behind closed doors.

“So kung ano man yung mga nakikita ko dati, iba rin yung mga nakikita ko ngayon.

“Yung sa amin, it works because we're both quiet with our personal lives.”

PAOLO ADMITS RELATIONSHIP WITH YEN LAST JANUARY 2023

Unang inamin ni Paolo na girlfriend na niya si Yen sa panayam sa kanya sa Fast Talk With Boy Abunda noong January 30, 2023.

Sa TV interview na iyon, kinumpirma ng aktor ang matagal nang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.

Tanong ng host na si Boy Abunda: "Si Yen Santos ba ay girlfriend mo na? Oo o hindi?"

"As a friend?" natatawang pagbibiro muna ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pag-amin din niya kalaunan: "Yes."

Kasabay nito ay itinanggi ng Kapuso actor na si Yen ang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ng dating live-in partner na si LJ.

Kasunod nito ay naghayag ng saloobin si Paolo sa pananaw ng publiko sa relasyon nila ni Yen.

Saad niya, "Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

"Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

"Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila."

Read: Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on relationship with Yen Santos: “I guess, being in a quiet relationship, feeling ko mas may ano siya, may advantage because she is a very private person as well.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results