Kinumpirma na rin ni Cristine Reyes, 34, ang relasyon nila ng dating “tropa” na si Marco Gumabao, 28.
Sa kanyang verified Facebook account kagabi, April 26, 2023, nagpalit ng kanyang profile picture si Cristine.
Ibang larawan ito sa mga naunang na-upload ni Marco sa kanyang social media accounts.
Pero kitang nakayakap pa rin ang aktres sa nobyo na hinalikan ang kanyang ulo.
Caption ni Cristine sa post: “Definitely not Tropa anymore [peace sign, heart, finger heart emojis] #HOME”
Umingay ang salitang “tropa” dahil noong 2019, natanong si Cristine kung “Jojowain o Totropahin” lang ba niya ang kanyang kaibigan pa noong si Marco.
Noong panahong yun, 30 taong gulang si Cristine at 24 years old naman si Marco.
Isa ang litrato ni Marco sa ipinakita ni Boy Abunda sa defunct show ng ABS-CBN na Tonight with Boy Abunda.
Agad namang sinagot ni Cristine na "tropa."
Paliwanag ng aktres na magkaibigan sila ni Marco at masyado pang bata ang aktor kung jojowain niya ito.
Aniya, "Si Marco, we're friends.
"Ang bata pa ni Marco. Ano ako, cougar?"
Ang salitang "cougar" ay slang term na nangangahulugang babaeng nakikipagrelasyon sa mas bata sa kanya ng ilang taon.
Read: Cristine Reyes's 2019 interview resurfaces after relationship reveal with Marco Gumabao
Nitong nakaraang Lunes, April 24, si Marco na mismo ang nagsapubliko ang pagmamahalan nila ng aktres.
Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”
Suportado naman ng nakatatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina ang relasyon nila ni Marco.
Bilin lang niya sa binata: “Please take care and love my sister, okay? Make her happy. Please love also her daughter kasi siyempre may plus one na agad yan.”
Sinabi ito ni Ara dahil may anak si Cristine, si Amara, sa dating asawang si Ali Khatibi.
Read: Ara Mina on Cristine Reyes’s relationship with Marco Gumabao: "I’m happy for my sister."
Mukhang makakaasa naman si Ara rito dahil sa isang panayam, sinabi ni Marco na hindi niya alintana na may anak na ang nobya.
Read: Marco Gumabao, hindi alintana ang pagiging single mother ni Cristine Reyes
