PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigi de Lana Responds to 'Screaming' Comment

Gigi goes viral after singing Roselle Naval's "Bakit Nga Ba Mahal Kita."
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 1, 2023
Gigi de Lana defends herself from bashers
Gigi de Lana addresses netizens' negative comments about her throat nodules: "Kaawa kayo, mga walang alam, basta maka comment."
PHOTO/S: Gigi de Lana Facebook

Dinipensahan ng singer na si Gigi de Lana ang sarili laban sa bashers na sinisisi ang kanyang madalas na pagbirit kung kaya't nakitaan siya ng nodules sa lalamunan.

Noong April 26, 2023, mismong si Gigi ang nag-anunsiyo sa kanyang fans na may iniinda siyang sakit na throat nodules.

Sinabi niya ito nang mag-perform siya sa SMDC Date Night, na ginanap sa SMX Convention Center.

Ayon sa healthline.com, ang throat nodules ay "noncancerous growths" sa vocal cords na tumutubo dahil sa sobrang dalas na paggamit ng boses na nagiging sanhi para mairita ang vocal cords.

Dahil dito ay tumutubo raw ang malakalyong growths sa lalamunan, na maaaring lumaki kapag hindi ito napahinga.

Ayon sa singer, pinayuhan na siya ng kanyang doktor na ipahinga muna niya ang kanyang boses.

Humingi rin ng pabor si Gigi sa kanyang mga tagahanga na isama siya ng mga ito sa kanilang mga dasal para sa mabilis niyang paggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gigi de Lana on having throat nodules: "I don't know if my voice will remain like this forever."

GIGI CLAPS BACK AT BASHERS

Kahit may pinagdaraanan sa kalusugan, hindi pa rin nakaligtas si Gigi sa bashers.

Sa Twitter nitong Linggo, April 30, 2023, ibinahagi ng singer ang natatanggap niyang kritisismo sa pagkakaroon ng throat nodules.

Read: Gigi de Lana addresses criticisms after getting new tattoo: "Please, don't judge."

Halatang dismayado si Gigi dahil tila hinuhusgahan daw siya ng bashers na hindi naman alam kung ano talaga ang tunay na rason ng kanyang pagkakasakit.

Mababasa sa kanyang tweet (published as is): "Yung may pinagdadaanan ka sa boses mo, dami pa nag assume at nag judge kung bakit ako nag ka sakit sa throat.

"Dahil puro sigaw [birit] daw ako? Haha kaawa kayo, mga walang alam, basta maka comment."

Sabi pa ni Gigi, ginagawa lamang niya ang patuloy na pagkanta para sa nanay niyang may sakit

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, "Malamang kakayod ako para sa nanay ko na may cancer.

"Ako lang anak niya eh. Sino kakayod?"

NETIZENS REACT

Kung may kumukuwestiyon man sa pagkakaroon niya ng sakit ay mayroon din namang sumusuporta at patuloy na ipinagdarasal ang agarang paggaling ni Gigi.

Sa comments section ng kanyang post, bumuhos ang mga komento ng kanyang fans na suportado ang kanyang desisyong magpahinga muna saglit sa pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng isang netizen, "Don't listen to them, ms. Gigi. Khit nga si Adele pinapahinga talaga nya boses nya eh taz ilang taon sya nag come back. U knew more than them, so don't stress. Rest well. I really love your voice. Take good care of it."

Sabi pa ng isa, "Virtual hugs. Hopefully malampasan mo ito and your mom will go into full remission (complete cure)."

Ayon naman sa isa, "You can't please everybody. Just ignore the haters and focus on the people who truly appreciates you. I will pray for your swift recovery and for your Mom too."

Read: Gigi de Lana takes a swipe at bashers anew: "Ang lilinis niyo ah?”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigi de Lana addresses netizens' negative comments about her throat nodules: "Kaawa kayo, mga walang alam, basta maka comment."
PHOTO/S: Gigi de Lana Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results