PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana seeks TAPE wage settlement

Anjo Yllana recounts struggles during his Eat Bulaga! stint
by Gorgy Rula
Published May 13, 2023
Anjo Yllana pleads TAPE Inc. to settle his unpaid wages as Eat Bulaga co-host: “Pero kung magkabayaran, sali niyo naman ako. Kahit wala na ako diyan, sali niyo naman ako, kasi pinagtrabahuan ko naman yun.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nagparating ng mensahe sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Anjo Yllana para ipaalam na nabasa niya ang isinulat ng PEP Troika na nabayaran na ng TAPE Inc. sina Vic Sotto at Joey de Leon ng kanilang delayed talent fees sa Eat Bulaga!.

Read: Vic Sotto, nabayaran na ng TAPE; ilang Dabarkads, hindi pa umano nababayaran

Read: Vic Sotto asked if he was paid more than P30M for his delayed TF in 'Eat Bulaga!'

Read: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

Nabanggit din sa naturang artikulo na mayroon ding pagkakautang ang TAPE kay Anjoy at unti-unti naman siyang binabayaran.

Pero may mahabang paliwanag si Anjo nang muli siyang nakapanayam ng awtor na ito sa DZRH noong Biyernes, May 12, 2023.

Sabi ng comedian-TV host, dahil nagsalita na si dating Senator Tito Sotto, at pati si Vic, magsasalita na rin siya at baka mabayaran na rin daw siya sa matagal nang pagkakautang sa kanya ng Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Anjo ay dating co-host ng Eat Bulaga!.

Pahayag niya, “Nagpapasalamat ako kay Tito Sen at kay Bossing kasi nagsalita na sila.

“E, ayoko naman magsalita tungkol dito kasi, sabi nga ni Bossing, pera lang yan. E, sa akin prinsipyo lang.

“Ganun na rin sana ako, e. O sige, prinsipyo na lang.

“E, kaso nainggit naman ako, bayad na sila.”

Ayaw banggitin ni Anjo kung magkano pa ang kulang sa kanya. Pero ang tantiya raw niya ay mga lima hanggang pitong buwan pa ng sahod niya na hindi nababayaran.

Alam naman daw ng BIR kung magkano ang buwanang sahod niya sa Eat Bulaga!.

TROUBLE WITH HIS EX-WIFE, BIR

Sinimulan ni Anjo ang kanyang kuwento noong pinagdudahan siya ng ex-wife niyang si Jacqui Manzano sa sinasabi niyang matagal na siyang walang natatanggap na suweldo bilang co-host sa naturang noontime show.

Aniya, “Ang huling sumingil, si Jacqui, ang nanay ng mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ayaw niya maniwala sa akin na pito, walong buwan na akong hindi nagsusuweldo. Sabi ko, 'Wala, wala.' Siyempre, inaaway na ako.

“'Ibig sabihin nagtatrabaho ka, wala ka namang suweldo?'

“Sabi ko, 'Oo.'

“Anyway, sabi niya [Jacqui], kaibigan ko si Bullet [Mayor Bullet Jalosjos]. Sabi ko, hindi ko alam kung may alam si Bullet diyan. Pero sabi ko, 'Tutal sa inyo naman mapupunta yung sisingilin ko, e okay lang. Pero sinasabi ko sa yo, walang gumagawa niyan sa TAPE na nagsusumbong ako kahit kanino.'

“Winarningan ko naman siya. Pero gusto ko na rin ano… baka sakali.

“So, eto na, sinabi niya kay Bullet. Sabi raw ni Bullet, 'I’ll check on it on Anjo’s salary bakit hindi siya binabayaran.'

“Sabi sa akin ng asawa ko dati... nagalit na naman, 'Sabi ni Bullet, nakalagay dun bayad ka na…ganyan-ganyan. May VAT na ganyan-ganyan.'

“Anyway, e, di siyempre sinungaling na naman ako.”

Katulad nga raw ito sa kuwento ni Tito Sen na hindi pa bayad si Bossing Vic, pero nakakaltas na ang kanilang VAT na ibinayad sa BIR.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Anjo, “This is precisely yung sinasabi ni Tito Sen na bakit sa BIR declared na yung VAT, ibig sabihin bayad na.

“Kung hindi lumabas yung sinabi ni Tito Sen at ni Pareng Vic, walang maniniwala sa akin na may utang pa sa akin.

“Katulad nitong sinisingil ako ng VAT nung March 2020. Sabi ko sa BIR, wala pa akong suweldo.

“'E, bakit nakalagay dito, binayaran na kayo ng TAPE, ha?' 'Hindi po totoo yun.' Ayaw ding maniwala sa akin ng accountant ko.

“Buti nga, ibinulgar ni Tito Sen na nagdi-declare sila ng VAT sa BIR pero hindi pa nasuwelduhan ang mga artista. Ganun yung nangyari sa akin.

“So, hirap na hirap ako.”

Hanggang sa dumating ang pandemya, doon daw nagsimulang magbigay ng papatak-patak ang TAPE sa kanila.

Kuwento ni Anjo, “Ngayon, pagdating ng pandemic, hiningi yung mga savings account namin.

“Una, may dumating na parang 200,000 plus. So, at least tama, pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“’Tapos, paunti-unti na yun, kada kinsenas, minsan wala pa. Maliliit na yun, mga 30, minsan 20. Hindi abot sa total na kulang sa akin.

“Okay naman, kasi kahit papaano, nagagamit ko sa bahay yun, e. Pandemic pa naman, kailangan natin pagkain, kailangan natin ayuda. Naranasan natin lahat yan.”

THE BIG CHANGE

Naiba raw ang takbo ng mga pangyayari nang tinanggap ni Anjo ang noontime show sa NET 25 na Happy Time.

“Kaya tinanggap ko naman yung sa NET 25, kasi ang sabi sa akin ni Mr. T [Tony Tuviera], nag-Zoom meeting kami, mga two years pa raw bago kami mag-normal.

“So, anong ipapakain ko sa mga anak ko? Tinanggap ko na yung Net 25. Nag-resign na ako sa Eat Bulaga.

“Since then, wala nang patak na dumadating sa akin. Natigil yun.

“Ako naman, sa totoo lang, mahal ko yung show, matagal ako dun. Kung talagang wala silang ibabayad sa akin at walang pera…ang sinasabi kasi sa akin, walang pera sa loob. Walang laman yung opisina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang sa akin naman, kung talagang wala, sabi nga ni Bossing, sige, e, di wala. E, meron na nga ngayon. Baka sakali lang naman,” napapangiting pahayag ni Anjo.

Read: Anjo Yllana, inamin ang dahilan kung bakit umalis siya sa Eat Bulaga after 21 years

Nagbiro pa siyang huwag na raw sanang paabuting ang abugado na niya ang makakaharap nila.

Alam niyang ganun din daw ang nararanasan ng ibang Dabarkads, ayaw na lang daw magsalita ng mga ito.

“Kami… Tito, Vic, and Joey, ang production, we don’t even talk about it.

“Kami lang ni Pauleen nagbubulungan. Kasi siyempre pag wala ka, e, siyempre nalulungkot ako, sasabihin sa akin ni Pauleen, ‘Alam mo, buti ikaw seven to eight months, si Vic taon na.' Ha? Sabi ko!

“Hindi kami maingay, kasi takot kami. Saka mahal namin yung show, e. Kaya tiis lang tiis.

“Ang line nga lagi ni Pauleen sa akin, ‘Kapit lang Papu, kapit lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, wala na akong makapitan,” saad ni Anjo.

Ayon sa comedian-TV host, matagal nang may problema sa Eat Bulaga. Medyo lumuwag daw sila at naayos nung kasikatan ng AlDub, ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

“Nung nasa Bulaga! kasi ako, wala kaming problema sa hosts, wala kaming problema sa pang-araw araw na trabaho. Wala kaming problema.

“Ang pinakaproblema lang namin, sahod.

“This was before AlDub. Nung nagkaroon ng AlDub, hindi na nali-late yung sahod namin.

“Nung sumikat yung AlDub, kasi ang pasok ng mga commercials nun...siksikan yung mga commercials.

“Ngayon, nung 2018 yata yun, nagsimula na yung mga delay-delay.

“Nagsimula muna sa 2 months, 3 months, 4 months… akala ko malayo na itong 4, pero umabot ng 7 to 8 months. Hirap na hirap na ako.

“Siyempre wala na akong pang-ano. Nagka-cash advance ako konti, para may pang-gas man lang.

“Nagkautang ako kay Bossing… nagkautang akong pangalawa kay Bossing. Binayaran ko na yung isa, pero yung isa hindi ko pa nababayaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakahirap na nagtatrabaho tapos ilang buwan kang ano…kasi ano pambuhay mo sa pamilya mo?” seryosong pahayag ni Anjo.

Patuloy niya, “In fact, bago nagka-pandemic, parang nagsabi na si Mr. T na magri-resign na siya. Nung panahon na yun, yung nangyayari na yun, nagkakagulo. Pati kay Chairman… nagkaproblema sa office.

“Kasi 2019 bumababa na yung sina Boss, nagtsi-check na nung mga papers. Parang ewan ko kung ano yung tsini-check, parang may nawawala… kung tama ba yung ano, tama ba yung nakukuhang pera. Parang ganun. Magulo na nun.”

Kaya ang mensaheng gustong iparating ni Anjo sa TAPE: “Hindi ko kasi alam kung sino namumuno ngayon, e. Pero sa mga kinauukulan po ng TAPE, pakiramdam ko po kulang pa po yung aking sahod.

“Paki-check naman po, may mga hocus pocus po kasi dati yan, e. Sana ma-check.

“Ngayon, pag may tiwala kayo sa akin, yun lang naman yun, e. Lima o pitong buwan. Konting compensation, 20 years naman ako sa inyo, halos kalahati naman ng buhay ko inalay ko sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala naman akong masamang tinapay sa inyo.

“Baka puwede namang masilip… pag makita niyo na meron, mahalaga pa rin yun.

“Sabi ko nga, naging masaya naman ako. Mahal ko yung mga katrabaho ko dun. Pero kung magkabayaran, sali niyo naman ako.

“Kahit wala na ako diyan, sali niyo naman ako, kasi pinagtrabahuan ko naman yun.”

Sinubukan naming kunan ng pahayag ang taga-TAPE, Inc. pero walang sumasagot sa kanilang tanggapan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anjo Yllana pleads TAPE Inc. to settle his unpaid wages as Eat Bulaga co-host: “Pero kung magkabayaran, sali niyo naman ako. Kahit wala na ako diyan, sali niyo naman ako, kasi pinagtrabahuan ko naman yun.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results