PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco accidentally confirms relationship with Julia Montes

Coco Martin: "Kung ano siguro yung nakikita, iniisip ng mga tao, yun na yun."
by Arniel C. Serato
Published May 23, 2023
Coco Martin, Julia Montes finally admit 12-year relationship
Coco Martin on Julia Montes: "Napakasarap ng pakiramdam namin dahil ito, ilang years na, 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin, yung gaya ng dati. Nilu-look forward namin kapag may project kami na magkasama kami at kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao."
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso PR Girl on Instagram

Nadulas at napaamin si Coco Martin na labindalawang taon na ang relasyon nila ng aktres na si Julia Montes.

Magkasamang dumalo ang dalawa sa watch party ng upcoming series na Unbreak My Heart, ang unang collaboration ng ABS-CBN at GMA-7.

Tinanong ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe si Coco kung para ba kay Julia ang hawak nitong mga bulaklak.

Tugon ni Coco, “Para kay Jodi, sa pagmamahal namin sa kanya.”

Ang tinutukoy niyang "Jodi" ay ang kapwa nila Kapamilya star na si Jodi Sta. Maria, na bida sa Unbreak My Heart kasama sina Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.

Susog pa ni MJ, “E, yung pagmamahal mo kay Julia?”

“Alam niyo na yun,” tugon ni Coco, sabay pakawala ng malutong na tawa habang nakangiti naman si Julia sa kanyang tabi.

Dagdag pa ni Coco, “Basta kami naman, di na naman kami mga bata. Kung ano siguro yung nakikita, iniisip ng mga tao, yun na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi mas masarap kasi yung pribado yung buhay, e, tahimik, di ba? Walang mga issue, walang mga ano… eto masaya kami.”

Ayon pa sa aktor, mas mahalaga sa kanila ni Julia ang kanilang privacy.

At dito na hinayag nina Coco at Julia ang rebelasyon na unang beses nilang inamin: "12 years" na ang kanilang relasyon.

Ayon sa FPJ’s Batang Quiapo actor and director: “Napakasarap ng pakiramdam namin dahil ito, ilang years na, 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin, yung gaya ng dati.

“Nilu-look forward namin kapag may project kami na magkasama kami at kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao.

“Pero, nami-maintain namin yung privacy sa buhay namin.”

Dagdag ni Julia, “Kung ano po yung position namin o narating namin ngayon, super blessed lang talaga kami.

"And never kasi nawala sa center si God so parang lahat ng nangyayaring good stuff, si God kasi din yung ano…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Follow-up ni MJ: tama bang 2011 nagsimula ang kanilang relasyon?

Malutong na halakhak mula sa dalawa ang unang naging sagot nila.

Hindi na nakalusot pa si Coco kaya sabi na lang niya, “A, galing, a.”

Biro naman ni Julia kay Coco, “Kasi nagsabi ka na, e.”

Umere ang panayam ni MJ kina Coco at Julia sa TV Patrol ngayong Martes ng gabi, May 23, 2023.

THE COCO-JULIA RELATIONSHIP timeline

Matagal nang usap-usapan ang relasyon nina Coco at Julia.

Taong 2011, umugong ang balitang nililigawan ni Coco si Julia.

Taong 2015, umugong naman ang balitang may lihim na relasyon sina Julia at Coco.

Ngunit sa loob ng apat na taon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Una silang nagkatambal sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggan, na umere ng sampung buwan—mula January 16, 2012 hanggang October 26, 2012.

Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, nasundan ito ng isa pang proyekto noong 2013, ang pelikulang A Moment In Time, na kinunan sa Netherlands at iba pang mga bansa sa Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa primetime series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

2015 naman nang magkasama ang dalawa sa "Yamishita’s Treasure" episode ng Wansapantaym.

Matapos nito, nagkanya-kaya na sila ng proyekto.

Hanggang sa muli silang nagkasama sa FPJ’s Ang Probinsyano noong taong 2015.

October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.

Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan na ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.

Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.

Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.

December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.

Ngunit walang tuwirang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila.

Lalo pa't hindi naman sila umaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parehong buwan din, pinabulaanan ni Coco ang balitang buntis daw si Julia.

JULIA FREQUENTS COCO’S MANSION

Enero ng taong 2018, sa grand presscon ng Asintado, ang pinagbidahang panghapong serye ni Julia Montes sa ABS-CBN, isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan upang ma-interview ang cast.

Dito ay inusisa ng PEP.ph si Julia kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung may relasyon sila ni Coco.

Sagot ng aktres, “Kasi siguro, close talaga kami.

"Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin.”

Sa tanong kung perfect boyfriend ba si Coco, nakangiting sabi ni Julia, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.

"So, kung as a boyfriend, yes."

Magkalapit din lang ang bahay nina Julia at Coco sa isang malaking private subdivision sa Quezon City, kaya hindi maiwasang mapag-isipan ang closeness nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabi ring ang aktor mismo ang nanghikayat sa aktres upang lumipat mula sa tirahan nito sa Antipolo papuntang Fairview, na tirahan ng aktor.

Nagkaroon pa ng usap-usapang ang property ay regalo ng action star sa magandang aktres.

Ngunit paglilinaw ni Julia sa lokasyon ng mga bahay nila, “Hindi naman tawid-tawiran lang, ilang streets din. Kapitbahay.”

Kung may mga problema raw siya, si Coco ang isa sa mga unang nilalapitan ni Julia.

“Isa po siya. Wala, kasi close talaga kami, e.

"Giving kasi siyang tao, e. Talagang parang ang tawag ko sa kanya, mentor.

“Nung nag-i-start ako sa trabaho, talagang gina-guide niya talaga ako.

"Tsaka ganun siyang tao, e, hindi lang siya sa akin, sa mga nakakatrabaho niya.

"Talagang giving siya, e."

JULIA GIVES BIRTH

Ipinagtaka naman ng marami ang biglang pagkawala sa sirkulasyon ni Julia matapos umere ng Asintado noong October 2018.

Lumipad at nagbakasyon siya sa Germany, kung saan naninirahan ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang aktres ng mangilan-ngilang larawan niya sa Germany upang maging updated ang kanyang mga tagahanga.

Kapansin-pansing balot na balot si Julia, o di kaya'y maluluwag na damit ang suot nito, sa mga larawang kanyang ipinu-post, kaya mas lumakas ang hinalang nagdadalantao ang Kapamilya star.

Hanggang noong April 1, 2019, lumakas ang bulung-bulungang isinilang na ni Julia ang anak niya kay Coco.

Ayon pa sa balita, nanganak si Julia noong huling bahagi ng Marso sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Lalo pang umingay ang haka-haka nang bumulaga sa Facebook ang blind item ng isang showbiz insider noon ding April 1.

Bahagi ng post: “Congrats sa isang aktres na isa nang ganap na ina courtesy of her bf na sikat na aktor.

“Totoo bang habang umiiri sa delivery room (sa isang ospital sa San Juan) ay nakatakip ang mukha ng aktres para hindi makilala?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng post: “Siguro, ayaw muna ng aktres na kumalat nang bongga at inihahanda lang nila ng aktor ang announcement pag naka-recover na sa panganganak ang bagets."

Makalipas ang ilang oras nang ma-post ang blind item, binura ito ng showbiz insider.

Pinalitan ng panibagong post ang deleted post.

Sabi rito, “So me nauna na pala sa akin na magbalita ng tungkol sa panganganak ng isang aktres recently sa isang ospital sa San Juan.

“Na ang akala ng marami ay sa ibang bansa ito naganap...

“With regards to the identity of the father of her baby, mas magandang sa kanya na lang natin ito marinig mismo.

“May nagtanong kasi sa amin kung sure daw ba ako na yung sikat na aktor ang ama.

“If yes, happy naman sila, pero para lang wala nang duda-duda, hintayin na lang natin ang newest mom ang magsalita tungkol sa bagay na ito.

“After all, happy naman ang lahat sa panibagong blessing na ito na dumating sa buhay ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At alam kong napakasuwerte ng batang ito sa kanyang mga magulang.”

Sa comments section, nagsihulaan ang mga netizens at panay sina Julia at Coco ang binabanggit.

Read: Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin on Julia Montes: "Napakasarap ng pakiramdam namin dahil ito, ilang years na, 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin, yung gaya ng dati. Nilu-look forward namin kapag may project kami na magkasama kami at kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao."
PHOTO/S: Courtesy: Kapuso PR Girl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results