Kilig ang hatid ng actor-director na si Coco Martin sa fans nila ng rumored long-time girlfriend niyang si Julia Montes.
Read: Coco Martin on settling down: "Nasa puso ko na yung right one.”
Bumisita si Coco sa programang Sakto ng Teleradyo nitong Lunes, February 12, 2023, upang i-promote ang pagsisimula ng kanyang primetime action series na FPJ's Batang Quiapo, nang hindi inaasahang mapag-usapan ang napapabalita niyang nobya.
Read: Coco Martin admits his biggest mistake in life is being a director
Parte sa isang segment sa morning show na ipakita ang mukha ng mga naging leading lady ni Coco at sasabihin nito kung anong Valentine’s gift ang ibibigay niya sa mga ito.
Kabilang ang mukha ni Julia sa ipinakita kay Coco.
Nakasama at naging leading lady ni Coco si Julia sa ABS-CBN series na Walang Hanggan noong 2012, Ikaw Lamang noong 2014, at FPJ’s Ang Probinsyano noong 2022.
Tanong ng host na si Amy Perez, “Ano naman ang ireregalo mo sa kanya [Julia] kunwari bukas, e, Valentine’s Day?”
Napaisip at halatadong kinikilig pa si Coco bago siya sumagot.
“Singsing,” aniya, sabay yuko at tawa.
Sabay-sabay na tanong ng mga host na sina Amy, Jeff Canoy, at Johnson Manabat: “Bakit singsing?”
Hirit ni Amy sa kanyang mga co-host, “Kayo naman, nagtatanong pa kayo kung bakit… Pinagpapawisan tuloy si Coco.”
Seryoso at tipid na sagot ni Coco, “Hindi, ano lang, kasi si Juls [Julia], sobrang espesyal sa akin.”
Na dahilan para mapatili ang studio audience.
Samantala, ilan pa sa mga nabanggit na aktres na dati niyang naging leading lady ay sina Andi Eigenman (Minsan Lang Kita Iibigan, 2011) na bibigyan daw ni Coco ng surf board, at Maja Salvador (Walang Hanggang 2012 at FPJ’s Ang Probinsyano 2021) na reregaluhan niya ng plane ticket.
Massage chair naman ang ibibigay niya sa leading lady niya sa Juan Dela Cruz (2013) na si Erich Gonzales.
Dahil simple raw ang dati niyang leading lady na si Kim Chiu (Ikaw Lamang, 2014) pagkain daw ang ibibigay niya rito.
Camera naman ang ireregalo niya kay Bela Padilla (FPJ’s Ang Probinsyano, 2015), at gym equipment kay Yassi Pressman (FPJ’s Ang Probinsyano, 2020).
COCO-JULIA RUMORED RELATIONSHIP
Matagal nang palaisipan sa netizens kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Coco at Julia.
Read: Dimples Romana brings "kilig-ayuda" to Coco Martin-Julia Montes fans
Nagsimulang mabalitang may espesyal na namamagitan sa kanila nang magkatrabaho sila sa teleseryeng Walang Hanggan noong 2012.
Gumanap sila rito bilang magkasintahang sina Katarina (Julia) at Daniel (Coco).
March 2019 nang makakuha ng scoop ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na palihim na isinilang ni Julia ang anak nila ni Coco.
Read: Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth
October 2022 naman nang mapansin ng netizens ang singsing ni Julia na may malaki at makinang na bato sa kanyang daliri.
Read: Julia Montes flashes huge diamond ring; netizens ask, "engagement ring ba yan?"
Read: Julia Montes spotted wearing an engagement ring anew?
November 2, 2022, may short-but-sweet birthday message si Julia kay Coco sa ika-41 kaarawan nito.
Aniya, "continue to be YOU...Happy Birthday [cake, balloon emojis].
Read: Julia Montes spreads kilig vibes in her birthday message to boyfriend Coco Martin
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring direktang pag-amin sina Coco at Julia sa estado ng kanilang relasyon.
READ MORE:
