Isinapubliko na ng dating child star na si Xyriel Manabat ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Nathaniel Toledo.
Sa kanyang Instagram nitong Huwebes, June 1, 2023, ipinost ni Xyriel ang mga litrato nila ng kanyang nobyo. Kuha ito sa biglaan nilang bakasyon sa Baguio City.
Kapansin-pansin din ang saya at sweetness ng dalawa sa mga larawan nila sa isang tourist attraction sa Baguio, ang Lion's head, kung saan dito makikita si Nathaniel na nakahalik sa noo ng aktres.
Mababasa sa caption ni Xyriel (published as is), "Biglaang Baguio Trip.
"With MY spontaneous, late night taga-aya, kunsintidor, source of happiness, lifetime ride or die, SUPER BFF Pogiest boyfriend @ja.mornat."
Maging si Nathaniel ay proud ding ipinost sa kanyang Instagram ang masayang Baguio trip nila ni Xyriel.
Noong January 29, 2023, hindi itinanggi ni Xyriel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakaroon niya ng kasintahan.
Hindi pa man niya noon pinangalanan, ngunit sinabi ni Xyriel na malaki ang pasasalamat niyang suportado ng kanyang nobyo ang pagbabalik-showbiz niya, matapos ang anim na taong pamamahinga sa pag-arte.
Read: Xyriel Manabat on her showbiz hiatus: "I made sure na wala po akong ma-miss sa youth ko."
Read: Xyriel Manabat reveals fears now that she is almost a teen
Pag-amin niya, "Ngayon po mayroon, student siya, same age kami. Bago pa lang.
"Hindi naman mahirap, naiintindihan naman niya yung sitwasyon, so di mahirap."
Read: Former child actress Xyriel Manabat back to acting in daring role
Nakilala si Xyriel sa iconic role niya sa mga seryeng Momay (2010), 100 Days To Heaven (2011), at Hawak Kamay (2014).
Sa ngayon ay gumaganap siya bilang Tonet sa ABS-CBN revenge drama series na Dirty Linen.
Read: Kilalanin ang Dirty Linen cast: sinu-sino ang may itinatagong sikreto?
READ MORE:
- Xyriel Manabat responds to "may hair yung armpit" comment from basher
- Xyriel Manabat opens up about going to therapy after "sexual assault" on her photos
- Xyriel Manabat, mas liberated, open, at real na ngayon
- Xyriel Manabat flaunts curves in show-stopping prom dress at #StarMagicalProm2023
- Xyriel Manabat at Mae Dizon, magkatapat na former child stars na hindi pareho ang pinagdaanan sa showbiz
- Xyriel Manabat cries foul over “below the belt” comments on her viral photo
