#EatBulagaWar
Iginiit nina Jon, 51, at Bullet, 43, Jalosjos na ang Eat Bulaga!, ang longest-running noontime show ng bansa, ay "financially stable," at ganoon din ang TAPE Inc, ang pagmamay-ari nilang kumpanya na nagpoprodyus nito.
Pero hindi lahat ay nasa maayos na kalagayan, pag-amin ng magkapatid. May mga natuklasan daw kasi silang mga kuwestiyonableng gastusin na kinailangan na nilang paimbestigahan.
Ito raw ang isa sa pangunahing dahilan kung kaya't naging aktibo na sila bilang board members ng TAPE, matapos ng maraming taong hindi pangingialam sa pamamalakad ng Eat Bulaga!.
"So, financially stable po ang Eat Bulaga!, ang TAPE. Ang hindi po stable, medyo natatakot kami—ang expenditure," paglilinaw ni Jon, ang bagong CEO at president ng Television And Production Exponents, Inc. (TAPE).
Pagsegunda ni Bullet, ang Chief Finance Officer (CFO) ng TAPE: “Yun po ang puno't dulo.”
“Medyo meron kami nakita doon," pagpapatuloy ni Jon. “Kasi I was the chairman before I became the president, so reports ang pumunta sa akin, monthly and annually.
“So, may nakita kaming discrepancy.”
lowest figure for a cash advance is P15Million
Kabilang sa sinasabing discrepancy ang "PHP15 million" cash advance ng isang taga-Eat Bulaga! na tsinarge nito sa kanyang early o advanced retirement, kahit hindi ito magre-retire pa.
“Fifteen million [pesos], pinakamaliit,” pagsisiwalat ni Jon.
Ibig sabihin, mas malaki pa ang nakuha ng iba sa kaha ng TAPE.
Ang binabanggit na PHP15 million ay kinuha sa isang bagsakan. Sa salita ni Bullet: "One go."
Hindi na ba naibabalik o nasisingil ang mga perang ito?
“Tsina-charge nila sa advanced retirement,” sagot ni Jon.
“Tapos hindi pa nagre-retire,” sambit ni Bullet.
Dito na raw sila nagsimulang magtanong-tanong tungkol sa mga pigurang natuklasan.
Ani Bullet, “Why would you advance your retirement yet you wouldn’t retire? Yet ang lalaki ng amounts. It's unheard of, e.”
Dito sinabi ni Jon, “Kailangan namin mag-come in to correct it.”
Tumanggi namang banggitin ni Jon ang mga pangalang tinutukoy dahil posible raw sampahan nila ng kaso ang mga ito.
Ayon pa kay Bullet na siyang tagapamahala ng pera, “Like I mentioned a while ago, allowances, nagba-balloon. But that's also understandable given that we're the only show na umabot ng 44 years.
"So, magtataas talaga by increments iyang mga iyan.
“But it has to stop somewhere. Kasi, how can we start to keep a certain amount that we're earning yet our expenses balloon because of the years that we've worked?
“So, it became a curse and a blessing at the same time.
"How do you maintain, sustain, these personalities given the long period of time they have been with us or that we've been working together [kung] hindi naman tumataas o by increments yung pag-akyat ng allowance?”Pagpapatuloy ng CFO, “We can't keep going on [like this]. Kasi siyempre as a business, as a corporation, if we keep going with these expenses and this amount coming in, baka di kami umabot ng one year.”
Sa kanilang sistema, ang presidente ng TAPE ang dapat pumipirma at mag-approve ng cash advances at allowances.
Sa kaso ng TAPE, ang presidente at CEO mula 1981 hanggang 2022 ay si Antonio "Mr. T" Tuviera. Sinundan siya ni Jon.
Pero ayon na rin kay Jon, “I haven’t seen the approval of the president. To be honest, ha, voucher lang nakikita namin.
“That’s why, sabi ko nga, we contracted an external auditor.”
Sinabi nitong mapapa-finalize ang auditor's report sa susunod na buwan, Hulyo, at dito pa lang nila malalaman ang detalye ng mga kuwestiyonableng expenditure.
ARE TAPE & EAT BULAGA! LOSING MONEY?
Naungkat ang isyu ng pananalapi nang ilahad nina Jon at Bullet— sa exclusive interview sa kanila ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong June 3, 2023— ang negosasyon nila sa pioneer hosts ng Eat Bulaga! na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon para sa pagbabago at sistemang nais nilang ipatupad sa programa.
Ramdam daw nila ang “resistance” mula sa tatlong veteran TV hosts.
Ayon kay Jon, “I felt that they did not want to recognize that we are part because we are only the financier. Medyo masakit, pero I understand. Forty-four years e, di ba?"
Read: Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
Read: TAPE's Bullet Jalosjos on TVJ departing from Eat Bulaga!: "It was bound to happen."
Sa panayam ni Bullet sa Fast Talk With Boy Abunda noong April 19, 2023, pinabulaanan nitong nalulugi ang Eat Bulaga! at pinabulaanan din nito ang usap-usapang hindi maayos ang relasyon ng TAPE kina Tito, Vic, at Joey.
Read: TAPE's Mayor Bullet Jalosjos assures public Tito, Vic & Joey will not leave 'Eat Bulaga!'
Ang panayam ni Bullet ang naging mitsa sa media blitz ni Tito na nagsabing gusto niyang pasinungalingan ang mga pahayag ng TAPE CFO.
Sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph noong April 25, 2023, isiniwalat ni Tito ang sinabi ni Romy Jalosjos sa general assembly ng Eat Bulaga! na nalulugi ang programa kaya kailangang magbawas ng suweldo at ng mga tauhan.
Read: EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
TAPE MONEY THAT GOES TO ROMEO JALOSJOS
Sinagot din ng Jalosjos Brothers ang alegasyon ni Tito Sotto na malaking bahagi ng kita ng Eat Bulaga! at TAPE ang napupunta kay Romeo "Romy" Jalosjos Sr..
Ayon sa magkapatid, ito'y natural lamang dahil 75 percent ang share ng kanilang ama sa TAPE Inc..
Sabi ni Jon, “Twenty-five percent kay Tito Tony, 75 percent kay Daddy. Natural, sa sharing, may mapupunta talaga sa kanya. Napupunta kay Tito Tony ang para naman kay Tito Tony.
“That’s why we’re making an audit para malaman kung sino ba ang nag-withdraw ng mas malaki o magkano naman ang winithdraw ng isa’t isa.
“So, again, it’s natural siguro kung may-ari kami, may mapupunta sa yo. Natural.”
May binanggit din si Tito, na naging spokesman na rin ng TVJ, na may nawawalang PHP400 million na kita noong 2022, panahon ng eleksyon at panahon ng political ads.
Tugon dito ni Jon: “Kung missing yun, e, e di makikita na yun sa audit. At saka kung missing yun, e, di wala na kaming pambayad sa kanila? I mean, di ba?
“But the right of the chairman, the owner… hindi kailangang magpaalam ni Chairman sa kanya na magwi-withdraw. Silang dalawa [Mr. T and Romeo Sr.] ni Daddy ang nag-uusap."
Na ang tinutukoy ni Jon ay ang partehan ng kanilang ama at ni Mr. T.
Balik-tanong naman ni Jon patungkol kay Tito: “And how did he know na nawawala? Sino nagsabi sa kanya? Sino naghahanap, by the way?”
Para kay Bullet, tila lumalampas si Tito sa papel nito bilang host ng programa, lalupa’t ito raw ang madalas magbanggit ng pagkakaiba ng produksiyon sa management o producer.
Saad ng kasalukuyang alkalde ng Dapitan City, “Palagi niya mine-mention na he’s trying to distinguish their part, which is production.
“Nag-encroach naman siya when he talked about finance.
“Mawalang-galang lang, 'no, but I don’t think he’s an authority also to talk about the finances of the company.
“Kami po yung board, ako po yung CFO. So, sana tinanong sa akin, baka masagot ko.
“And either way, I’d like to stress, it’s a private company. Kumpanya po namin to, e, hindi naman ito Senado na kaban ng bayan or whatever. So we can do whatever we choose, with the approval of the board, sa finances namin. Kasi kumpanya namin to.
“So far, sana, we just stick to the facts. Kasi yung mga binabanggit niya, we don’t even understand kung saan po galing yun, e.
“Ang TAPE office po iba po sa studio. Hindi po siya nakakatapak sa TAPE office...”
Pagpapatuloy ni Bullet, “So, again, going back to what he was saying, that is a company, a financial business matter of TAPE. Hindi po siya part ng production, which he stated.
“So, sana, we should refrain from pulling out numbers na hindi po natin talaga ma-verify from the company itself. Yun lang po.”
ON KEEPING EAT BULAGA! AFLOAT
Gusto rin daw ipaalam nina Jon at Bullet kay Tito at sa publiko ang naging ambag ng kanilang ama sa pagpapatuloy ng Eat Bulaga! nitong mga nakalipas na taon, lalo na raw sa mga panahong lugmok ang programa sa kita o sa ratings.
Pahayag ni Bullet tungkol kay Tito Sotto: “He wouldn't also know kung anong inilabas ni Chairman, or that we had to make a corporate decision to shell money out, not just for the talents, but most importantly for the 300 employees that we have.
“Yung mga simpleng camera man, yung mga line man, yung mga writers, tsaka directors—sino po nagsusuweldo sa kanila?
“Siyempre, during the time na bagsak na bagsak, the producer or the financier, as they say, had to again reinvest another capital.
“So, naglabas na naman ng capital to ensure na mabuhay yung show.
"And that's why, I think, suwerte pa rin ang Eat Bulaga!. On top of that, medyo may mga nagkli-click na mga [segments]. That's why we're still up to this point.”
Marahil, kaya hindi raw alam ni Tito at ng ibang hosts ang mga ginagawa ng mga Jalosjos ay dahil si Mr. T lamang ang nakakausap ng mga ito.
Ito na raw kasi ang sistemang nakasanayan na nilang lahat sa mahabang panahon.
Tanging si Mr. T ang humaharap at kumakausap sa mga host at production staff ng Eat Bulaga!.
Si Mr. T pa rin ang humaharap at kumakausap sa chairman upang kunin ang mga katanungan at mensahe nito para sa mga bumubuo ng Eat Bulaga!.
Sa madaling-salita, walang personal na ugnayan ang mga Jalosjos sa mga tao ng noontime show.
times the jalosjos family reinvested money into eb!
Sa pagkuwento ni Jon, may tatlong matitinding panahong halos walang kita ang Eat Bulaga! Taas-baba raw ang show.
"Before the pandemic, we were losing. Not too much. [But] it's not the same income that we have. We're not totally zero or negative. But earnings namin bumababa because of the popularity of It's Showtime...
"For so many years, thank God, nalalampasan namin. During nung baba namin, taas sila. Sino nagbibigay para matuloy? It is the board and the chairman."
Dagdag kuwento pa ng presidente ng TAPE: "If we have a problem before, if the company has a problem, di naman po lahat ng panahon na rating kami at ang sales ay mataas, burden na po yun ng board na paluwalan.
“Kasi mga staff natin, may pamilya, kailangan pong mabuhay. Nung mataas na at kumikita na, walang problema.
“Ang problema dun pag bumagsak. Ang tanong dun, sinong nag-umpisa? Somebody has to start it financially.
“And that's my dad, that's the chairman. They acknowledge it naman."
Ngunit nitong panahon na ng negosasyon, para raw kinalimutan na ito ng TVJ.
Pag-amin ni Bullet: “The biggest problem before, we were never actively participating. We never really had an active board, which means, we don't meddle with anything. By paper kami lang, nagsa-sign lang.”
Ngunit sa pagkakataong ito raw ay kinailangan na nilang makialam upang siguraduhin ang kinabukasan ng Eat Bulaga! at ng TAPE.
Ani Bullet, “We really had to step in and ensure that there is some sort of control and regulation. So we... discussed as a family to really have an active board to ensure that this corporation survives another 44 years.”
TAPE OWES EAT BULAGA! HOSTS UNPAID TALENT FEES
Sinagot din nina Jon at Bullet ang isiniwalat ni Tito na may utang ang TAPE sa mga host ng Eat Bulaga!, partikular kina Vic at Joey na tigti-PHP30 million.
Sa huling panayam ng PEP.ph kay Vic ay kinumpirma nito ang sinabi ni Tito, pero mas malaki pa raw sa PHP30M ang utang ng TAPE sa kanya. Ang magandang balita, nabayaran na raw siya.
Read: Vic Sotto, nabayaran na ng TAPE; ilang Dabarkads, hindi pa umano nababayaran
Paliwanag naman ni Bullet, bilang chief finance officer ng TAPE, “First of all, like I said, we just moved. There's a transition period.
"And every transition, start of the year, nagpa-audit kami. And when you do the audits, siyempre you cannot just, all of a sudden, pag may sumingil, ‘O, babayaran kita.’ We don't know.
“As the board, we had to study these claims. We had to check kung talagang totoo to. And as far as I was concerned, back then, wala po ako naririnig na ganoon kasi di pa tapos yung audit namin.
“Until he [Tito Sotto] reacted. When he reacted, minadali namin to double-check if we really had owed him or them a certain amount, which lumabas nga po meron.
“Right away, we cleared it. Right away, we tried to pay them back kung anuman yung utang.”
Dagdag naman ni Jon, “And that's the reason why we were here in the first place.
“Actually, it's part of the negotiation sa side nila [TVJ].”
Tiniyak daw ni Jon sa TVJ na aayusin nila ang isyung ito para mabayaran ang pagkakautang nila.
“To the point na kailangan kong mangutang sa chairman.
“Minadali ko pa nga, e. Ang usapan namin, one year, dadahan-dahanin ko yung one year at hindi na mahuhuli ang talent fee nila.
“Never naman nahuli na [nang] pag-upo namin kasi I make sure na mauna sila bago kami.”
Hindi ba alam ni Mr. T, bilang president noon ng TAPE, na may pagkakautang ang kumpanya kina Vic at Joey ng ganun kalaking halaga?
Sagot ni Jon, “But he can always say, ‘Check mo na lang sa finance.’ So, I checked na lang sa finance.
“Hindi naman niya alam kung ano ang total, kung anong taon, saan kinuha.
“Kasi, I think most of the backlog of payment was on their allowances. Bonuses ba, pag mamimigay ka, maganda ratings, may dagdag…”
Nilinaw ni Jon na hindi pa sila nakaupo sa board nang magkaroon ng malaking utang ang TAPE sa mga hosts ng Eat Bulaga!.
