Handang-handa na ang aktor na si Jericho Rosales sa pagbabalik niya sa pag-arte matapos ang apat na taong pamamahinga.
Gaganap si Jericho bilang Cenon Santiago sa upcoming international crime-drama film na Sellblock—co-production ng ABS-CBN International Production and Co-Production, Philippines’ BlackOps Studios Asia, United States’ Story Arch Pictures, at Hong Kong’s Agog Film.
Sa Instagram nitong Linggo, June 4, 2023, may patikim si Jericho sa kanyang fans patungkol sa shooting nila sa Sellblock.
Ipinost niya ang mugshot niyang litrato habang nakasuot ng prison uniform.
Ayon sa Kapamilya actor, masaya at excited siya sa pagbabalik niya sa pag-arte.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "I’m just very happy to be acting in front of the camera again.
"Hi to my #SellBlock fam. You all are amazing.
“I’m honored… and happy I’m not waking up at 3am tomorrow. [tongue out emoji] Sweet meme.”
Noong March 15, 2022 unang iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagganap ni Jericho sa Sellblock.
Makakasama niya rito sina Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Rosanna Roces, Mon Confiado, at RK Bagatsing.
Read: Jericho Rosales to headline ABS-CBN's international drama Sellblock
Sa comments section ng post ni Jericho ay bumuhos ang pagbati ng kanyang fans at co-celebrities na excited mapanood ang kanyang bagong pagbibidahang pelikula.
Sabi ni Piolo Pascual, "Congrats tol!"
Clapping hands sign emoji naman ang komento sa kanya ni Iza Calzado.
Saad ng isa niyang fan, "You are one of the good actors in the industry. We would love to see you acting again. Yun tipong kahit hindi mag salita, facial expression lng...ang galing na!"
Sabi pa ng isa, "Can't wait to watch it. I always follow your teleserye. Kudo to this kind and talented actor. I usually see you at our gym in timog."
Huling napanood si Jericho sa ABS-CBN series na Halik noong 2019. Matapos nito ay pansamantala siyang nagpahinga sa showbiz.
Read: Jericho Rosales, ayaw nang mag-teleserye pagkatapos ng Halik
Sa nagdaang apat taon ay tumira siya sa New York City kunsaan kasama niya ang asawang si Kim Jones.
Read: Jericho Rosales gives sneak peek of New York City home with wife Kim Jones
November 2022, nagkaroon ng series of concert tours sa U.S at Canada si Jericho kasama ang kapwa Kapamilya star na si Piolo Pascual.
Read: Piolo Pascual excited about U.S. and Canada concert tour with Jericho Rosales
READ MORE:
- Reason why Heart Evangelista, Jericho Rosales, Mr. M babies had a reunion
- Jericho Rosales, wife Kim Jones shoot down breakup rumor
- Echo, is that you? Kilalanin ang construction worker na look-alike ni Jericho Rosales
- Heart Evangelista posts reunion with ex-boyfriend Jericho Rosales, other Mr. M babies
